"Aaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!"
"Aaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!"
"Aaaaaaaahhhhh-- what the hell?!" Nagsalubong ang aking kilay at naputol ang pagsigaw ko nang sa pagmulat ng aking mga mata naka face to face ko ang taong kamukhang kamukha ko. "Why are you shouting Xander?!"
Pinitik niya ako sa aking noo at napailing-iling. "You were the first one to shout, Alex!" Tinalikuran niya ako at naglakad papunta sa isang pinto na sa hinuha ko ay ang banyo.
Nilibot ko ng tingin ang buong silid. Where exactly am I? Napatingin ako sa picture na nasa ibabaw ng bedside table.
My lips automatically formed a smile. It was a picture of me, my twin brother, Xander, and my mother. So what am I doing in Xander's room?!
"Xander!!" Ano bang date ngayon? Saan na ba ang cellphone ko?! Kinapa ko ang shorts ko pero wala naman itong laman. "Xander! What the hell are you doing there?! Can you come out!"
Alexander or Xander for short is my fraternal twin. We all have the same features, except of course for our gender. But what's really ironic about us, is our s****l preferences. Yes, obviously I'm a lesbian and Xander happened to be a gay. That's why our mother who happened to be widowed since we were eight gets really crazy dealing with both of us.
"What do you want Alex?!" Salubong ang kilay nya. Nakatapis lang siya ng towel at tumutulo pa ang kanyang basang buhok. One more thing that we have in common, kahit bading siya hindi naman siya nag aact or nagdadamit pangbabae kagaya ko na hindi rin naman nagdadamit ng panglalaki. "Isn't its obvious that I'm having a shower?!" Pagdating sa kaartehan parehas lang kami.
"What's the date today?" I gave him a wry smile and ignored his outburst.
"You were shouting as if there's a fire and then you will just ask me about the date?! Why don't you just get out of my room?!"
I laughed at his expression. Namimiss ko itong bangayan namin ni Xander kahit tungkol pa sa mga walang kwentang bagay. "Just answer me!" I shouted again when he was about to go back inside the bathroom.
He rolled his eyes and sighed! Gosh, I really see myself with him. Ang gwapo ko pala kung naging lalaki talaga ako.
"April 28, 2014! What else do you want?!"
I can see that he's pissed kaya lalo akong napangiti ng nakakaloko. I think I should visit him one of these days. I mean, in present time.
He pointed out the door. "Get out! You don't have any business here!"
I shrugged and winked at him. "Xander, I think you'd better change your s****l preference! For sure magkakagirlfriend ka agad!" Pasigaw ko pang sabi habang papalabas na ako sa kanyang kwarto.
"Shut up! Ikaw ang gumawa dahil ikaw ang nakaisip!" Balik sigaw din nya bago ako tuluyang nakalabas sa kanyang kwarto.
Hindi ko na naalis ang ngiti sa aking labi habang naglalakad ako sa pasilyo ng bahay. Hmm, April 28.. What's with the date?
"Alexandra inaasar mo na naman ang kakambal mo! Mamaya mauwi na naman kayo sa bangayan!"
Napasulyap ako sa may living room nang marinig ko ang boses ni Mommy. I was supposed to go to my room but decided to have a chat with my dearest mother. Baka magka-idea ako kung anong nangyari. "Mom, what's keeping you busy?" Niyakap ko siya mula sa kanyang likuran.
Hindi pa muna nya ako pinansin at kinausap si Manang. "Manang, mamaya dadating na iyong mga tables. I-aarrange na 'yon sa garden."
"Opo, ma'am. Kami na po ang bahala."
Sinundan ko ng tingin si Manang at nginitian habang nakayakap pa rin ako kay Mommy. Looking at Manang now, I realized how time flies. Kapag bumibisita ako sa bahay nakikita ko na kung paano siya pinatanda ng panahon. Ngumiti rin muna siya sa akin bago niya kami tinalikuran.
Hinarap naman ako ni Mommy at napapailing. "What's making me busy, Alex?! You just graduated! Sino bang ineexpect mo na maging abala sa party mo ha?"
Napangiti ako. I see. Its my graduation party, hmm. Hinawakan ko siya sa kanyang kamay at hinila palabas ng bahay.
"Alexandra, ano ba? I don't have time to play now." Nakangiti naman siya kahit pinagsasabihan nya ako.
Dinala ko siya sa may pool area. "Mom, I told you, there's no need to throw out a party. Dinner with you and Xander will be fine with me."
Pinanlakihan nya ako ng mga mata. "Don't say that. Pinaghanda ko nga ang kakambal mo, so dapat ikaw rin. Saka, why I shouldn't throw a party for you, we're talking about your graduation day Alexandra!" She smiled and held my face with her both hands. "Ang bilis ng panahon. I remembered so well, you and your brother. You two were so naughty na palagi nyong pinapasakit ang ulo ng mga teachers nyo."
Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at hinalikan ito. Growing up without a father is not that easy. But my mother tried her very best to fulfill what's lacking for me and for my brother. The father figure.
Mula ng mamatay si Daddy because of leukemia, pinagsabay-sabay na ni Mommy ang lahat. Ang pagmamanage ng business na naiwan sa kanya ni Daddy at ang pagiging ina at ama sa amin ni Xander. Kaya siguro hindi na rin siya nagkaroon ng pagkakataon na makapag-asawa ulit. Ibinuhos nya ang buong panahon nya sa amin.
"Mom, that's why... Thank you." Ako naman ang sumapo sa magkabila niyang pisngi at marahan siyang hinalikan sa kanyang ulo. "I'm always grateful kasi ikaw ang naging mommy namin!"
"Hay naku, Mom, kabahan ka na! May kailangan 'yang si Alex sa'yo!"
Bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay Mommy at nilingon si Xander. Ang bilis nyang nakapag bihis ah. Naka shorts siya at itim na plain polo shirt. I smirked at him. "Pormang-porma ah. Saan ang ligaw natin Xander?"
"Alexander saan ka na naman pupunta?" Tanong din naman ni Mommy.
Humalukipkip ako at pinagtaasan siya ng kilay. "Mom, baka naman sino? Sino ang pupuntahan ni Xander?"
"Shut up!" He stucked out his tongue and kissed our mother. "I'll try to be home before 5 Mom." He, then looked at me and kiss me on the cheek. "I think I know what you're up to Alex!" He whispered on my ear and smiled meaningful.
"f**k you!" Bulong ko rin sa kanya dahilan para matawa siya. Marahan pa niya akong pinalo sa aking puwitan bago mulling binalingan si Mommy.
"Aalis na ako. Mom, don't work too hard. I'll see you later. Bye, Alexandra!" Tumalikod na siya at iniwan kami.
"Stop teasing your brother, Alexandra!
Baka magkapikunan talaga kayo!" Napapailing niyang sabi saka tumalikod din sa akin.
"Where are you going Mom?"
"I have too many things to do Alex. Mamaya na 'yong party mo at ayaw kong magkaproblema." Muli niya akong nilingon. "Do you want something to eat? I'll tell Manang to make for you."
I just smiled and waved my hand. "Juice will be fine Mom."
Malapit na siya sa may pinto nang huminto siya at muli akong nilingon. "Alex, tonight no girlfriend for you and no boyfriend for Xander, okay?!"
I was out of word for a second. Mataman kong tiningnan si Mommy kung seryoso ba siya sa sinabi nya. Her facial expression says it all.
"I'm deadly serious, Alexandra. Don't make a scene. It will be same as family gathering also and I don't want any outsider."
Hindi na niya ako pinagsalita pa. Tinalikuran niya na ako at dumerecho na sa pagpasok sa loob ng bahay.
Hindi man tumututol si Mommy sa mga napili naming karelasyon ni Xander, hindi rin naman siya sumasang-ayon. Kaya siguro walang mag lakas ng loob sa aming dalawa ng kakambal ko na ipakilala kay Mommy ang mga taong nagustuhan namin.
Bigla tuloy nanlambot ang aking mga tuhod kaya minabuti kong maupo sa swing na nasa may dulo ng garden. Napatitig ako sa tubig ng swimming pool na nasa gitna. Parang replay na nagbalik sa utak ko ang mga nangyari noon.
"Grabe lang talaga Alexa! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo!"
Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Si Myra na kaharap ko ay gulat na gulat din pagkakita kay Charm.
I was talking to Myra and I was asking for her help na ayain si Charm kahit saan para hindi na sila makaattend ng graduation party ko. I didn't invite Charm, pero alam kong pinaghandaan na niya ang araw na ito. And since binantaan na ako ni Mommy na huwag daw papuntahin ang girlfriend ko, wala akong choice. Kaso I don't know how to tell it in front of Charm.
"E-Eherm, a-ahm.. A-Ano may nakalimutan pala ako sa kotse. Bababa lang akong mabilis at babalik din ako agad!" Pinagsalitan ni Myra ang kanyang tingin sa amin ni Charm. Mabilis siyang humalik sa pisngi ko ganon din kay Charm saka dere-derechong lumabas ng aking condo.
Napalunok naman ako nang tuluyan nang sumara ang pinto. "C-Charm, a-ang a-aga mo naman y-yata?"
"Pwede mo akong derechohin, Alexa! Seriously?!" Napailing-iling siya. Her face shows dismay and disappointment.
May usapan kami na pupuntahan nya ako pero I was not expecting she will come earlier. Since malimit na rin naman siya rito sa condo ko, I let her have her own duplicate key.
Sinundan ko siya ng tingin na dere-derecho sa may fridge at kumuha ng tubig. From a far nakikita ko ang panginginig ng kanyang kamay.
"Charm.." Nilapitan ko siya at niyakap siya mula sa kanyang likuran. "I'm sorry. Hindi ko naman alam na seryoso si Mommy."
Iniharap ko siya sa akin at bumungad sa akin ang umiiyak niyang mukha. Panay ang singhot nya.
"C'mon Charm, try to understand naman please..."
"N-Naiintindihan k-ko n-naman Alexa." Pinunasan nya ang kanyang luha at pilit kumawala sa yakap ko. "P-Pero a-ano b-bang ineexpect mong maging reaksyon ko?"
Sinundan ko siya ng tingin nang umalpas siya sa pagkakayakap ko at tuluyang lumayo sa akin. Nagpunta siya sa sofa at kinuha ang bag nya saka ako muling nilingon.
"B-Bukas n-na lang tayo magkita. E-Enjoy y-your party."
"Charm, wait. C'mon let's not make this a big deal." Nilapitan ko siya at hinawakan sa magkabilang kamay. I looked at her in the eyes. "Please try to understand, bumubwelo pa ako kay Mommy."
"A-Ayokong magdemand Alexa. A-Ayoko r-rin namang p-pangunahan ka. P-Pero k-kung m-minsan nakakasama na rin ng loob." Pinahid niya ang kanyang luha. "W-Wala n-naman na tayo sa dating stage p-pero s-sa maraming pagkakataon ipinaparamdam mo sa akin na para bang kahapon lang tayo nag kakilala at nahihiya ka pang ipangalandakan ako sa ibang tao. And you know what hurts more? You didn't even give it a try. Ni minsan hindi mo sinubukan. Am I not that worthy enough?"
"C-Charm.." I closed my eyes tightly. "A-Alam mo naman ang s-sitwasyon ko kay Mommy 'di ba?"
She smiled bitterly when she gave me a second look. "Alam ko, Alexa." Mapait siyang ngumiti saka siya naglakad papunta sa pinto. "A-Alis na ako."
With that kind of look, I knew from there that she was broken because of me. Pero after that I didn't do anything.
Napahugot ako nang malalim na hininga. Now what should I do?! I remembered that after the party, sinundo ko si Charm sa bahay nila Jin. And from that day on, naging mas malimit ang hindi namin pagkakasunduan ni Charm. Worst, palagi na lang na si Jin ang naging takbuhan nya.
Naantala ako sa malalim na pag iisip nang lapitan ako ng isa sa mga kasambahay.
"Ma'am Alex, telepono po para sa inyo. Si Miss Myra po."
Tumango lang ako saka tumayo. Sinundan ko siya sa paglalakad hanggang makarating kami sa living room.
"Hello.."
"Alex, nasaan ka ba?! Kanina pa akong tawag ng tawag sa number mo hindi ka naman sumasagot!"
Kahit hindi ko nakikita ang reaksyon ni Myra ngayon na-iimagine ko na nakataas na ang kanyang kilay. Lihim akong napangiti. "What do you want ba?"
"Anong what do you want ba?! Akala ko ba magkikita tayo sa condo mo?! Kanina pa ako dito pero wala ka naman! Pinaglololoko mo na naman ba ako?"
Shit! Ito na ba 'yon?! Napapikit ako nang mariin at muling nag balik sa akin ang mukha ni Charm na umiiyak. God, I can't let it happen again. But what should I do?! Si Mommy naman ang masasaktan ko.
"Alex!!! Ano na?!"
Muli akong natauhan nang magsalita si Myra. I heaved a deep sigh. Bahala na!
"Alright, Myra! Give me thirty minutes and I'll be right there. If you want, grab some food first and I'll call you later."
"Whatever! Do I have any other choice?!" Nagbuntong hininga pa siya bago pinutol ang linya.
Time to face it, Alexandra. Kung gusto mong manatili sa buhay mo si Charm give your best shot!
Huminga pa muna ako ng malalim saka ako nagready papunta sa aking condo.