Reliance

2213 Words
I roamed my eyes in our garden. Napapalibutan ng maraming ilaw ang paligid. Kahit may naka set up na speakers, hindi naman gaanong maingay. Napangiti ako nang kawayan ako ni Mommy, sa kanyang tabi ay ang kapatid ni Daddy, na si Tita l***l. Huminga muna ako ng malalim bago ako humakbang palapit sa kanilang kinaroroonan. "Look at this so gorgeous lady!" Abot hanggang tenga ang pagkakangiti ni Tita l***l. Mabilis akong humalik sa kanyang pisngi. "If Mom is not here, I would proudly say na kanino pa ba ako magmamana!" I joked out. "Bastos na bata!" Saway naman ni Mommy na sinamahan ng paghampas sa aking braso. "You can easily say na sa both sides mo namana yang ganda na sinasabi ng tita mo!" she even rolled her eyes. I laughed and kissed them both on the cheeks. "Gladly I have both of your genes in my veins!" "And you should also be glad that I am your twin brother!" Singit naman ni Xander na biglang sumulpot sa aming likuran. We all laughed at this. "Xander, you really don't know when is the right time to joke!" Pang aasar ko sa aking kakambal. He's so handsome with his black suit. Who would have thought that he's into guy? "I know you'd say that!" He chuckled then tenderly kiss me on the head. "Congratulations on your graduation! Mabuti na lang at sa akin mo namana iyang katalinuhan at kasipagan mo!" "And what do you mean by that, Alexander?!" Nanlalaki ang mga mata na tanong ni Mommy. Nagkatinginan kaming dalawa ni Xander saka nagkatawanan. Naputol lang ang aming pag-uusap nang lapitan kami ng isa sa mga katulong. "Senyorita Alex, andyan na po ang mga bisita nyo." Biglang nabura ang ngiti sa aking labi. Suddenly I felt nervous. Pasimple kong sinulyapan si Xander na may nagdududang tingin. "Samahan mo muna sila Manang. Susunod na lang ako." Tipid kong sagot. Mabilis naman itong tumalikod at naglakad palayo sa amin. "You didn't tell me you have guests, Alexandra." If I don't know my mother, I will mistakenly think that her smile is genuine. But knowing her, I guess she had idea already whom my guests are base na rin sa nagbabanta niyang tinig. Napatikhim ako saka hinawakan sa kanyang kamay si Mommy. "Tita, can I excuse my Mom first. We'll get back to you okay?" I slightly kiss her on the cheek then pull my mother. "Xander ikaw muna ang bahala kay Tita." Baling ko naman sa aking kakambal na mabilis namang nakahalata at tumango. "Take your time hija." Nakangiti pang sabi ni Tita l***l bago namin siya tuluyang tinalikuran ni Mommy. "Tell me she's not whom I'm thinking, Alexandra?" Bungad ni Mommy nang. makarating kami sa dulong bahagi ng garden. Nakikita ko na ang ilang malalapit naming kamag-anak na nagsisidatingan. Here comes my mother's tone of voice. Ito iyong kinakatakutan namin ni Xander mula pa noong mga bata pa kami. But thinking of present time, para akong masisiraan ng ulo. Alam kong matatanggap ni Mommy si Charm, pero ang gusto ko lang naman ay iyong mabago ko ang kung anumang naiparamdam ko kay Charm noon. Mabawasan man lang iyong mga pagsisisi ko sa buhay. Mabawasan man lang iyong sakit na naidulot ko sa kanya. "Mom, c'mon.." Pasimple pa akong sumulyap sa kinaroroonan nina Myra. Nasa tabi niya si Charm na hindi maikakaila sa ekspresyon ng mukha ang nerbyos. "I really love her." "My God Alexandra! Ayokong mag mukhang kontrabida sa kung anumang meron sa inyo ng babaeng iyon! But we've talked about this right?" Nasa tono ni Mommy ang pagbabanta. Napahugot ako ng malalim na hininga. Pinigilan ko pa rin ang sarili ko na huwag sumigaw. Kaya naman mahinahon ko pa rin siyang kinausap. "Please naman, Mom! Charm is her name! Hindi naman siya basta bastang babae lang!" I know maraming beses ko nang nadismaya si Mommy. Pero wala na akong magagawa pa. Even in the present time I cannot unlove Charm. So if ever I can do something to make things work out, gagawin ko even if kailangan kong manikluhod kay Mommy para lang matanggap nya ang sitwasyon. Para lang matanggap nya ako. Kami ni Charm at this moment. Kahit man lang sa ganito may magawa akong tama. "Alexandra.." Mababakas sa mukha ni Mommy ang pag kontrol nya sa kanyang boses. Pa simple pa niyang sinuyod ng tingin ang paligid hanggang mapadako ito sa kinaroroonan ni Charm. "Napakaliit na bagay lang ng hinihiling ko sa'yo, mahirap bang pag bigyan iyong gusto ko? Is it really hard?" Parang gusto ko lalong maiyak dahil sa nakikita kong ekspresyon ng mukha ni Mommy. "M-Mom.." Napatungo ako at pinilit na hindi maiyak. "K-Kaso i-iyong maliit na bagay na hinihiling mo, i-iyon din ang isa sa napakahalaga para sa akin. S-Sa kanya ako masaya Mommy. Dito ako masaya.. Mahalaga ang okasyon na ito para sa akin and I want her to be part of it." "Ngayon lang naman Alexandra, ngayon lang sana.." Iiling-iling nya akong tinalikuran at nag lakad pabalik sa kinaroroonan nina Xander. Napatingala ako at pilit na pinigilan ang luhang nagbabadya ng kumawala sa aking mga mata. "A-Alexa.." Mabilis kong pinahid ang aking mga mata at pinilit ngumiti. "H-Hi.." Almost five steps away from me is Charm, looking so gorgeous in her gray color, above the knee dress. She got that worried look on her face. "O-Okay k-ka lang ba?" I can see that she's obviously hesitating to come near me. "O-Oo n-naman.." Ako na mismo ang lumapit sa kanya at hinila siya palapit sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata habang nakayakap sa kanya nang mahigpit. "I love you Charm, you know.." At hindi na ata magbabago pa ang nararamdaman ko para sa'yo. Hinaplos haplos niya ang aking likod saka ako marahang inilayo sa kanya. Sinalubong nya ang aking mga mata. "Kung hindi komportable ang Mommy mo na narito ako, naiintindihan ko." Pilit siyang ngumiti. "Nakikita ko naman na pangpamilya lang itong party na inihanda nya para sa'yo.." "Charm.." So what's next? Nakabalik nga ako ng nakaraan, nabago ko man ang nangyari hindi ko naman mababago ang sakit na idinulot ko para kay Charm. It's still useless. "I-I d-did try to talk to my mother..." "Ssssshhhh.." Pinutol nya ang aking sinasabi saka iniabot ang isang maliit na paper bag na hindi ko namalayang bitbit nya. "Y-You don't need to explain. Sabi ko naman sa'yo na naiintindihan ko. A-Alam ko namang sinubukan mo." Muli siyang ngumiti saka ako mabilis na hinalikan sa pisngi. "Anyway, congratulations! I am so proud of you." Pagkasabi niya ng mga katagang 'yon mabilis niya akong tinalikuran at nagsimulang maglakad palayo sa akin. Para naman akong naestatwa sa aking kinatatayuan at napatulala lang sa maliit na paper bag na iniabot nya sa akin. What should I do next?! "And where do you think you're going young lady?" Napakurap ako at natauhan nang marinig kong muli ang boses ni Mommy na nanggaling sa aking likuran. Nakita kong huminto sa kanyang paghakbang si Charm. "M-Mom.." Hinarap ko siya. Maagap ko siyang pinigilan at handang awatin anumang oras. "Let go of my arm, Alexandra." Mahina lang ang pagkakasabi ni Mommy ng mga salitang iyon pero kababakasan sa kanyang mukha ang pagbabanta. Napalunok lang ako at sinulyapan si Charm na tila natuklaw ng ahas dahil sa kanyang reaksyon. Wala na akong nagawa ng tinanggal ni Mommy ang kamay kong pumipigil sa kanyang braso. Unti-unti niyang nilapitan si Charm at sinuri. Nakita ko pa kung paano niya ito tingnan mula ulo hanggang paa. "So you will go just like that? Hindi ka man lang magpapaalam sa akin? You don't even have the decency to say 'hi'? Seriously?" Muli akong binalingan ni Mommy. "Siya ba 'yong tinutukoy mo ha Alexandra?" "M-Mommy p-please, d-don't even try--.." "A-Aalis na po ako, Ma'am.." Putol ni Charm sa sasabihin ko. Saglit lang akong sinulyapan ni Charm saka muling tumingin kay Mommy. "H-Hindi p-po ako nagpunta rito para gumawa ng kahit anong eksena o mag eskandalo. S-Si Alexa po ang ipinunta ko rito..." "Alexandra, the next time you invite someone, make sure that he or she can even face me." Kahit ako ang kinakausap ni Mommy kay Charm naman siya nakatingin. Lalapit na sana ako nang senyasan ako ni Charm kaya napahinto ako sa paghakbang. "Ma'am p-pwede ko ba kayong makausap?" "What made you think na gusto kong makipag-usap sa'yo?" Nakita ko pa ang pagtaas ng kilay ni Mommy. "C'mon, Mom that's enough." Saway ko sa sarili kong ina saka nilapitan si Charm at inakbayan. Nagtataka ko pa siyang tiningnan nang marahan nyang tinanggal ang kamay kong nakaakbay sa kanyang balikat. "Alexandra, stay out of this." Mariing sabi ni Charm. Mababakas sa kanya ang pagbabanta at pakikiusap sa akin. Hindi naman nawala sa pansin ko ang makahulugang ngiti ni Mommy na mabilis ding nabura sa kanyang mga labi. "I'll give you ten minutes." Sabi pa ni Mommy saka kami tinalikuran parehas. "Charm you know, you don't have to do this. I'll deal with my mother later on." Hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat at masuyong kinabig nang mapansin kong susundan na nya si Mommy. "Mom will surely understand. But maybe not now." Marahan lang nya akong tinapik sa aking likod at dahan-dahang kumawala sa aking pagkakayakap. "Nakakahiya kung paghihintayin ko ang Mommy mo." Tipid siyang ngumiti saka tuluyang humiwalay sa akin. "Charm..." Tumango lang siya at tinalikuran na rin ako. "Trust me." Sabi pa niya bago ako tuluyan tinalikuran at mabilis sinundan si Mommy na papunta na sa loob ng bahay. Hindi na ako nakakilos sa aking kinatatayuan. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa tuluyan na silang nakapasok sa loob ng bahay. Bigla lang akong natauhan nang tapikin ako sa balikat ni Myra. "Anong nangyari Alex?" Nakasunod din ang kanyang tingin sa dalawang babaeng tuluyan nang nakapasok sa loob. "H-Hindi ko alam Myra.." Wala sa sarili kong sagot. "You think Tita will warn her to stay away from you?" Mabilis ang naging paglingon ko sa kanya. "Y-You think so?" "I don't know either Alex. Kaya nga tinatanong kita. You should know better right?" Hahakbang na sana ako upang sundan sila ngunit maagap naman niya akong napigilan. "Hey, where do you think you're going?!" "Susundan ko sila Myra." I should be celebrating my graduation but here I am, trying to figure out what I should do to change the future.. I mean the present time. Or what so ever. I'm coming from the present and here I am in the past that happened to be the present now, so the present is the future. s**t! What am I thinking anyway?! Marahan akong binatukan ni Myra. "What's with the panic on your face, Alex?!" Napahinga ako nang malalim. "God Myra after five or six years mapapagod si Charm sa akin at iiwan nya ako. That's why I need to do something now!" Napahawak ako sa aking ulo at sinamaan siya ng tingin nang muli niya akong batukan. "Ano't nag kakaganyan ka na naman?! Lasing ka na ba agad ha, Alex?!" Napailing-iling pa siya. "'Yan ka na naman sa pagsasabi mo na hihiwalayan ka ni Charm in the near future! For sure kung mangyari man iyon it will be all your fault!" I know Myra was only joking but it really hits me hard. Para na namang piniga ang puso ko. "Hey, nagbibiro lang ako, ano ka ba!" Agad nyang bawi. Tila ba nakonsensya sya dahil sa nakita nyang reaksyon ko. Marahan pa niya akong tinapik tapik. "Ano bang sabi sa'yo ni Charm bago siya sumunod kay Tita?" "'Trust me.'" Mahina kong sabi habang nakatingin sa kawalan. "Then trust her! Why are you so worried?" Kasi wala pa ring magbabago. Lalayo pa rin sa akin si Charm. Pakiramdam ko hindi sapat na nagbabalik lang ako sa nakaraan at nababago ko ang mga nangyayari. Because the truth is, Charm keeps drifting away from me and Myra is right. I am the one at fault. "Oh heto na pala sila eh!" Muli akong nabalik sa katinuan nang marinig kong nagsalita si Myra. Napadako rin ang aking tingin sa tinitingnan nya. Mula sa pinto na pinasukan nila, muling lumabas sila Mommy at Charm. Nangunot ang aking noo dahil para bang walang naganap na tensyon sa pagitan naming tatlo kani-kanina lang. Naglalakad sila palapit sa akin. Nakaangkla si Mommy kay Charm, habang nag-uusap. Ang matindi pa nito, parehas silang nagtatawanan. What was that?!? "Alexandra, halina kayo ni Myra. Let's eat at nagugutom na rin daw itong si Charm." Matamis na ang ngiti sa mga labi ni Mommy. Nagtatanong ang mga mata ko nang balingan ko naman si Charm na nagpatay malisya lamang at nagkibit balikat. "Gusto ko 'yan Tita. Gutom na rin ako!" Masiglang sagot naman ni Myra na nakiangkla na rin kay Mommy. "Aren't you hungry, Alexa?" Pukaw naman ni Charm sa akin nang hindi pa ako kumikilos sa aking kinatatayuan. "I-I am.." Wala sa loob kong sagot. "M-Mom, can we talk for a moment?" Tiningnan ko si Mommy. Hindi na ako mapakali. I need to know what's going on. "Can't it wait Alexa?" Singit pa rin ni Charm na nakataas ang kilay. Nang muli kong tingnan si Mommy ay may pilya nang ngiti sa kanyang mga labi. "O-Of c-course it can, Charm." Oh God! I'm dying of curiosity but I guess I had to wait... For now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD