Kabanata 11

2166 Words
Zoo Bumusina si Railey na tanda na naroon siya. Nakangiti ako habang na patungo sa kanya. Binuksan pa nito ang pintuan ng kanyang sasakyan na tanda ng kanyang pagiging magalang sa babae. "Pano mo nalaman na dito ako nagtratrabaho?" Agad kong tanong rito habang pinaandar ang kanyang sasakyan. "Someone tell me." Ngumiti ito na tila nagpapaguilty pa lalo sa akin. "Sino naman?" He shrugged "Sorry." Nakatingin ako sa kanya at lumingon naman ito sa akin. "You not need to be sorry." Kalmado nitong sabi sa akin. Hindi ko na dinugtungan pa ang sinabi niya. Katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa di ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako. Madaling tumama sa akin ang hampas ng araw. Napalingon ako sa aking tabi. Nakatulog ako sa kanyang sasakyan at siya naman ay gayun din sa tabi ko. Ginamit niyang kumot ang kanyang tuxedo na nilagay sa akin. Gigisingin ko na sana siya nang makita kong mahimbing pa ang kanyang pagtulog. Wala na akong nagawa kundi antayin siyang magising. Nilagay ko ang tuxedo niya sa kanyang katawan. Maigi kong pinagmasdan ang kanyang mukha na ngayon ay masasabi kong mas makikita ang kanyang kakisigan. May katatamtaman na haba ng pilikmata, matangos na ilong, maganda korte ang labi niya na tila isang babae at medyo mapangang hugis ng mukha. Hindi ko maisip kung pano nga ba nagkagusto ang isang gaya niya sa gaya ko na siguro kahit ang pinakamagandang babae sa mundo ay magkakagusto sa kanya. Makisig, maganda ang pangangatawan, galing sa magandang pamilya, mayaman at higit sa lahat napakaganda ng kanyang pag-uugali. Masasabi ko na nasa kanya na ang lahat. Biglang pumasok sa aking isipan ang mga sinabi ni Mama. Kahit sabihin pa nating mahal niya ako at tanggap niya ako. Hindi magiging madali ang lahat dahil sa sitwasyon ko. Bahagyang kumilos na ito at binuksan ang kanyang singkit na mga mata. "Agatha, gising ka na pala?" Nakangiti nitong agad na tanong sa akin. Hindi ko maipakiwari sa aking sarili kung bakit pumasok sa aking isipan na 'kung ganito kaya kami sa umaga parati? Tatambad ang kanyang maganda ngiti na tila walang problema kaming haharapin.' Napailing nalang ako sa mapusok na isipan na iyon at ngumiti sa kanya. "Tara, kumain ka muna ng umagahan sa bahay." Hindi na ito tumanggi sa akin at dumiretso na kami sa bahay. Sakto naman na gising na si Sync na abala sa kanyang coloring books at si Mama naman ay pagluluto ng almusal. "Ma." Humalik ako rito. "Oh, kasama mo pala si Railey." "Opo." Sagot ko naman. Dumiretso agad ako kay Sync na di parin kami napapansin sa pagdating namin. "Magandang umaga po, Tita." "Magandang umaga rin. Sumama ka na sa amin kumain." Aya ni Mama. "Salamat po." Walang pagtanggi nitong saad. "Mommy!" Mabilis akong niyakap ni Sync. "Naging good boy ba ang anak ko?" Tumango pa ito. "Look Mom." Pagmamalaki nitong pinakita ang medyo burado ng star sa kanyang kamay. "Wow! Ang galing naman! This is my gift for you!" Hinalikan ko naman ito ng sunod sunod na halakhak mula sa kanya ang naririnig ko. Nang tumigil na ako sa paghalik dito ay napansin niya naman si Railey na ngayon ay nakatingin sa aming dalawa. "Hello, Sync?" "Hi, Uncle!" Sagot naman nito at bumaba sa kanyang kinauupuan at madaling pinakita kay Railey ang mga star na nasa kanyang kamay. Hindi ko alam na ganun na pala kalapit si Sync kay Railey. Ngunit sa pagkakaalam ko ay ngayon lang sila nagkita at nagkausap. Binuhat nito si Sync at inilagay sa kanyang hita. "Very good!" Nagulat ako sa sunod nilang ginawa ang fist bum. Hindi ko alam na ganun pala sila kaclose at may paganun ganun pa silang nalalaman. "Uncle, can you buy me some ice cream?" Binulong niya rito pero rinig ko naman dahil sa medyo may kalakasan ito. "Sync!" Agaw ko naman sa atensyon nito. "Of course! Let's buy after we eat, okay?" "Yehey! Thank you, Tito!" Niyakap ni Sync si Railey na di ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng di ko maipaliwanag sa aking sarili. "Close na pala kayo?" Namamangha kong tanong sa kanilang dalawa. Ngumiti lang ang dalawa at muli silang nagkatinginan. Tila sila na mag-ama sa pagtanaw ko sa kanilang dalawa. "Oo, hindi pa ba nasasabi sa iyo ni Railey na sa tuwing wala ka ay narito siya?" Singit ni Mama habang naghahanda ng makakain. Tinulungan ko naman siya. "Wala po. Bakit di niyo sa akin sinabi?" "Dahil ayaw ipaalam ni Railey. Nakiusap sa akin." Napalingon ako sa dalawa na ngayon ay busy sa pagkukulay ng mga libro. "Para silang mag-ama diba?" Huminto si Mama sa kanyang ginagawa habang nakatanaw sa dalawa. "Opo nga po." "Sa ganyang lalaki, hindi mo talaga pagsisihan ang pagpapakasal sa kanya." "Ma!" Pagsuway ko rito dahil baka marinig ni Railey at kung ano ang isipin. "Oh sige na, buhay mo yan." Pagsuko nito sa akin. "Halika na kayo, kumain na tayo." Aya ni Mama sa dalawa. Binitbit ni Railey si Sync habang nagtatawanan sila. Hindi ko alam kung pano napalapit sila sa isa't isa pero alam kong masaya si Sync na kasama siya. "Sync lead the prayer." Tumango naman ito at nagsimula ng panalangin. "God, thank you for the food and thank you for having Lola, Mommy and Uncle Railey here to eat with me. Sana po sa susunod na mga araw ay kasama parin po namin sa pagkain si Uncle. In the Jesus name, Our Lord, Amen." Ginulo ni Railey ang buhok ni Sync pagkatapos nitong magdasal. "Close na close na talaga kayo huh?" Pangbubuking ko sa kanila. "You want to go to the zoo?" Hindi ako pinansin nito at kinausap si Sync. Tuwang tuwa naman itong tumango. "Mabuti naman, nang mapasyal naman ni Agatha yang anak niya. Puro nalang trabaho." Paninimula na naman ni Mama. "Ma, nakakahiya." Pagsaway ko sa kanya. Sabay naman silang tumawa na tatlo na hindi ko alam kung anong dahilan. "Sync, gusto mo pumunta tayo ng zoo?" "Opo, Mommy. I want to see some monkeys." Excited nitong sabi habang ginagaya nito ang tunog ng unggoy. "Kasama po si Tito Railey, diba?" Tiningnan ko naman si Railey at mabilis na humarap kay Sync. "Yes, of course. I will introduce the animals to you." Ngayon ko lang nakita na ganito katuwa si Sync. Hindi ko naisip na magiging close sila ni Railey sa mabilis na panahon. ←←←●●●→→→ Kinabukasan... "Mommy, look how long his nose!" Bitbit si Railey si Sync sa kanyang mga balikat at tuwang tuwa sa nakikita niya. "Yeah. He can smell you." Dagdag ko. Patuloy kaming naglakad at tumingin tingin hanggang sa napagod at nagutom na si Sync. Naglatag ako ng banig at nang ilang makakain sa halaman. "Thank you." Out of the blue kong pasasalamat kay Railey. "For what?" Hindi ko alam kung paborito niya ba talaga ang salitang yun sa tuwing humingi ako ng tawad at pasasalamat sa kanya. "Dahil pinasaya mo si Sync." Nakatanaw kami kay na masayang nilalaro at mga bula. "I also enjoy. He will became a great man someday." "Do you think so?" Tumango naman ito. "Mahilig ka pala sa bata ngayon ko lang nalaman?" "Hindi ganun kahilig, siguro nakikita ko lang si Zeus kay Sync." Halos mabilaukan ako sa iniinom ko. "Are you okay?" Nag-alala nitong tanong at mabilis akong binigyan ng tissue. "Oo, bakit mo naman nasabi?" Nang makita niyang okay na ako ay muli niyang tinanaw si Sync. "4 years old ako nang pinanganak si Zeus noon. After two years, nagsimula lumago ang business nila Mom and Dad. Lagi kaming naiiwan ni Zeus noon sa bahay kasama ang Yaya. Kahit na sakitin akong bata noon, I know how to be responsible Kuya when it comes to Zeus." Habang tinitingnan ko siya nakikita ko na tila binabalikan niya ang mga nakaraan. "Ako ang nagpapalit ng diaper niya noong panahon na yun." Saglit siyang tumawa sa mga naalala niya. "Kasama ko siyang maligo, kumain, manood ng cartoons, magbasa, at kahit sa pagtulog. Lahat yun kasama ko siya. Kaya nang makita ko si Sync naalala ko si Zeus. Ganyan din siya kabibo noon." Nakatingin si Railey kay Sync. Hindi ko alam pero habang tumatagal mas lalo akong natatakot sa mga nangyayari. Gusto ko nang aminin sa kanya ang lahat pero nangingibabaw ang takot sa aking puso. "Mahal na mahal mo talaga si Zeus." Sa tuwing kasama ko siya. Parati akong naguguilty sa sarili ko. "Oo, kaming dalawa ang magkapatid kaya mahal na mahal ko yun." Natawa ako sa pag-amin niya. Masyado siyang straightforward at di nahihiya kahit na ang cheesy na para sa iba ang sinasabi niya. Naglalakad kami pabalik sa sasakyan niya habang bitbit si Sync na tulog na. Natingin ako sa kanya ng bigla niyang hawakan ang aking kamay. Mahigpit niyang hinawakan ito. Bakit ganito tumatalbog ang dibdib ko sa tuwa? Hindi ko siya sa matingnan, gayun din naman siya. Parehas lang kaming tahimik habang naglalakad. Nang makarating kami sa parking lot ay madali akong bumitaw sa kanyang pagkakahawak at nahihiyang tumingin sa kanyang mga mata. "Akin na si Sync." Binigay niya naman agad ito at binuksan ang backseat. "Dito nalang kami sa harapan nakakahiya naman." Iniisip ko lang na baka isipin ng iba na driver pa namin siya. "Okay lang, para makaunat si Sync." Sumakay na nga kami. Tahimik lang kami sa sasakyan habang makarating kami sa bahay. Binuhat niya si Sync patungo sa kwarto at hinatid ko naman siya palabas. Muli niyang hinawakan ang kamay ko. Naiilang ako sa ginagawa niya pero kasabay nun ang excitement. Nagkaanak na ako pero never pang nagkaroon ng ganitong lalaki na kasama ko. Para akong teenager sa excitement na nararamdaman ko. "Thank you." "Tsk." Saway niya sa akin. "This is our official first day of dating." Huminto siya paglalakad at humarap sa akin habang hawak ang aking mga kamay. Tumango ako habang nahihiya sa ginagawa niya. "I only have 9 more dates to come." Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya kaya nanatili akong di nagsasalita. "Why you are not looking at me?" Natatawa nitong tanong sa akin. Inilalapit niya ang mukha niya sa akin na mas lalong nagpapakilig sa akin. Pilit kong umiwas sa tingin niya. "Stop." Pagsaway ko rito pero patuloy parin ito sa pang-aasar. Tumigil din siya at muling naglakad habang hawak ang aking kamay na mas nakalapat sa bawat puwang ng aking mga daliri. "May trabaho ka bukas?" Nasa harap na kami ng sasakyan niya at nakasandal siya rito ngunit di niya parin tinatanggal ang hawak niya sa aking kamay. Tumango ito habang nakatingin sa aming mga kamay. "Uy, ano ba?" Natatawang agaw ko ng pansin sa kanya. Sa wakas ay binigyan niya ako ng pansin habang nakangiti siya sa akin na parang ewan. "Bakit may dumi ba sa mukha ko?" Naiinsecure naman ako sa mga tingin niya. Umiling naman ito at mas lalo pangngumiti na mas lalong nagwawala ako sa aking sarili. Sa totoo lang di ko alam kung saan ako lulugar sa sitwasyon ko ngayon. "Sobrang saya mo ata?" Hindi ko rin mapigilan ang ngiti sa aking labi. "Hindi mo kasi tinatanggal ang kamay mo sa pagkakahawak ko." Nailang naman ako kaya tatanggalin ko na sana ng bigla niya akong hinila. Magkalapit na ang mukha naming dalawa na nagpapatibok ng puso ko ng napakalakas. "May nararamdaman ka na ba para sa akin?" Nakangisi nitong tanong. Tumayo naman ako ng maayos at tinanggal ko na ang pagkakahawak sa kamay niya. "Umuwi ka na nga. Lumalakas na kasi ang imagination mo." Tinulak ko na siya papasok ng sasakyan niya at wala naman siyang nagawa. "See you, Future Mrs. Agatha Uy." Natawa nalang ako bago umandar ang sasakyan. Bumalik na ako ng bahay at tulog na si Mom at Sync. Bago ako humiga ay inaasikaso ko muna ang sarili ako at ang mga kakailanganin ni Sync bukas. Nang makahiga na ako ay sakto naman na nakatanggap ako ng text mula kay Railey. Sweetdreams, my future wife. I miss you already. Hindi ko alam kung bakit tila nababaliw ako sa text niya. Para akong bumabalik sa pagkadalaga ko sa ginagawa niya sa akin. Siguro nga baliw na ako sa nararamdaman ko. ◀◀◀■●■●■▶▶▶ Epilogue of Chapter 11 Nalate ako sa flag ceremony dahil sa late nag-alarm ang phone ko. Tumakbo ako hanggang sa makakaya ko habang hindi pa tumutugtog ang Lupang Hinirang. Tumugtog na ito sa kalagitnan ng pagtakbo ko kaya huminto ako bilang paggalang sa watawat. Nagulat na lamang ako nang makita ko si Zeus na nasa tabi ko. "Hello?" Nagwave ito sa akin habang nakangiti nang mas nagpapagwapo sa kanya. "Hi, late ka rin?" Kahit gusto ko na siyang iwasan, siguro nga tadhana ang nagdadala sa aming dalawa. "Yep. Ikaw din?" "Ganun din." "Kayong dalawa!" Sigaw nung boyscout nang makita kaming nag-uusap kaya madali kang tumigil. Parehas kaming tumawa ng pagkatapos ng Pambansang Awit. Kahit sa panaginip ay hindi ko naisip na magkakaganito kami. To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD