Kabanata 12

2750 Words
Sakit "Sir, sa tingin mo po ba may pag-asa po talaga tayo kay Mr. Benetiz?" Team Leader Jon, nag-aalala ang lahat dahil sa narinig nilang utos ni Zeus. "Yes, but we need him to impress." Kitang kita sa kanyang mga mata na determinado talaga siyang makuha ang gusto niya. "Maganda ang takbo ng kompanya pero ilang taon niya na tayong tinatanggihan." Halatang hindi papayag si TL Jon sa plano ni Zeus. "So do your best, San Manuel Corp be in the top rank in this month." Narinig na naman namin ang mga bulung- bulungan at muli na sanang magsasalita si TL Jon. "Pero..." Itinigil ito agad ni Zeus. "Wala nang pero pero, do what I say." Halatang mas malaki pa rin ang authority ni Zeus. "Meeting adjourned."Nagsipag-alisan naman ang lahat. "Agatha?" Tawag nito sa akin. "Sir?" Lumapit naman agad ako sa kanya. "Check them and tell me what's going on." Wala na akong nagawa kundi sundin ang utos sa akin. "Yes, Sir." Lumabas na ako at nakita ko na magkakasama sila sa isang gilid ng opisina. "Nababaliw na ba si Sir? Alam niyang mortal na kaaway ng ama niya si Mr. Benetiz." Sabi ni Joshua na matagal na rin sa kompanya. "Let's do what he asked for." TL Jon, hindi parin maialis ang pangamba sa mga tao sa kompanya na ngayon ay halatang stress na stress na sa kanilang gagawin. Ilang linggo na busy ang opisina at nang matapos nila ang magazine na ipupublish ngayong buwan, buong empleyado ng kompanya ay nakatutuok kung anong mangyayari sa kanilang pinaghirapan pagkatapos ng isang linggo dahil malalaman kung pang-ilang rank ang magazine na aming ginawa. Nagsiya ang lahat ng makitang nasa top 3 ang Start Up Magazine. Lahat ng pagod at walang tulog ay mababawi na rin ng bawat isa. "Agatha, ready for tomorrow meeting. Isa at kalahating araw tayo, kaya magready ka ng mga susuutin mo. We will meet, Mr. Benetiz!" Kahit ayaw kong pumayag anong magagawa ko boss ko siya. "Yes, Sir!" Inayos ko na ang mga gamit ko dahil kailangan namin umalis ng maaga. Hindi maganda ang pakiramdam ko paggising ko dahil na rin sa ilang araw na walang tulog at maayos na pagkain dahil sa hinabol ng lahat nang nasa opisina ang project. Maging si Zeus ay wala ring tulog dahil binabantayan niya ang bawat galaw ng grupo. Buong biyahe tahimik kaming dalawa at kung mag-uusap man kami ay puro business matters lang. Nakaidlip ako ng 30 minuto hanggang makarating kami sa lugar. Feeling ko ay sapat na ang aking tulog para maibsan ang sakit ng aking ulo. Hindi ganun kaganda ang panahon sa Ilocos at muntik na rin icancel and flight namin ng papunta kami buti nalang ay hindi natuloy. Pero pagbaba namin sa eroplano halatang di maganda ang panahon doon. Gusto ko sanang bumisita sa resort kahit saglit lang pero dahil sa di maganda ang panahon, di ko alam kung matutuloy pa ako. Dumating kami sa meeting place, na isang resort na kung saan malapit ang resort namin noon. Isa si Mr. Benetiz sa matalik na kaibigan noon ni Papa pero hindi ko siya lubos na ganun kakilala dahil humawak lang ako ng business ni Papa nung panahon na gusto niya ako ipakasal kay Railey. Kaya alam kong hindi rin ako kilala ni Mr. Benetiz. "Good morning, Ma'am Sir. How may I help you?" Nakangiting bati sa amin ng frontdesk. "Good morning, I had reserved two rooms yesterday. Two suite rooms." pagbibigay ko ng impromasyon sa kanya. "What is your name Ma'am?" Chineck niya naman ang computer niya kung meron ba. "I am sorry Ma'am but we don't have your name on the list." "What do you mean?" Naguguluhan kong tanong sa kanya dahil sure akong nakapagreserve ako kahapon. "We don't have your name on the reservation list, Ma'am." Ulit nito. "Pero nagreserve ako kahapon." Gusto ko sanang ipagdiinan dahil totoo naman na nagreserve ako dahil pagkatapos iuutos sa akin yun ni Zeus ay agad ko naman sinunod yun. "It's okay. We can stay here even without reservation, right?" Kalmadong tanong ni Zeus na tila hindi man lang nagagalit sa nangyari na mas kinatatakot ko dahil pwede niya akong sumbatan. "Yes, Sir. But unfortunately, we only have one room vacant for today, Sir." Lumingon agad sa akin si Zeus at halatang hiningi na niya ang opinyon ko. "Hindi pwede." Ayun agad ang lumabas sa bibig ko. Hinila niya ako palayo dun sa frontdesk dahil alam niyang magsasalita ako nang di maganda. "Why are you acting like that?" Halatang napipikon siya dahil sa inaasal ko. Alam kong kasalanan ko pero hindi parin pwede dahil hindi ko hawak ang sitwasyon kung ano man ang pwedeng mangyari. Wala akong tiwala, hindi sa kanya kundi sa sarili ko. "Hindi pwede tayong magsama sa isang kwarto." "Sa tingin mo ba may gagawin ako sayo?" "Kung gusto mo ikaw ang manatili dito at ako naman maghahanap ng matutuluyan ko." Natawa siya at halatang hindi makapaniwala sa naririnig niya. Alam kong naiinsulto ko siya pero ayun ang tama para sa amin. "So parang ako pa ang may kasalanan dito? Do you think makakahanap ka ng matutuluyan sa ganyang di magandang panahon?" Napasulyap ako sa itsura ng labas at nakita ko ang malakas na buhos ng ulan. "Kahit na, maghahanap parin ako." "Sige, matigas naman yang ulo mo! Gawin mo ang gusto mo! Pero kapag hindi tayo nagtagumpay sa business meeting na to, kasalanan mo." Alam kong sinusubok niya ako. "Mukha ba akong tanga para maniwala sayo?" "Do you think Mr. Benetiz will be glad if he knows that my secretary didn't sleep here tonight, in his own hotel?" Wala na akong nagawa pa at pumayag na rin. Marami na akong narinig tungkol kay Mr. Benetiz at halos lahat na yun ay hindi halos di maganda. Hindi ko alam kung paano naging maganda ang pagiging magkaibigan ni Dad at Mr. Benetiz. Tumungo na nga kami sa kwarto at bumungad sa akin ang medyo may kalakihang lugar. Kumpleto ang kwarto yun at buti nalang ay may dalawang kama. Pagkalagay ng mga gamit ay umalis din agad si Zeus at ako naman ay dumiretso upang maligo. ◀◀◀■●■●■▶▶▶ "Hindi ako interesado sa sinasabi mo." Hindi ko alam na ganito pala kabastos ang lalaking nasa harap namin. "Rank 3 ang Start Up Magazine at kapag naging business partner po kayo ng kompanya ay magandang opportunity po iyon at na mas lalong lumago ang mga business niyo." Tumawa ito nang napakalakas na nagpapasakit sa tenga naming dalawa ni Zeus na tanging nasa loob lang ng kanyang opisina. "Wala ka ngang pinagkaiba sa ama mo!" Wala akong masabi sa inasal niya ngayon dahil halatang di siya interesado sa sinasabi ni Zeus. "Mr. Benetiz, we want you to our business and gain more..." "Mukha ba talaga akong ganung mukhang pera?" Tumawa ulit ito na siya lang ang nakakaalam kung anong nakakatawa. "Hindi po, ang ibig ko pong sabihin..." "Hindi ako nakapag-aral at pinagmamalaki ko yun! Sa tingin mo mauuto mo ako dahil sa magagandang bagay na lumalabas dyan sa iyong bibig?" Pinagpatuloy niya ang pag-inom niya ng kape. "Mr. Benetiz." Halatang unti nalang ay susuko na si Zeus dahil sa hindi makausap nang maayos si Mr. Benetiz. "Itigil na natin to! Hindi ako mag-iinvest sa gaya ng ama mo!" Hindi ko alam kung anong meron sa tatay ni Zeus at ni Mr. Benetiz pero halatang galit to sa kanya. "Mr. Benetiz, I'm Agatha Cleone!" Pagbati ko rito dahil unang una palang ay hindi na niya ako hinayaang magpapakilala pa. "Cleone, ama mo ba si Jose Cleone?" Nagulat ako sa biglang pagbabago nito ng loob sa akin. "Opo." Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa aking kamay. "Ang laki mo na ngayon, noon huli kong kita sayo ay maliit ka pa noon." Hindi ko na maalala pa ang sinasabi niya. Kinalabit naman ako ni Zeus at halatang hindi alam ang nangyayari. "Opo, pasensya na po at hindi ko kayo agad nakita nang mas maaga pa." "Pero bakit kasama mo ang isang yan?" Pagtukoy niya kay Zeus. "Dahil po siya ang boss ko." "Anong ibig mong sabihin, saan ang Papa mo? Bakit nagtratrabaho ka sa isang katulad yan?" Halatang iba ang ugali ni Mr. Benetiz kapag ayaw niya sa isang tao maging ang ma koneksyon dito ay di niya rin gusto. "Matagal na pong namaalam si Papa." Ramdam ko parin ang sakit ng mararamdaman ko sa tuwing naalala ko si Papa. "Pasensya na at hindi ko nalaman agad. Ngayon nalang muli ako bumalik dito dahil sa ilang bagay na kailangan kong asikasuhin at hindi ko napuntahan ang Papa mo." Ngumiti ako rito at alam kong concern talaga siya kay Papa. "Okay lang po. Sigurado akong naiintindihan po yun ni Papa." "May gusto akong sabihin sayo, Hija." Tumango naman ako. Gusto niyang kaming dalawa lang kaya kinausap ko muna si Zeus na umalis roon at muling nagsalita sa aking pakay. "Ano po yun?" Medyo lumapit ito sa akin. "Bakit di ka nalang dito magtrabaho sa akin?" "Pero hindi ko po matatanggap ang inooffer niyo." Diretsa kong sagot. "Pero hindi magandang mapalapit sa pamilya nila." Halatang concern nitong paalala sa akin. "Po?" "Pero pagnagbago ang isip mo sabihin mo lang sa akin." Tumango naman ako dahil siguro alam niyang hindi ako papayag. "Pero okay lang po bang malaman ang dahilan kung bakit niyo ayaw mag-invest sa San Manuel." "Nakalimutan ko nga palang, tauhan ka parin niya." Natatawa nitong sabi. "Sorry po, iba po talaga ang sinadya ko rito, una palang." Tumango ito at halatang naiintindihan niya naman ang pakay ko. "Sa inaasal mong yan, naalala ko si Jose sa iyo." Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Siguro ay hindi mo na kailangan pang malaman." Sagot niya sa kanina ko pang tanong. "Ganun po ba pero kung may oras po kayo sana basahin niyo po ito. Maraming nagsakripisyo pong tao para lang magawa yan. Sana po makita niyo at alam kong pagkatapos niyong mabasa yan ay dun na po kayo makakapagdesisyon. Salamat po." Tumayo na ako at lumabas ng opisina. Nakita ko naman agad si Zeus na nasa labas ng opisina na tahimik na nag-aantay. "Okay ka lang ba?" Agad niyang tanong sa akin. Tumango naman ako at dumiretso na sa kwarto. Umupo ako sa couch at humarap sa kanya na nakaupo na rin. "Anong gusto niyang gawin natin?" Agad tanong nito sa akin na halatang ready na para sa mga sasabihin ko. "Mag-antay." Yun na lamang ang sinagot ko "Sa tingin mo ay papayag siya?" "Hindi ko alam pero ipagdasal nalang natin na oo." Dumiretso na ako ng kama dahil hindi maganda ang nararamdaman ko. "Kumain muna tayo, wala pa tayong kinakain kanina pa." Aya nito. Nagtalukbong na ako ng kumot . "Ikaw nalang, wala akong gana." Naintindihan niya naman yun at wala na akong narinig mula sa kanya. Hanggang sa nakatulog na ako. ◀◀◀■●■●■▶▶▶ Napamulat ng ako ng aking mata dahil sa ingay ng lakas ng ulan. Maaga na kaya ramdam ko na rin ang gutom dahil na rin sa wala akong kinain kagabi. Tumayo na ako at nakita ko naman na wala na roon si Zeus dahil nakakaayos na kanyang kama gaya ng ayos nito kagabi bago makatulog. Nagulat naman ako nang bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Nang tingnan ko ang kanyang mukha ay bigla akong naalala ang mukha niya tila nasa aking alala, ang mukhang halatang nag-aalala. Hindi ko alam kung epekto ba ito ng sakit ng ulo ko kagabi o dahil sa sobrang tulog ko. Mukha siyang walang tulog. Kahit na singkit siya ay halata ang mga eyebags niya. "Okay ka lang?" Tumango naman ako at inalalayan naman niya akong umupo. Hindi ko alam kung anong nangyayari na parang concern siya sa akin. Hindi naman niya naman ata halata na may sakit ako diba? "Kumain ka na, wala ka pang kain simula kahapon." Alam niya pala. Naghain siya ng pagkain sa mesa na isa na naman sa kinagulat ko. Hindi ko alam na nagluluto pala siya. Lugaw ang niluto niya, tama lang para sa akin. "Kumain ka muna." Sabi nito at sumubo na rin siya ng lugaw. "Wala namang nangyari kagabi diba?" Paninigurado ko dahil tila iba ang kinikilos niya. Boss ko siya pero sa ginagawa niya ngayon ay tila iba iba ang inaasal niya ngayon kesa sa noon na karaniwan na nagsusungit siya sa akin. Na meron kaming boundary sa isa't isa. Pero ngayon hindi ko alam. "Naatras ang pagbalik natin sa Maynila dahil sa di maganda ang panahon." Napaso naman ako ng lugaw nang marinig ko yun. Madali naman niyang binigay niya sa akin ang baso ng tubig at napkin. "Anong ibig mong sabihin?" Paniniguraso ko sa aking narinig. Umayos siya ng upo at nakatingin ito sa akin ng deretso. "Babalik tayo kinabukasan pa sa Maynila." "Pero...." "Wala tayong magagawa dahil hindi maganda ang panahon ngayon at hindi safe para magbyahe." Mas hindi safe kapag kasama ka! "Don't worry, wala akong gagawin sayo." Tila nabasa naman niya agad ang nasa utak ko. Patuloy kaming kumain at muli akong nagpahinga dahil sa hindi ko magandang kalagayan ngayon. Hindi ako sanay uminom ng gamot kaya hindi ako umiinom ng kung ano dahil hindi ko kaya. Siguro dahil na rin sa ilang beses na ako natrauma sa kakainom ng gamot noon. Kaya mas mabuti ng matulog nalang dahil alam kong pagod lang ito. "Agatha!" Kahit hindi ko kaya ay pilit kong binuksan ang aking mga mata at nakita ko naman siyang nakaupo sa aking kama. "Bakit?" Pilit kong ipinakita na okay ako dahil unang una ayaw kong maawa siya sa akin at pangalawa ayaw kong nakikita siyang kunwaring nag-aalala sa akin. "Inumin mo muna to." Nasa harap ko ang isang kutsarang na may lamang liquid na hindi ko alam kung ano. "Para san naman yan?" Baka kung ano yung ipapainom niya sa akin. Wala akong tiwala sa kanya. "Ibuka mo na yang bibig mo at wag ka nang magtanong pa." Pinagpipilitan niya parin sa akin na inumin yung nasa kutsara. "Ayaw ko nga!" Hihiga na sana ako ng hawakan niya ako. "Inumin mo muna to para umokay ka." Pasensyado niyang pamimilit sa akin. Para matapos na ay ginawa ko naman dahil ramdam ko naman ang hilo ko at sinubo niya sa akin yung laman ng kutsara. Napakapangit ng lasa na halos gusto kong masuka sa lasa. Binigyan niya ako ng isang basong tubig at halos maubos ko yun. "Matulog ka na." Bago pa ako makapagreklamo ay natulog na ulit ako dahil sa umalis na siya kaagad. ◀◀◀■●■●■▶▶▶ Epilogue of Chapter 12 Third Person's POV: "Mainit pa po siya kanina pa. Ano po bang dapat kong gawin?" Hindi na alam ni Zeus ang kanyang gagawin dahil ginawa niya na ang lahat ng kanyang magagawa para mababa ang lagnat ni Agatha. "Punusan niyo po ang ang katawan niya Sir ng bumaba ang lagnat ng misis niyo." Hindi niya maipaliwanag pa sa housekeeper na hindi niya asawa si Agatha dahil mahaba pang paliwanagan ang mangyayari. "Pinainom niyo na po ba siya ng gamot?" Tanong ng housekeeper na halatang na nangungunsumisyon dahil sa walang kaalam alam ang lalaking nasa harap niya. "Hindi pa po dahil ayaw niyang umiinom ng gamot." Naalala nito noong highschool sila nang makita si Agatha na sumusuka dahil sa pag-inom ng gamot. "Kung hindi siya makainom ng tableta ang gawin mo tunawin mo at painumin mo sa kanya pagkagising niya kapag nakakain na siya." "Maglagay ka ng suka at yelo na may tubig sa isang panggana. Ibabad mo roon ang towel at ilagay mo sa noo niya kada tatlongpung minuto. Siguradong baba ang lagnat ng misis mo." "Salamat po." "Oh sige, una na ako. May gagawin pa ako. Huwag kang masyadong mag-alala sa asawa mo. Gagaling din siya dahil halata namang hindi mo siya pababayaan." Umalis na ang housekeeper at ginawa na ni Zeus ang lahat pinapagawa ng matanda sa kanya. Buong gabi siyang gising para bantayan si Agatha na walang kaalam alam sa mga nangyayari. Hanggang sa minulat nito ang kanyang mata ng saglitan ang nakita ang nag-alalang mukha ng kanyang amo. To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD