Phoebe
"Good morning!" Bati ni Railey sa akin, hindi ko alam kung uupo nga ba ako sa inuupuan nilang dalawang magkapatid o ano pa.
"Good morning." Ngumiti naman ako bilang ganti.
"Dito ka nalang umupo." Itinuro niya pa ang nasa harap niyang upuan.
"Sige." Inorder ko na ang aalmusalin ko.
"Do you have free time today?" Tanong ni Railey sa akin.
"Huh? Ah, oo." I look to Zeus who is busy eating his breakfast.
"Can you tour me around on this island?"
"Oo naman, bakit hindi?"
"That's great."
Natapos na nga kaming kumain nang mag-aya ng umalis agad kami ni Railey.
"Hindi ka ba sasama?" Tanong ko kay Zeus. Hindi ko siya talagang gustong kasama pero mas okay sana kung kasama namin siya dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Railey kapag tinanong niya ulit ang tanong niya sa akin kagabi.
"Don't worry about him, susunduin niya pa ang fiancé niya mamaya." Ani ni Railey.
"Ah ganun ba. Sige." Umalis na kami ni Railey at sumakay na sa sasakyan niya.
Sa kalagitnaan ng pagbabiyahe ay hindi maalis sa isip ko kung anong gagawin ng fiancé ni Zeus dito. Pumayag na ba siyang ganapin na ang kasal sa resort?
"Railey?"
"Hmm?" Lumingon ito sa akin at bago bumalik ang tingin sa kalsada.
"Pumayag na ba ang fiancé ni Zeus na sa resort na magpakasal?"
"Hindi ko pa alam. Pero ang alam kong dahilan ng pagpunta dito ni Phoebe ay dahil tinawagan siya ni Zeus, hindi ko alam ang buong detalye." Sabi nito.
"Okay lang bang magtanong ng ibang nalalaman mo sa kanya? Gusto ko sanang maging prepare ako kung matutuloy man, kung sa resort sila ikasal." Pagpapalusot ko.
"Wala akong masyadong alam sa kanya pero alam kong mahal na mahal niya si Zeus." Simple niyang sagot, muli niyang tinuon ang kanyang sarili sa pagdadrive.
Natunton na namin ang Light House. Nasa baba lang kami nito dahil sa ayaw kong umakyat dahil sa usap usapan na merong mga espiritu na pagala gala rito at hindi ko gustong pumunta sa matataas na lugar. Kaya pumayag siyang magstay kami sa baba nito.
"Wow! It so beautiful." Ani nito. Nakatanaw siya sa itaas at tiningnan ang magandang estraktura.
Ngumiti lamang ako at humarap siya sa akin at muling nagsalita.
"I'm so curious." Kinabahan ako dahil inisip ko agad yung tanong niya kagabi. Siguro ay nahalata naman agad niya na ayaw kong pag-usapan ang tinanong niya sa akin kahapon.
"Don't worry, I will not ask you about yesterday." Nakangiti nitong saad na nagpagaan ng dibdib ko.
"Thank you."
"What happened to you? Why did you decide to live here, before I left I knew you were in Manila?" Umiwas ako sa mga mata niya at pinagmasdan ang magandang lugar na nasa harapan namin.
"Personal matter." Nagets naman niya na hindi ko gustong pag-usapan ang tungkol doon.
"I'm sorry for asking."
"Don't mind it." Muli kong pinagmasdan ang ganda ng lugar.
Ang mga puno at lawak ng lugar na ito ang nagpapasariwa sa aking sarili. Umupo ako sa mga d**o na mas nagpaparamdam sa akin na maliit nga ang mundo para sa akin, kay Zeus at kay Railey. Gaya ko ay umupo rin siya.
"When I was a teenager, meron akong nagustuhang isang babae. That time, it also Zeus classmate." Pagsisimula niya, muli ko siyang tiningnan habang masayang pinagmamasdan ang ganda ng lugar. Hindi ko alam kung anong itutugon ko sa sinabi niya, kung tatawa ba ako dahil parati nalang siya nagkakagusto sa kaklase ng kapatid niya o mananahimik nalang ako.
Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit niya kailangan sabihin ang mga bagay na ito sa akin.
"That's funny right? Like you, one of classmate of Zeus, I fall in love." Nakatingin siya sa mga mata ko na alam kong gusto niyang mabasa ang iniisip ko.
"But that time, you cannot compare myself now from before. I was frail, sickly and undersized on my age, so I don't blame you, when you saw me for the first time, I look younger than my age. Sila Mom and Dad, parating sa akin ang atensyon nila dahil sa kalagayan ko dahil dun I am guilty, guilty dahil si Zeus ang bunso pero ako ang mas binibigyan ng pabor pero hindi ako nakarinig na kahit na isang masamang salita kay Zeus, sobra niyang bait na kapatid. So I promised to myself that one day, I will give everything I had with my brother." Habang nagsasalita ramdam ko ang sakit na nadarama niya eventhough makikita mo sa mukha niya na masaya siya.
"Nang araw na magtatapat na sana ako sa babaeng gusto ko, I went to Zeus' room to have some advice, but when I got there, I heard he was talking on his phone. But before I leave, I heard the name of who he was calling, Phoebe." Ikinagulat ko ang naririnig ko. Anong nangyayari? Anong ibig niyang sabihin?
Nakita naman niya ang pagkagulo ko na marinig ko ang pangalan ni Phoebe.
"Yeah, your conclusion is right, Phoebe, my youngest brother's fiancé. I was inlove with her. Pero alam kong hindi lang kaibigan ang tingin ni Zeus kay Phoebe, na may something sa kanila. Sumuko ako dahil alam kong dun lang ako makakabawi sa kapatid ko." Habang pinapakinggan siya mas lalo akong nakokonsensya at gusto kong sabihin sa kanya ang totoo.
Na may anak na ako at ayaw ko muli siyang masaktan gaya sa nangyari noon sa kanya. Ayaw ko nang dagdagan pa ang sakit naramdaman niya noon. Alam ko kung gaano kasakit ang makita ang mahal mo na kasama ang malapit sayong tao.
"Railey." Yun lamang ang naibuka ng aking bibig.
"But now, everything is different, I don't want to give up, for the second time, I will not give up someone I really cherish. So, please, Agatha please help me, be happy on my side." Para akong nabato sa harapan niya. Sabi ko na nga ay darating na naman na tatanungin niya ako sa bagay na ito.
"Railey, I know how hard your past, but I am not good enough for your love. You don't know me enough to fall in love with me. Nabibigla ka lang." Hindi ko alam kung anong reaksyon niya sa pinapakita ng kanyang mukha ngayon.
"Nabusted na naman ba ako for the second time?" Natatawa nitong tanong sa akin na hindi man halatang nasaktan sa sinabi ko, ngunit di na ako tumugon dahil ayaw ko lang siyang mas lalong masaktan. Siguro mas maganda na masaktan siya ngayon kaysa patagalin ko pa.
"Can I ask you a favor?" Ngumiti naman ako bago ako tumango.
"Please, give me a chance to prove you, how really I feel."
"Pero...."
Itinaas niya ang kaliwa at kanang kamay na nakaalalay sa kanya sa pag-upo at inilahad ang kanyang sampung daliri. "Just 10 dates. Just give me a chance, Agatha. Please, then after that you may decide. Just give me a little chance. It's really okay for me if you reject me for the second time, but let me make a move, to don't make me feel regret someday." Doon ko lang nakita ang pagiging sincere niya but I know this guy will make me into trouble.
"But you know what would be my answer, that would be make me feel more guilty than this day." Nakita ko naman ang ngiti sa kanyang mukha.
"Just date me, that would be fair enough." Hindi na ako nakatanggi pa dahil alam kong kahit anong sabihin ko ay hindi siya susuko.
Bumalik na kami ng resort, saktong pagdating namin ni Railey ay naroon naman sila Phoebe at Zeus na masayang nag-uusap. Gaya ng Phoebe na nakita ko noon ay ganun na nga lang ang angkin niyang ganda ngunit tila nangangayayat siya dahil sa kanyang trabaho. Hindi ko alam kung may sakit ba siya o ganun na ba talaga ang uso sa mga artista ngayon.
Hindi na ako nakakanood ng tv maging updated sa social media dahil na rin sa marami akong ginagawa. Isa rin sa iniiwasan ko noon ay magkaroon ng impormasyon kay Zeus at Phoebe na mas lalong magpapasakit ng aking damdamin.
Ngunit maliit nga siguro ang mundo, kung sino pa ang taong iniiwasan mo ay siya ang magpapakita sayo.
"Zeus!" Tawag na atensyon ni Railey sa kanyang kapatid. Lumingon naman ito sa aming dalawa maging si Phoebe. Nakaupo sila sa harap ng resto ng resort habang may pinag-uusapan.
Gaya ko alam ko ang piling ngayon ni Railey dahil kaharap niya ang babaeng una niyang minahal na palihim. Ngunit kahit ganoon kailangan naming itago yun upang hindi maging komplikado ang mga pangyayari.
"Phoebe, how are you? It's been a long time when see each other." Pag-uumpisa na usapan ni Railey.
"I'm good." Ngiti nito sa kanya. Lumingon naman si Railey sa akin at ipinakilala kay Phoebe.
"As I expected, if you were here it only means Zeus already discussed what we had talked." Tumango naman si Phoebe.
"Is she the one who will plan our wedding?" Natutuwang tanong nito kay Railey.
"Yes, she is. Her name is Agatha, the daughter of owner of the resort." Tumayo naman ito nakita ko naman na mabilis namang inalalayan ni Zeus si Phoebe sa pagtayo.
Hindi ko alam kung anong meron pero halatang concern na concern siya kay Phoebe. Kahit wala akong karapatan para magselos ay ramdam na ramdam ko ngayon.
"Hi!" Pinilit kong ngumiti at ipinakita na okay ang lahat.
"Nice to meet you Agatha!" Inilahad niya ang kanyang kamay at inabot ko naman ang ito.
Umupo agad siya at maging kaming dalawa ni Railey ay umupo na rin. Magkatabi kami ni Railey habang si Phoebe at Zeus naman ang magkatabi.
"So, okay lang ba sayong dito kayo ikasal ni Zeus?" Tanong ni Railey kay Phoebe.
"Yes, of course. It would be great to have our wedding here. I also heard what happened to this resort. So I'm glad to help." Hindi parin ako makapaniwala na nasa harap ko na siya ngayon.
"That's good. Have a good time while planning your wedding and just consider this will be also your vacation." Ngumiti naman si Railey maging si Phoebe.
Hindi ko sinasadyang mapatingin kay Zeus na ngayon ay nakatitig sa akin.
"Meron mamayang kasiyahang gaganapin dito sa resort. I will be happy, if you attend." Ngiti ko.
"It would be great." Railey
"We will attend." Patangong sagot ni Phoebe.
♧♧※※⊙※※♧♧
"You're stunning." Pambungad na salita ni Railey.
I'm wearing my black one piece with black seethrough dress on it. Railey was wearing a summer short with his black sando like Zeus. Phoebe was wearing her brown two piece that make her also beautiful.
"Thank you." Lumapit naman ako sa kanilang tatlo.
"We always have this party yearly, for appreciating the good work of our employees." Pasimula ko.
"Wow, a good point." Railey
"But why don't you give your employees a goods than just like this events? It would be more practical and reduce more cost." Tanong ni Zeus.
"Yeah, Dad also does that for compensation in 2011. But I change it, for me, yeah be more practically and reduce our cost. But the goods are tangible, it would be lost after a week or a day. But good memories with their families, like this, will never forget." Hindi na muling nagsalita si Zeus.
"Let's enjoy this night, please don't talk about your business matter for now. I'm out of place." Natawa naman kami sa sinabi ni Phoebe kaya nagkasundo naman kami.
Umalis sila Zeus at Railey upang mag-asikaso ng kakainin namin. Naiwan kami ni Phoebe.
"Can I call you Agatha?" Napangiti naman ako sa kany.
"Of course."
"Call me Phoebe, Agatha. You know, when I first saw you earlier I think we met before?" Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya dahil nakita ko lang naman siya noon sa kwarto ni Zeus ng personal.
"Masyado kasing common ang mukha ko." Pagpapalusot ko.
"Siguro nga pero nang makita kita kanina there is something about you." Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya na mas nagpapakaba sa akin lalo ng husto.
"Gaya ng ano?" Ngumiti naman siya sa akin.
"I think we will be a good friends in the future." Saad nito, na lalong nagpakaba sa akin. Hindi ko alam kung sincere ba siya sa sinasabi niya o may alam pa siyang higit sa nakikita ko ngayon sa kanya.
"Sana nga." Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Agatha, may I ask you something?" Sa tuwing nagsasalita siya ngayon ay parang unti unti niya akong nilulugmok sa pagkaguilty sa mga nangyari noon.
"Yeah, what is it?"
"Girls? Okay lang ba kayo? Parang seryoso yang pinag-uusapan niyo." Pambungad ni Railey nagpatigil sa amin ni Phoebe sa pag-uusap.
"Having fun chatting with her." Phoebe.
"Don't make yourself tired Phoebe. Tell me, if you want to go upstair." Tumango naman si Phoebe sa sinabi ni Zeus.
♥♥♥♧♧♧♥♥♥
Epilogue of Chapter 4
"Have you heard may girlfriend na raw si Zeus?" Nakikinig ako sa mga chismosa kong kaklase.
"Hoy! San mo naman nakuha yang chismis na yan!" Malakas na pagsaling pusa ni Michelle sa usapan na alam kong gumagawa lang siya ng way para maalis ang pangamba kong totoo ang nasagap naming chismis.
"Shunga ka ba? Lahat na sa campus alam na may girlfriend na siya. Sabagay pano nga ba malalaman eh, transferee ka nga pala dito." Mas lalong uminit ang ulo ni Michelle sa mapapahiya noong kaklase namin.
"Ano naman ang connect dun girl?"
"Hahaha! Boba! Di mo kilala si Phoebe right? Siya lang naman ang girlfriend ni Zeus Uy ngayon!"
Para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig ko.
Ang maganda at Dyosa ng campus ay girlfriend na ngayon ng taong nagugustuhan ko.
To be continue.....