Kabanata 2

2559 Words
His Brother "What time is it?" Muli kong tanong sa kasama ko. "11 minutes before 6pm, Ma'am." Hindi ko maiwasan na di mapressure dahil sa kaba na nararamdaman ko. "Andito na po sila." Tumayo si Luz, ang secretary ni Papa kaya maging ako ay tumayo na rin. Palapit sa amin ang isang lalaki na pormal ang pananamit, sa tansya ko ay nasa early 30's. Makisig ang kanyang mukha gaya ng kanyang kapatid at halatang kagalang galang na tao. Maganda rin ang kanyang tindig na halatang may magandang pangangatawan. Mukhang tila nakita ko na ang kanyang mukha noon, siguro sa magazines or tv. Pagpasok na pagpasok palang niya sa pintuan ay mararamdaman mong malakas ang kanyang dating. "Mr. Railey Uy, nice to meet you." Inabot ko ang aking kamay at madali naman itong nakipagkamay. "Nice to meet you too, Ms. Agatha Cleone." Nakangiti nitong tugon. "Let's have a sit." Ani ko. "I'm representative of our company JC Enterprise. Let's start." Tumango naman ito. Natapos ang pagdididiscuss na tila hindi siya interesado sa aking pinagsasabi. "May we talk, just two of us?" Madali ko naman naintindihan ang ibig niya kaya pinaalis ko muna si Luz. "So, what we gonna talk about, Mr. Uy?" Tiningnan ko siya sa kanyang mga singit na mata. Hindi ko maiwasan na mabahala dahil sa malaking pagkakahawig nila ng kanyang kapatid. "I want you to explain, on what will be the gains of San Manuel Corporation on acquiring your company to be our subsidiary than marrying you?" Seryoso ang kanyang mukha, hindi ko kayang isipin na makakasama ko ang gaya niya sa buong buhay ko. Sabihin na nating mas gwapo siya kay Zeus at mas malakas ang dating niya sa babae lalo na kapag seryoso siya. Pero hindi akong madaling mafall ng ganun ganun nalang. "I'm not here to talk about marriage, Mr. Uy." Consistent kong sagot. "But that's the point, Ms. Agatha, if you are not marrying me, why are you presenting this confidential stuff?" Nakita ko naman agad ang kanyang tunay na pag-uugali. Tama nga ako, hindi ang gaya niya ang pwede kong makasama sa buong buhay ko. Minamaliit niya ako dahil sa babae ako. Ngumiti ako sa kanya bago sumagot. "Let's just say, I'm here to survive. Not just for me but also to our employees. Marriage is not the answer, I'm here to be your future business partner, not your future wife." Nakita ko ang pagngisi sa kanyang mukha. Iba ang kutob ko sa nangyayari. Saglit niyang pinatong ang kanyang kanang kamay sa mesa at idinampi sa kanyang baba ang kanyang hinliit na tila nag-iisip ng kung ano sa utak niya. "Sorry for underestimating you, Ms. Cleone. But discussing is not enough for me. I want to see on my own, how JC Enterprise was really doing and how we should put each other goals?" Mas kumalma na siya ngayon kaya mabilis akong nakapag-isip ng tamang isasagot. Nakita niya rin akong palaban. "I will assist you, to see how we regulate and build our relationship to our employees and also to the business. Let me be your guide, Mr. Uy." Ngumiti naman ito at inilahad muli ang kanyang kamay. "Okay, we have a deal." Inabot ko naman at nakipagkamay. "So let's just eat and end our business discussion." Tumango naman ako. Umorder kami nang aming makakain. Habang nag-aantay ay nagsimula siyang magsalita. "Are you the only daughter of Mr. Jose Cleone?" Tumango naman ako. "Only child." Sagot ko. "May I ask. I'm so curious, how does it feel, to put you in the marriage without even know who I am?" Ang mga tingin niya sa akin ay halatang nagpapakabagabag ng aking puso. Siguro dahil malaki ang pagkakahawig nila ng kanyang kapatid. "I don't know. But I know to myself that I'm will not marry someone who I'm not inlove. How about you? For looking that good, of course, you may have a good girlfriend, how does she feel?" Natawa naman siya sa tinatanong ko. "You are interested on my girlfriend but not on me." Hindi ko inaasahan na magiging ganito kagaan ang usapan. "For your information, I don't have a girlfriend." Napataas naman ang aking kilay sa sinabi niya at bigla pumasok sa aking isip ang salitang... "I'm not a gay." Tila nalaman naman niya agad ang iniisip ko. "Sorry. Normal na kasi yun sa panahon ngayon kaya naisip ko lang." Nakita ko naman na ngumiti muli siya at medyo natawa. "It's okay. Let's just say, I'm busy on my works." Mabilis niyang eksplanasyon. "Kaya ba pati lovelife ay wala ka?" Pagiging interesado ko sa usapan. "Yeah. Kaya nga siguro nang malaman ng parents ko na may anak na babae ang mga Cleone na ganyang kaganda at kasuccess ay nakipagkasundo sila. That was the reason why we are here. To make us know each other more. So definitely, they succeed." Napalingon naman ako sa paligid kung meron nga bang nagsisiyasat sa aming dalawa. "Don't make them notice that we already know." Napahanga naman ako sa kanya. He is good on reading other people minds. Totally a player. Pero pano naman niya nasabi na nanalo ang mga magulang namin? "Don't tell me..." Napatakip pa ako ng aking bibig sa pumasok muli sa utak ko. Masyadong mapaglaro ang utak ko kaya hindi maiwasan na pamasok sa malikot kong utak ang bagay na ako lang ang pwedeng mag-aassume. "Yes, I like you." Hindi ko alam kung anong sasabihin. Kung anong dapat tamang sabihin. Masyado siyang straight forward at tila hindi man lang nahiya sa sinabi niya. Many guys ask me to date with them and they telling me that they like me but not like this guy who I talked only more that an hour and now he's telling me that he likes me? Oh, Peters sake! Hindi niya ako lubos na kilala. Sigurado rin akong hindi niya alam ang tungkol kay Sync. Mas lalong di niya alam ang tungkol sa nangyari sa amin ng kapatid niya. "But we just met for almost one hour." "You're wrong, I know you more than 10 years, Agatha." Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Alam niya ba talaga ang lahat? "Anong ibig mong sabihin?" "I'm your admirer, I know for sure, you didn't recognize me." Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko maalala kung kailan kami nagkakilala. "You and your classmate went to our house, actually you're doing your project." Nang sabihin niya yun ay biglang nagflashback sa utak ko ang mga nangyari. 2003 "Wait lang, pupunta lang ako ng bathroom." Pagsisinungaling ko sa mga kaklase ko. Magkagrupo kami noon ni Zeus. Gusto kong makita ang kwarto ni Zeus kaya umakyat ako sa itaas kung saan naroon ang mga kwarto, hindi kami pinapayagan na umakyat sa itaas sabi ng kasambahay dahil ayaw ng Kuya ni Zeus na maistorbo. Pero dahil desperada ako kaya sumaway ako. Habang hinahanap ang kwarto niya ay nagkamali ako ng pagpasok ng kwarto. Akala ko noon ay kwarto ni Zeus dahil gaya ng ibang particular na lalaki ay may mga nakadikit na poster ng kotse sa dingding. Patuloy akong pumasok at pinagmasdan ang kwartong yaon. "Yaya?" Nasemento ako sa aking kinakatayuan nang marinig ko ang boses. "Sino ka?" Galit nitong tanong sa akin. Lumingon ako upang tingnan kung sino yun. Lalaking nakawheelchair at may kapayatan ang nakatingin sa akin. "I asked you, who are you?" Medyo may kalakasan nitong tanong kaya mabilis ko naman tinakpan ang kanyang bibig para tumahimik siya. Hindi ako pwedeng mabuko ng iba dahil lang sa kanya. "Ssshhhh..." Nakatingin ako sa kanyang mga mata gayun din siya. Nang maramdaman ko namang hindi na siya magsasalita ay tinanggal ko ang pagkakatakip sa kanyang bibig. "Sorry nagkamali lang ako ng pagpasok. Akala ko kasi ito ang bathroom." Nakangiti kong sabi, nakalabas pa ang magaganda kong nakahilerang ngipin. Nanatili siyang tahimik na parang nanaginip ng gising dahil kitang kita ko sa kanyang mukha. "May gusto ka ba? Sabihin mo lang, tubig o ano? Bayad ko na sa iyo, basta wag mong sasabihin sa kanila lalo na kay Zeus na nagpunta ako dito." Hindi ko alam kung anong meron sa kanya kaya nanatili siyang di nagsasalita. "Ano bang nangyari sayo? Okay ka lang? Alam mo unting exercise lang yan gagaling ka rin. Makakalakad ka rin." Pagiging chismosa ko. "Kaya wag kang mawalan ng tiwala sa sarili mo ah. Kaya mo yan! Sige alis na ako. Basta pangako mo sa akin walang makakaalam ah. Babye, nice to meet you. Ako nga pala si Agatha Cleone." Nakipagkamay naman ako pero hindi naman niya tinugon ito kaya umalis nalang ako. 2017 "You mean ikaw yung pilay dati?" Tumango naman siya sa akin. "Pero parang mas bata ka noon kesa sa akin. Nagsisinungaling ka no?" Ready na akong tumawa kapag umoo siya. "That's because I was sick." Simple niyang sagot "Eh pilay ka dati, anong himala at nakatayo ka?" Pang-uuchoso ko "That's not too serious, nalaglag lang ako sa hagdaan kaya napilay ako. Yun yung mga panahon na nagkita tayo. It was already healed after 3 months." "Akala ko di ka na talaga makakalakad, buti naman." Dumating na nga ang mga pagkain. Napahinto ako sa pagkain ng bigla pa naman siyang nagsalita. "That time, I fall for you." Nagblush naman ako sa sinabi, hindi ako madaling makasundo sa mga bagay bagay pero hindi ko alam kung bakit may nagsasabi sa utak ko na kailangan ko maniwala sa mga magiginto niyang mga salita. "Alam mo masyado kang prangka." Pagiging prangka ko sa kanya na mas lalong nagpatawa sa kanya. "One of my reason why I am still single is...." Bago ko pa siya patapusin ay umeksena na ako. "Huwag mong sabihin ako ang dahilan?" Tinaasan ko na naman siya ng kilay at tila wala lang sa kanya yun at tumango siya. "Hindi ko alam kung ilang beses mo yan sinabi sa mga babaeng nakakadate mo. You're too professional when it comes to girls." "So, do you think I am? But honestly, this is my first time talking personal things to a young lady." Hindi ko alam kung anong gayuma ang ginamit niya para mauto niya ako. He is a dangerous man! Just like his brother. Don't fall for his trap Agatha! "So how are you? After we met?" Pag-iiba na niya ng usapan dahil alam kong sa sarili unti nalang nalang ay maniniwala ako sa mga kasinungalingan niya. "Like others, have a degree, have my own business and I have my..." Napaisip ako kung sasabihin ko nga bang may anak ako para tumigil na siya at alam kong kapag nalaman niya gaya ng ibang nakilala kong lalaki ay madidisappoint din siya at hindi na muli siya sa akin magpapakita. Sabi ni Dad hindi raw nila alam na may anak ako dahil initago yun ni Dad maging sa malapit na kamag-anak at kaibigan niya. Tanging si Mom, Dad, kasambahay at Michelle lang ang nakakaalam ng tungkol sa pagiging ina ko. Siguro ay hindi niya na kailangang malaman dahil hindi naman siya magiging parte ng buhay ko. "You have what?" "So I have to deal with my dad business and do my part time job." Siguro nga ay hindi niya na kailangan pang malaman. Hindi dahil kinahihiya ko si Sync kundi dahil magkapatid sila ni Zeus. "Part time job?" "I'm a wedding organizer also." Ngiti ko sa kanya. "Good for you." "How about you?" "In 2010 I went to California to take up my doctoral degree until I came back here in the Philippines, after 3 years." "Nice, so you are the one who managing your dad business this time around?" "Yeah, Zeus also helping me." Nang banggitin niya ang pangalan ng kapatid niya ay tila tumalbog sa kaba ang aking dibdib. "Does it mean he's here in Ilocos?" "Yep, but unfortunately he is not here for today. Kung kasama ko siya ngayon edi sana di tayo nag-uusap ng ganito ngayon." May alam ba siya? "Anong ibig mong sabihin?" Naging seryoso ako dahil tila may alam siya. "You and him were classmate when you were in highschool, of course marami kayong pag-uusapan kaya nga nung malaman kong ikaw ang magprepresent sa akin ng purpose plan ay hindi ko muna siya sinama. To make sure, you only focus on me." "May I ask you?" "Yes, of course." "Gano kayo kaclose ni Zeus? Cause everytime you talk about him, I feel the happiness in every word you say." "Dalawa lang kaming magkapatid and that's how. Kami lang ang parating magkasama sa kasiyahan, kalungkutan at maging sa kalokohan. Parang iisa lang kami." Halata sa boses niya ang galak habang sinasabi niya yun. "Ganun pala talaga kayo kaclose." Ngumiti nalang ako at nanahimik na kami hanggang matapos namin ang pagkain. "Ihahatid na kita." Pagyaya niya. "No, it's okay. I have my own car." "Okay, let's meet tomorrow." Sumakay naman na siya ng kanyang sasakyan at umalis na. ※※※⊙⊙⊙※※※ Inaantay ko ang pagdating ni Mr. Railey sa resort. Mabilis ko naman nakilala ang kotse dahil nakita ko ito kahapon. Bumababa naman siya ng kotse at madaling lumapit sa akin. Hindi na ganun kapormal ang kanyang pananamit ngayon nakasuot siya ng long sleeve na puti na mas lalong nagpapakita ng maganda niyang pangangatawan. "I'm with..." Bago niya matapos ang sasabihin niya ay naibuka ko ang aking bibig nang makita ko ang lalaking di ko inaasahan na ngayon ko agad makikita. "Zeus." ☆☆☆☆☆ EPILOGUE OF CHAPTER 2 "Pano ba to? Ayan parin! Ang gulo gulo naman nito! Sure ka bang ito ang tamang eencode?" Naiinis na ako dahil malapit na mag-end of class namin sa computer hindi ko parin alam kung pano susulosyunan ang problema ko. "Eh? Pano yan? Baka bumaba ang grade natin yan?" Nahihiya naman ako sa kagrupo ko, ako nga lang ang gumagawa, moral support lang di pa maibigay. "Oo, tama magpatulong nalang tayo!" Sabat naman ng isa. "Oh sige tumawag ka nalang ng kung sino diyan!" Ayun nalang ang nasabi ko habang iniisip parin kung anong maling naencode ko sa program. "Si Uy!" Pabulong na sabi nung kagrupo na lumalandi kay Zeus. Kaya lumingon agad ako upang tingnan kung papunta nga si Zeus sa amin. Tama nga siya palapit na sa amin si Uy habang nakikipag-usap sa kagrupo ko. "Agatha, ako na ang gagawa!" Pang-aagaw niya ng puwesto ko pero nagmatigas ako at kunwari wala akong naririnig at nakatingin lang sa computer habang nasa mouse ang aking kanang kamay. Kahit dito man lang maging mukha akong matalino. "Ayan, Zeus. Kanina pa niya yan ginagawa pwedeng tingnan mo kung anong mali?" Nagulat naman ako ng biglang merong tao na nasa gilid ng ulo ko. "Patingin nga." Sabi nito habang ako naman parang nastroke na sa kilig kaya naman hindi na ako makagalaw. Nagulat ako ng sunod niyang ginawa ang hawakan ang kamay ko, ay ang mouse pala. "Sorry." Tinanggal ko ang kamay ko dun sa mouse upang magalaw niya ng mabuti pero dahil lima kami sa grupo at nagkakagulo kaya hindi na ako makaalis sa pwesto ko, na nagpabuti naman sa sitwasyon ko. "Ayan okay na." Akala ko ay aalis na siya ng bigla niyang guluhin ang aking buhok at tuluyan nang umalis. Mas lalo akong umaasa na may chance nga kami. To be continue.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD