EIGHTEEN

518 Words

Ang dalaga agad ang hinanap ng mga mata niya. Nang malaman niyang umuwi na ito agad na din na umalis siya sa Bar pagkaraan niya bilinan si Dion sa ilang bagay. Nakaakyat na siya sa second floor pero hindi niya naramdaman ang dalaga. Nangunot ang noo niya. Agad na tinungo niya ang silid nito. Pinangahasan niya pihitin ang doorknob nito at agad na sinalubong siya ng amoy ng dalaga. Wala din ito sa silid . Agad na kinabahan siya baka hindi ito umuwi. Bago pa man siya makaapak sa hagdanan pababa nahagip ng mga mata niya ang bote kulay ginto. Wala iyun sa pinaglalagyan nito at hindi iyun nakatakip. Shit! Walang kurap na nakalapit na siya roon. May uminom sa banal na alak. Hindi kaya siya ang uminom nito? Gulo ang isip na tinakpan niya ang bote at napadako ang tingin niya sa may pool

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD