Tulala at wala sa sarili na nakatitig lang siya sa kisame. Hindi niya alam kung paano siya nakarating ng silid niya. Ang alam niya. Binuhat siya ng binata paakyat sa silid niya. Nablanko ang lahat sa kanya. Nakakawala pala sa katinuan ang isang halik. Lalo na kung sobrang galing nang humahalik. Naipikit niya ang kanya mga mata. Saka lang bumalik ang katinuan niya nang makarinig siya ng galabog mula sa labas ng bahay. Agad na dinunggol siya ng kaba. Bumangon siya sa kama. Muli umingay sa labas ng silid niya. Anong nangyayari?! Tinakbo niya ang pintuan at lumabas ng silid. Dumungaw siya sa may baba. Lumingon siya sa silid ng binata. Bukas iyun. Kahit kinakabahan naglakas-loob na siya lumapit doon. Malapit na siya sa pinto nang bigla sumulpot ang binata. Tila huminto ang pagtibok

