Lucinda Napuno ang tawanan ng aming bahay dahil sa paghahabulan ng aking ama at anak sa salas ng mansyon namin dito sa London. Ako naman ay abalang nagb-bake ng brownies dahil request ito ng aking anak. Katulad ko kasi ay namana niya sa akin ang pagkakaroon ng sweet tooth kaya naman nahihilig din siya sa matatamis. Binabantayan ko nga lang at baka bigla rin siyang magkaroon ng diabetes. “Catch me, grandpa,” rinig kong sabi ng aking anak habang hinahabol naman siya ng aking ama. Maya-maya pa ay lumapit na si Papa sa kusina at kumuha ng isang baso ng tubig sabay linagok ito ng minsanan. Napailing na lang ako sabay natawa sa ginawa niya. “Ano? Kaya pa ba, Dad?” tanong ko at napailing siya. “Tumatanda na talaga ako at hindi na ako kasingbilis at kasinglakas noong kabataan ko iha. Hays. M

