Nessie Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa aking pader pagsapit ng alas-dose sabay dahan-dahan akong tumayo at nagpalit ng aking damit. Inalis ko ang nakapatong kong pajama kung saan ay sa ilalim nito ay isang burlap dress na itim. Pagkatapos ay sinuot ko ang aking rubber shoes sabay mabilis na tinungo ang aking bintana. Dahan-dahan ko itong binuksan at mabilis akong bumaba mula sa ikatlong palapag ng aming bahay hanggang sa makarating ako sa pinaka-sahig. Nagdahan-dahan akong naglakad at nang makalayo ako kunti ay mabilis akong tumakbo palayo papunta sa gate kung saan ay nakita ko na ang ilaw ng sasakyan ng aking dalawang matalik na kaibigan. Nang makita nila ako ay natuwa sila na nagawa kong makatakas mula sa bahay ng aking mga magulang. Ayaw kasi nila akong payagan na mag-party
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


