“Can you focus the camera to Kairo’s face, please?” ungot ko kay Mitz nang tumawag s’ya para bumati dahil sa ginawang proposal ni Damon. Napangiti ako nang ilipat n’ya ang camera sa mukha ng pamangkin ko na ngayon ay kasalukuyang tulog na tulog. “Kamukhang-kamukha talaga ni Kuya,” nakangising komento ko. Natawa ako nang itapat n’ya ulit sa mukha n’ya ang camera at nakataas ang kilay na tiningnan ako. “Hindi mo ba itatanong ulit kung ano ang ambag ko para mabuo ang batang ‘to?” sarkastiko n’yang tanong kaya natatawang umiling ako. “Sige na. Willing naman akong sagutin kahit abutin pa tayo ng magdamag dito,” parinig n’ya pa kaya hindi ko na talaga mapigilan ang mapahalakhak kaya tumawa na rin s’ya ng tumawa. Pikon na pikon kasi s’ya nang sabihin ng Mama n’ya na wala man lang s’yang ambag sa

