Hapon na nang magyaya nga si Damon na doon sa bahay ng parents n’ya mag dinner pagkatapos n’yang tumawag sa Mommy n’ya kanina. Matapos naming mag-lunch ay pinahatid na rin n’ya doon sina Fern at Raven para samahan akong umuwi muna sa unit ko para makapag bihis. Na sana ay hindi na lang n’ya ginawa dahil wala naman s’yang ginawa dito kung hindi ang mangulit! “Stop it, Damon…” nanliliit ang mga matang saway ko sa kanya habang tinititigan s’ya sa reflection n’ya sa salamin dahil panay ang yakap n’ya sa akin habang nagbibihis ako. “Kanina pa sana ako natapos dito kung hindi ka lang nangungulit!” nakairap na sabi ko habang inaabot ang lip balm para magsimula ng maglagay ng lipstick pero imbes na tumigil ay hinarap n’ya pa ako at hinalikan sa mga labi. Ngumisi s’ya pagkatapos kaya tinaasan ko n

