Dahil sa puyat sa kakaiyak ko kagabi ay hindi tuloy ako nakabangon ng maaga para maka-attend ng mass. Bumuntonghininga ako at ipinagpaliban na muna ‘yon dahil next weekend ay uuwi ako sa bahay at sasabay na lang kay Mommy na mag-attend ng mass. Hinawi ko pataas ang buhok ko at saka tumayo para makapagluto na nang breakfast. I will be attending Axel’s Mom birthday later tonight, kaya kahit papaano ay malilibang ako sa maghapong ‘to. I really don’t want to think of anything or even overthink things. Gusto kong ipahinga ang utak ko kaya malaking bagay rin na pupunta ako mamaya kina Axel para hindi na makapag-isip gaano. Pagkakain ng breakfast ay naglinis lang ako saglit ng kwarto pagkatapos ay bumalik sa pagtulog dahil medyo nananakit pa ang ulo ko. Bandang lunch ay nagising ako na halos ku

