Tahimik kaming pareho ni Damon sa elevator paakyat sa unit ko. Pasimpleng nilingon ko s’ya. Sa liwanag ng buong elevator ay mas lalo ko s’yang napagmasdan. Sa ilang beses naming aksidenteng pagkikita simula nang bumalik s’ya ay ngayon ko lang s’ya talagang napagmasdan ng mabuti. Kung matangkad na s’ya dati ay mas matangkad pa s’ya ngayon. Mas hamak din ang ganda ng katawan n’ya ngayon kaysa dati. His veins and muscles are showing without even trying. At dahil nakakuyom ang mga kamao n’ya ay kitang-kita doon ang natuyong dugo ng lalaking muntik nang magpahamak sa akin kanina. Kinagat ko ang ibabang labi at inilipat ang tingin sa gawing tiyan n’ya na kanina n’ya pa hinahawak-hawakan. I’m sure it damn hurts! Sa laki ng katawan ng lalaking tumadyak sa kanya ay paniguradong nananakit ang mga m

