“Fern!” tawag ko at mabilis na dinaluhan s’ya para i-check ang pulso n’ya. Nang masiguro kong normal lang ‘yon ay tinulungan ko s’yang pakalmahin para bumalik sa dati ang paghinga. Nang kumalma ay agad na niyakap ko s’ya at halos maiyak ako sa takot dahil sa biglaang pangyayaring ‘yon. “It’s okay, Fern. It’s okay…” paulit-ulit kong pagpapakalma sa kanya hanggang sa tuluyan na s’yang maging kalmado. Maya-maya lang ay may lumapit na sa amin na guard at sinabing nasa labas na raw si Damon at hinihintay si Fern. Kumalas ako sa yakap sa kanya para makauwi na s’ya pero agad na hinawakan n’ya ang kamay ko kaya kunot-noong napatingin ako sa kanya. “Sabay ka na sa amin ni Daddy. I thought you wanna go home too? Let’s go-” “No need, Fern. My place was far from here-” “It’s okay. I can ask my Dad

