“Nurse, my Dad would survive this, right?” mangiyak-ngiyak na tanong sa akin ng isang empleyado ng YM na nadatnan kong nasa labas ng Operating Room sa simula ng shift ko nang umagang ‘yon. His Dad was diagnosed with liver failure and luckily, may nahanap nang donor para sa liver transplant at kasalukuyang ginagawa ang surgery. Ngumiti ako sa kanya at tinapik ang balikat n’ya. “He will surely survive. Magagaling ang mga doctors natin dito at naagapan ang sakit ng Daddy mo kaya walang pwedeng maging dahilan para hindi mag-success ang surgery n’ya,” sagot ko at tinapik ulit ang balikat n’ya bago ipinagpatuloy ang pag-rounds. One thing that I hate about hospitals is you deal with emotional torture almost everyday whenever you see patient’s family having difficulty dealing with the situation o

