Nang gabing ‘yon ay imbes na sa condo ako umuwi ay sa bahay ako dumiretso para na rin madalaw si Mommy. Nagulat pa si Mitz at may halong malisya ang tingin sa aming dalawa ni Axel nang makitang s’ya ang naghatid sa akin. Pareho ang way ng bahay namin sa bahay nila Axel kaya nang isabay n’ya ako bandang hapon ay sumabay na ako pauwi dahil plano kong dito sa bahay umuwi. Damon is consuming half of my mind after that unexpected meeting with his daughter! Ang lintik na lalaking ‘yon ay parang galit pa sa yata sa akin! Ano bang iniisip n’ya? Na may sinabi ako sa anak n’ya at siniraan s’ya?! Huh! S’ya itong unang lumapit sa akin! Nananahimik ako huh! “So, what’s the real score between you and that guy, huh?” Nang-iintrigang tanong ni Mitz matapos kaming maghapunan at habang sinasamahan ko s’ya

