"Ninang bakit po?" Tanong ko pagkalapit ko rito sa kinaroroonan ng mag-asawa. May mga bisita rin silang bagong dating. Tumayo si Ninang at hinawakan ang aking kaliwang balikat. Nakangiti siya. "Eva, may konting selebrasyon kami ngayon ng Ninong mo para sayo. Total, dito ka na rin nakatira sa amin. Ice-celebrate natin ngayon itong pagdating mo dito sa mansyon for our new family member! At pagpasensiyahan mo na lang kung dito natin gaganapin ito ngayon. Dumating kasi mga pamangkin ko kaya rito na ko nakapagluto ng foods natin." Nakangiting sabi ni Ninang. Napatingin ako kay Ninong habang hilot hilot ang noo nito. Parang hindi naman masaya si Ninong. Tipid na ngumiti ako. "Salamat po Ninang. Hindi na po sana kayo nag-abala pa na paghandaan ako ng ganito." " Okay lang ito Eva. Ahmm... S

