Kinabukasan, pinipilit talaga ako ni ate Alma na makipag-meet sa taong ka-deal niya. Pinagsusuot din niya ako ng seksing damit. Hindi ko naman choice ito kundi choice ito ng dalawang mga ate ko. Hayy naku! Kapag nalaman lang talaga ito ni Ninong na may ime-meet akong person baka hindi lang palo sa pwet ang aabutin ko. Pero kamusta na kaya si Ninong? Bakit hindi na siya nagpaparamdam. Namimiss ko na rin kasi siya. "Magpabango ka pa oh!" Sabay wisik ni ate Alma sa buong katawan ko na agad ko namang iniwasan ito dahil kanina pa siya naglalagay ng pabango sa akin. Inirapan ko si ate Alma na sobrang nagagandahan naman siya sa suot nitong damit. "Ate ano ba? Tama na ang pagpapabango. Sobrang bango ko na." Reklamo ko. Narito kami sa isang restaurant kung saan namin kikitain yung ka-deal niya

