Kinabukasan, wala sa sariling naimulat ko ang aking mga mata nang marinig ko sa aking tabi na tila nagsasalita si Ninong. "Rachelle..." Unang bigkas mula sa kan'ya na kinagulat ko rito habang minamasdan si Ninong. Pawisan na rin ang kan'yang noo habang nanaginip. "Ra-chelle, bu-malik ka na please." Nangangatal ang mga salitang lumabas sa bibig nito habang binibigkas nito ang mga kataga. Kung saan saan bumabaling ang kan'yang ulo na parang ako pa ang nahihilo sa ginagawa nito. Bumangon agad ako upang gisingin siya. "Ninong, gising po! Nanaginip pa kayo Ninong." Kasabay ng pagyugyog ko sa kan'yang braso. Kaagad naman niyang naimulat ang mga mata nito na kinabalikwas niya sa higaan. Tulalang napatingin siya sa akin na tila naghahabol pa ito ng hininga. "Ninong, good morning po." Bati ko

