"Kaaga-aga naman ng pagmumokmok na 'yan? Hindi ka ba nakatulog kagabi?" Nagtatakang tanong ni ate Flor sa akin. Narito kami sa kusina habang tinutulungan siyang magluto ng pang-umagahan. Hindi na ko makatulog kaninang gumising ako ng alas kuwarto dahil sa may nangyaring hindi maganda sa kuwarto. Hindi ko inaasahan na nandun pala siya sa aking silid. "Nakatulog naman ako ate ang kaso lang po. Naguguluhan na po ako kay Ninong eh. Wala siyang ibang sinasabi kundi I want you. Tapos marami pa siyang sinasabi na nagpapagulo sa akin. Ate, anong gagawin ko? Ano ba talaga yung totoong intensyon sa akin ni Ninong?" Naguguluhang sabi ko rito.. Gusto ko lang humingi ng payo sa mas nakakatanda at baka sakaling makatulong ito sa akin. "Hay naku! Kung ako sayo at kung ayaw niyang magsabi ng totoo. Ga

