Chapter 53

1518 Words

"Papa! Papa!" Tawag ko sa kan'ya habang nagpupuyos ang galit sa aking dibdib. Pa-alis na naman ito ng bahay na hindi na naman kami nagkakausap. Sa tuwing gusto ko siyang kausapin tungkol sa nangyari sa kanila ni Ninong ay umiiwas siya sa akin. Gusto ko lang naman alamin kung ano ang pinag-awayan nila kahapon subalit hanggang ngayon ay wala akong nakukuhang impormasyon tungkol sa pag-iwas sa akin ni Ninong. Hindi ko rin maintindihan kung paano nagawa ito sa akin ni Ninong na iwan na lang niya ko basta rito kay papa. Dumiretso lang si papa sa paglalakad at walang lingon lingon habang tinatawag ko siya. Hinabol ko siya nang papalabas na siya sa gate. "Papa!" Nanggagalaiting tawag ko sa kan'ya. Huminto naman siya saka niya ko hinarap. Madilim ang mukha nito nang tumungin siya sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD