DAVID POV. "Nasaan si Eva ha Rachelle? Where is she?!" Sabay hablot ko sa braso niya at mariin kong sinakal ito. "Kapag may nangyaring masama sa kan'ya. Hinding hindi kita mapapatawad!" "David, ano ba?! Ano ba ang problema mo ha? Nasasaktan na ko sa ginagawa mo! Bitawan mo ako!" Galit na saad sa akin ni Rachelle habang hawak ko ang kan'yang braso na pilit niyang kinakalas. Gabi na kasi nang malaman ko kay Alma na wala pa si Eva hanggang ngayon. Hindi ko ito alam dahil naging abala ako maghapon. Hindi ko na talaga pinapansin si Eva pero may part sa akin na nasasaktan ako kapag hindi ko siya pinapansin. Gumawa na naman ako ng isang desisyon upang lumayo ang loob niya sa akin kahit hindi ko naman gusto ang nangyayari sa aming dalawa. Hindi ko rin kasi magawang iwan si Rachelle dahil buntis

