THIRD POV. "Anak ba talaga ni Sir David si Nathaniel?" Punang tanong ni Alma sa isang katulong na si Irma. Ding ito ni David habang patungo siya sa kusina. Pansin kasi ni Alma na hindi malapit ang bata kay David kaya naman kapansin pansin ang bawat galaw ng bata. "Aba! Malay ko. . . Pero kung titignan naman talaga ay hindi sila magkamukha." Sabi ng isang katulong. "See, alam mo rin na hindi sila na parang mag-ama. Pero kung totoong hindi sila mag-ama. Sino ang ama ng bata?" Takang tanong ni Alma. Napaisip din yung kasama niyang katulong kaya naman biglang umalis si David sa kusina. Nagtataka na rin si David kung bakit palaging lumalabas ang kan'yang asawa na si Rachelle kasama ang anak nila. Kaya naman nais niyang sundan ang mga ito kaya hindi siya pumasok ngayon sa kan'yang tra

