LIHIM NA SARAP Chapter 1 BL Stories =■> (R-18 SPG)<■=
DISCLAMER:
This is a work of fiction. Names ,characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner.
Any resemblance to actual persons living or dead or actual events is purely coincidental.
All rights reserved. No part this of story may be reproduce or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical, including, photocopying, or recording,or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author except with permitted by law.
@2023
Date Started: August 31,2023
Date Ended: On going
Chapter 1
♡♡♡ANDY POV♡♡♡
Hi everyone!
Ako nga pala si Andy Tomas , Andy nyo malilimutan hahaha..joke hehe..
Oo na! aamin na ako....Isa nga pala akong bisexual ..Alam naman ng parents ko na lambutin ako at ni kuya , hindi namn sila againts sa akin ,fully support panga sila sa akin kung saan daw ako masaya doon daw sila. Oh! Diba!
Bongga sana all lahat na family supportive sa mga anak nilang tagilid hehe.
5'5 lang ako, matangos ang ilong at hindi katangkaran, kaya nga lagi akong inaasar ni kuya na pandak.
Maputi at makinis na maamo ang mukha na may pagkachinito ang mga mata. Hmmp naiimagine nyo na ba basta kayo na bahalang mag imagine kung anong gusto nyo.hehe
Maganda daw ako pag naging babae sabi ni Mama.Mana daw ako sa kanya ..syempre anak nya ako haha..
Angelic face daw ako hindi nakakasawang tignan, napakaamo daw ng mukha ko ..
Baka akala nyo nag bubuhat ako ng sarili kung banko ha! Hindi, no ! Sabi lang naman ng mga nakakakilala sa akin.
Isa nga pala akong pilyo at masarap naman kasama pagdating sa mga kalokohan.haha..Mukha lang akong anghel, pero pag kinanti mo ako masahol pa ako sa Nanay mo haha!
Over all pogi daw ako sabi ng Mama mo ng tita mo pala ..hehe! Nang mga kaibigan ko at mga taga hanga ko, Artista lang ang peg haha.
Mag 21 na pala ako sa susunod na buwan ..Ang mga regalo nyo ha! huwag nyong kalimutang ibalot at ipadala.. hehe joke!....3rd Year College narin pala ako at Nursing ang napili kung kurso ..Dahil pangarap kung maging nurse .Maging nurse ng sugatan mong puso.hmp
May kaya namin kami sa buhay may sarili kaming logistic company at ang nag mamanage ay si kuya Travis at may 50 branches kaming Talyer mula rito sa Luzon,Visayas at Mindanao at iba pang mga business diko na isa isahin kasi madami kulang sa time.
At may kuya nga pala ako si Kuya Travis ang mortal kung kaaaway.. Paano kasi lagi nya akong pinapakialaman sa mga gusto ko sa buhay ,sya lagi ang nasusunod hindi ako, sobrang naiinis ako sa kanya.Sobrang paepal din nya at pakialamero.Puro lahat sa kanya bawal ,bawal umalis pag hindi ko sya kasama.
Habang nag aayos ako ng aking sarili sa harap ng salamin ,pakanta kanta pa ako ng ==Gusto ko ng bumitaw ngunit ayaw pa ng puso==huhuhu.. natatawa pa ako habang pinag mamasdan ko ang repleksyon ko sa salamin na kumakanta para kasi akong baliw na ewan haha .Kelan kaya ako magkajowa bulong ko sa sarili ko.
Biglang bumukas ang pintuan niluwa si Kuya Travis. Naputol tuloy ang pag mumuni muni ko..kainis kahit kailan talaga tong si Kuya nakaka bad trip sabi ikot ko ng mata ko..tsk tsk
Panget bilisan mo nga dyan kumilos napabagal mo talaga ..malelate kana naman sigaw ni kuya.
Nababaliw kananaman dyan
sabay kuha nya sa bag ko..
Anu bayan kuya matuto ka ngang kumatok,pag mamaktol ko na sinimagutan at inirapan ko sya,nauna na akong lumabas sa pinto papunta sa baba ng aming bahay. Medyo malaki naman ang bahay namin hindi sa pag mamayabang pero nakakaangat naman. kami sa buhay.
Panget tekalang habol sa akin ni kuya ,pero binilisan ko ang lakad ko at hindi ko na sya pinansin pa sa sobrang inis ko.
Habang pababa ako ng hagdan ay sya namang paglabas sa kwarto nila Mama at Papa.
Oh! bakit anak ? Bungad nitong bati sa akin. Ang prinsesa ko mukha nanamang byarnesanto ang mukha..inaway ka nanaman ba ng kuya mo?,sabi ni Mama at lumapit sa akin upang yakapin at halikan ako sa pisngi ..Mama naman eh!!!reklamo ko hindi na ako bata binata na po ako ..
Ngumuso ako at tumango sa kanya ,Eh paano kasi si Kuya nakakainis hindi man lang kumatok sa pinto bago pumasok sa kwarto ko,at saka pinagmamadali ako at baka daw malate ako... Napakaaga pa kaya Ma! Saka nandyan naman si Mang Ambo kung sakali.Bakit kasi hindi nalang sya pumasok sa trabaho. Sumbong ko kay Mama.
Totoo naman bunso ang bagal mo pa kumilos daig mo pa ang mga babae. Kanina kapa sa harap ng salamin pakanta kanta eh ang pangit pa naman ng boses mo ,buti sana kung may igaganda kapa .pang aasar ni kuya.
Tama na nga yan ! sabi ni Papa .Ikaw Travis wag mo nangang asarin ang kapatid mo pagalit na sabi ni Papa kay kuya.
Ok, Pa! sagot nalang ni kuya na nakasimangot.
Bye! Ma ,Pa pasok na po ako sabay lakad ko palabas ng pinto at deretso na akong sumakay sa isa namin sasakyan. Mang Ambo ikaw na po mag hatid sa akin ngiti ko sa kanya at pasakay na dapat ako sa sasakyan ng puntahan ako ni kuya.
Nakakunot ang nuo ni kuya na nakatingin sa akin..Maagap akong hinabol ni kuya,at hinawakan niya ang braso ko sabay hinila pasunod sa kanya.
Sabi ko ako na ang maghahatid sayo galit nitong sabi .Hinila nya ako papunta sa kotse nya at wala na akong nagawa kundi
magpatianod sa kagustuhan nya. Sya naman lagi ang nasusunod eh!, sa isip isip ko kaya hindi na ako umangal pa sa kagustuhan nya.Kasi lalo lang kaming mag aaway pag sinuway ko sya.
Habang binabagtas namin ang kahabaan ng Edsa papuntang Fatima University sa Valenzuela isang sikat na paaralan patungkol sa medisina..Wala akong imik sa kanya, nakatingin lamang ako sa labas ng bintana at pinag mamasdan ang mga dinadaanan naming lugar.
Lukot parin ang muka ko at hindi maipinta.Pasulyap sulyap sya sa akin pero wala akong pakialam.
Paano Eh! sa naiinis pa ako sa kanya at bad trip.Wala syang ibang alam gawin kundi bwesitin ang buhay ko at mag papansin.
At nakita ko ang malaking billboard ..nakalagay Doon ang napakaling picture ni Wamus ang sikat na blogger sa Pilipinas ..May malaking nakasulat na .DAHIL MAHAL KITA IPAPA BILLBOARD KITA...Wow sana all lang talaga..sabi ko sa isip ko na napapangiti ...kelan kaya ako ipapabillboard haha.Parang naiimagine ko na ako yon.Nangingiti nalang ako sa mga naiisip ko.
Pagkadating namin sa school wala akong imik, sabay bukas ng pintuan ng kotse nya at bumamaba na ako sa sasakyan at nagmadali.
Nagmamadali akong maglakad at hindi kuna siya nilingon pa..Bunso! susunduin kita mamaya rinig ko pang sigaw nya pero deadma nalang ako.Bahala kanga sa buhay mo sa isip isip ko.
Habang naglalakad ako sa hallway ,dahil sa lalim ng iinisip ko dahil kay kuya.
Hindi ko na napansin ang isang lalaking nakatayo habang umiinum ng gulaman juice.
Nabunggo ko ito ,f*ck sh*t! nasabi ko nalang sa isip ko.Gagi ..nag mumura na ako sa isip ko.. natapon yong iniinom nyang gulaman juice sa damit nya..
Pag angat ng mukha ko alangining tumungin sa kanya na nakangiwi,patay talaga ako nito bulong ko sa sarili ko ang malas namang buhay ngayon pa talaga.
Pag angat ng mukha ko sa kanya... s**t! ang gwapo talagang mapapa wow ka sa sarap este sa kagwapuhan....
Matangkad matangos ang Ilong ang pula ng labi..parang kaysarap halikan at nangungusap ang mga mata parang may lahi ,may tindig na medyo malapad ang balikat weaknes ko pa naman ang malapad ang balikat .haha.Talagang na starstruck ako sa mga oras na iyon.Para bang huminto ang pag ikot ng mundo ko.
Bumilis ang t***k ng puso ko na hindi ko maipaliwanag kung bakit?
Hindi ko maintindihan kung sa takot ba o pagka mangha ang nararamdaman ko sa kanya, habang nakatitig nalang ako sa pagmukha nyang mukhang masungit....
Salubong ang kilay nito na nakatitig sa akin ,na para bang gusto akong lamunin..
Nanadya kaba? Galit nitong sabi ..kita mo itong ginawa mo turo sa damit nyang basa at may mantsa ng gulaman jiuce...
B*b* kaba? ha! Hindi ka marunong tumingin sa dinaraanan mo nandadamay kapa sa pagkat*ng* mo.Paangas nitong bulyaw sa habang nakatingin sa akin at dinuro duro ako......
Sobrang gulat ko ng may maramdaman akong malamig sa mukha ko umagos pababa sa dibdib ko...Shit! isinaboy niya sa akin ang natitirang laman ng kanyang inumin na gulaman juice.
Basa na ako!
Sa mukha ko pa talaga nya sinaboy napakawalang hiya......hindi na ako makapagsalita pa dahil sa gulat sa pangyayari..Instead na dapat na mag sorry ako sa kanya...hindi ko nalang ginawa dahil sa kagaspangan ng ugali nya at nakakapikon.Na high blood talaga ako ng sobra.
Hindi na talaga ako nakapagpigil..Sinampal ko sya ng ubod ng lakas. Are you isane ? Nanginginig pa ako sa sobrang galit at nangigigil..
Puch*! lang hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na mahina at hamakin nalang ng gagong to. Namumula ako sa galit ,nag dilim talaga paningin ko sa ginawa nya sa akin..May mga studyante na mga nakatingin sa amin at nanunuod at nag uumpukan mga nag bubulong bulungan...Ano daw ba ang nangyari at walang gustong umawat.
Biglang niyang kinuyom ang kanyang mga kamao, Nakita ko ang kanyang panga na gumagalaw sa sobrang galit at nang gagalaiti sa gigil.
Sobrang sama ng tingin nya akin na para bang gusto akong suntukin at tirisin ng buhay.
Natatakot talaga sa kanya, pero hindi ko pinahalata .. taas noo akong nakatitig sa kanya ng walang kakurap kurap.Hindi kita uurungan bakulaw ka kako. Pinanindigan ko ang tapang ko...
Ano ? susuntukin moko ba ako? Sige! gawin mo sabi ko ng walang pag aalinlangan... Pinalilibutan na kami ng mga ibang stuyante na nakikiusyoso sa mga nangyayari sa aming dalawa.
Talagang matampang kang pandak ka ha sabi nito sa akin...sabay amba sa akin ng suntok ...Nang biglang dumating ang isang professor namin na si Ma'am Sanchez.
Anong kaguluhan ang nayayari dito ? sigaw nito .. Kayong dalawa sumunod kayo sa akin sa Principal office.now! maawturidad niyang sabi.
Wala na kaming magawa sa oras na iyon at sinundan namin si Ma'am Sanchez.
Kasalanan mo ito pandak sabi nya akin.Tinignan kulang sya ng masama.Nakakainis kasi itong lalaking to napakayabang akala mo kung sinong gwapo..
Teka gwapo nga! sa isip isip ko pangit naman ang ugali nya ,sarap tirisin akala nya uurungan ko sya No! Never! dead on my body! si Kuya nga hindi uubra sa akin ito pa kayang bakulaw na ito..Nagkatinginan nalang kami ng masama sa isat isa at nang uuyam, na para bang sinasabing ikaw ang may kasalanan.
Both of you sit down! Sabi ng Principal na si Mr.Falcon . Kasama namin si Ma'am Sanchez. Kinakabahan akong umupo kaharap ni bakulaw. Napatingin ako sa kanya nabasa ko ang pangalan nya sa nameplate na nakatapat sa kaliwang dibdib nya ..John Adrian Falcon.Kumunot ang nuo ko at nag isip .
What happened ?,Adrian galit nitong sabi na nakakunot ang nuo ng Principal.
Dad ! eh kasi itong Pandak!......
Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil nagalit ang Principal..
Just call me Sir nandito tayo sa school wala tayo sa bahay.Pandak? Umayos ka Adrian! na para bang nahihiya sa asal ng anak..Maawturidad nitong sabi ..Hanggang ngayon wala ka paring pagbabago. Hindi kana nahiya pati ako dinadamay mo sa mga kalokohan mo.Kailan kaba mag titino Adrian.Sermon ng kanyang Ama.
Dad! He's f*****g annoying!!!..Just see it !!my clothes natapunan ako ng juice dahil sa kanya .hindi kasi sya tumitingin sa kanyang dinaraanan kaya binunggo nya ako..subong nito...
Biglang nabaling ang tingin sa akin ng Principal nakaramdam ako ng takot.. Ahh ummph Sir!.. Hindi ko naman po sinasadya na nabanggain sya eh..aminado naman po ako na hindi ko sya napansin Sir ..nabigla po ako kaya ang bilis ng pangyayari hindi po ako nakapagsalita ,dapat po mag sosorry po ako sa kanya, pero bilga nala mang po nyang isinaboy sa akin ang natitirang laman ng iniinum nya sa mukha ko..
Kaya Sir nagdilim talaga ang paningin ko sa mga oras nayon. Paliwanag ko dito .. kaya po bigla ko syang sinampal..at nakayuko na ako,habang nag papaliwanag sa harap ng Principal. Sorry po Sir hindi ko na po uulitin..Naiiyak na ako totoo lang pero pinigil ko...First time kasi na may makaaway ako sa loob ng unibersidad at anak pa ng Principal.
I need to talk to your parents iho malumanay na sabi nito sa akin...
Sige po Sir, sagot ko nalang sa kanya at humingi nalang ulit ako ng despensa sa nangyari.Sorry po ulit hinging paumanhin ko..
Ok, you may go now! iho, sabi ng Principal sa akin.Nagpsalamat ako at yumukod ako bilang paggalang sa kanya.
Nagkatinganan kami ni Adrian .. Nginisihan nya ko na para bang nag uuyam...Inirapan ko nalang sya sabay alis.Isip bata bulong ko sa kanya habang nag mamadaling tumayo lumakad paalis sa lugar na yon.
Hoy! Anong sabi mo rinig ko sabi nya.Hindi ko na sya pinansin..Susunod sana sya pero narinig kung pinagalitan sya ng kanyang ama at hindi pinaalis..Buti nga sayo sa isip isip ko.
Nag mamadali akong pumunta sa classroom namin...haist! buti wala pa yong professor namin kundi yari talaga ako.
Andy! anong nangyari kanina tanong ng best friend kung si Mhara .Bakit kaba pinatawag sa Principal's office. Sabay upo nito sa tabi ko na may pag aalala.
Best friend chismosa karin no! hindi mo pa alam kalat na kalat na nga dito sa buong University ang nangayari ,natutulog ka parin sa kangkung..biro ko sa kanya na nakangiti.
Hay! naku! best bw*s*t na bakulaw nayon dahil sa kanya ipinapatawag ang mga magulang ko best..hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mama at Papa problemado kung sabi kay Mhara. Napabuntong hininga nalang ako ng malalim.
Naman eh! reklamo nito sa akin ...Ano ba kasi yon.Kwento muna kasi maktol nito.
So.... ito nga! best.. Nakabangga kulang naman ang anak ng Principal na si John Adrian Falcon. Hindi ko ngayon kilala actually!. Pagpasok ko kanina..
Habang ako ay naglalakad kanina may malalim akong iinisip , kaya hindi ko sya napansin na nakaharang siya sa daanan .
Malay ko bang! Umiinom pala sya ng gulaman juice .
Boooggsss! Ayon!natapon ang iniinom ni gago sa uniform nya... Sinaboy ba naman nya ang natitirang laman sa mukha ko..Kaya yon nagdilim ang paningin ko ,sinampal ko sya ng ubod ng lakas.Ang akala kasi nya hindi ko sya kayang patulan kahit na matangkad sya at mas malaki sa akin...Mahabang litanya ko kay Mhara ..
Kumukulo parin ang dugo pag naaalala ko ang mga nangyari kanina.Ang yabang kasi ng bakulaw na yon.
Galit na galit gustong manakit patawa tawang tugon sa akin ni Mhara..Anu instsura best gwapo ba? Yummy at hot ba sya.. curious nitong tanong.
Hay naku best tumigil kanga ,Gusto mo sumbong kita kay Alvin.Ang boyfriend nya!.. pananakot ko sa kanya..
Biglang siyang sumimangot sa akin , best naman nagtatanong lang no! kung gwapo ba o hindi.
Mukhang hindi nya ako titigilan ng best friend ko sa katatanong kaya naman sinagot ko nalang sya nang...Hindi sya gwapo best..mukhang bakulaw pangit at maitim!..ang pangit pa ng ugali kasing pangit ng pagmumukha nya inis kung sagot. Oh! Ano happy na ba best hmmp.
Oo na best sabi mo eh.. Nakanguso nyang sabi ,sabay pa kaming tumawa at pag karaan ng ilang minuto ay sya namang pagdating ng aming professor Sir Frank at natahimik ang lahat.
Gwapo! talaga si Sir Frank at isa narin ako sa mga lihim na nagkakagusto.hehe! ang landi ko no hindi lang halata.haha Kaya pag sa klase nya active na active ako, pakilang gilas.Malay mo mapansin naman ni Sir ang kapogihan ko.Hindi masamang mangarap ng gising hehe.
Habang nasa kalagitnan kami ng klase at nag lelecture si Sir Frank ay may nakaagaw ng pansin sakin sa may bintana na dumaan. Takte! yan yong bakulaw na ubod ng yabang sa katawan ang dumaan ..
Nagtama ang mga paningin namin ..sobrang sama ng tingin nya sa akin, kung nakamamatay lang ang tingin malamang sa malamang nakabulagta na ako. Ngumisi sya ng nakakaloko sabay dirty finger sa akin..
Kala nya matatakot ako sa kanya ..Pasimple ko din syang pinakyuhan sabay irap at dinilaan ko sya bleehhh! .
Hmmp! papansin sabi ko sa isip ko,walang magawa sa buhay himutok ko nakakabwisit ang pag mumukha nya nakakagigil talaga..
Bigla nalang akong tinawag ni Sir Frank habang nasa malalim akong pag iisip at nakalingon pa sa labas..
Mr. Tomas tawag nya sa akin, napatayo ako bigla sa pag kagulat . Nagtawanan ang mga kaklase ko..Ano meron sa isip isip ko.
Mukha yatang wala ka sa sarili mo Mr. Tomas hindi ka nakikinig sa klase ko. Bukas ang pintuan para sa sayo..Namumula sa sobrang kahihiyan, napahiya talaga ako ng sobra at parang gusto ko nalang lumubog sa kinakatayuan at maglaho.
Sorry po Sir! humingi nalang ako ng despensa sa kanya..Okie! take your sit sabi nalang ni Sir. Frank. At nagbiro ng huwag mo isipin yon mahal ka non..Talagang sigawan ang mga kaklase ko,dahil sa kanyang sinabi.
Hoy best! kalabit sa akin ni Mhara . Ano ba ang nayari bulong nito sa akin.
Maya kwento ko sayo sabi ko nalang baka mahuli tayo ni Sir na nag dadaldalan.
Hmmpp! Okie! sagot naman ni Mhara.
Bwisit talaga ang lalaking yon puro kamalasan ang bibigay sa akin..ngit ngit ko sa aking sarili dahil sa pagkainis sa taong bakulaw..Hindi ba nya ako titigilan at talaga dito pa sya dumaan.. tsk tsk.
Mukha talagang sinadya nya na dito dumaan at para makita ako.Haist! sa dinami dami kasing may makakabanga pa eh!
Iyong may sira pa sa ulo psycho ang P*t*! ..Kainis talaga napapailing nalang akong sabi sa aking sarili.
Hindi ko talaga lubos maisip na sinira ng bakulaw ang buong araw ko dalawa sila ni kuya ..tsk tsk tsk..
Kriiinnggggggggggggg!
Ring ng buzzer sa school ..
Naku lunch time best ito ang pinakahihintay mo sabi ko sa kaibigan kung si Mhara.
Oh, sya tara na sagot ko...Kanina pa ako nagugutom libre moko ah kahit milk tea lang!.. sabi naman nito sa akin.
itutuloy..........