Nang makarating kami sa bar, ay hindi niya iniiwan ang aking kamay na nagpaparamdam sa akin ng kaba. Nagiging mas nakakailang ang sitwasyon habang nakikita kaming pinagmamasdan ng mga tao sa paligid. Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa isang mas tahimik na lugar, at doon, nakita ko ang pamilyar na anyo ng kapatid ni Shena, kasama ang isang grupo ng lima pang kalalakihan. Hindi narin ako nagulat nang masilayan ang dalawa pang lalaki na nakilala ko sa Hawaii. When we reached their vicinity, I suddenly caught the attention of the people there. I could feel their focus on us, especially on me, making it challenging for me to look at them properly. "Wow! Splendid beauty.. Alone?" Nagulat ako sa mabilis na komento ng isa sa kanila. May makulit na ngiti ito sa labi habang nakatuto

