Matchmaking #0
“Kuya, para po!” Sigaw ko kay manong driver, pero mukhang bingi siya. Pati pasahero, bingi rin ‘eh. Tiningnan ko nalang ang katabi ko at kinalabit ang balikat nito.
“Kuya, pwede paabot ng bayad?” paghingi ko ng favor rito pero tinarayan niya lang ako. Aba, gagong lalaki ‘to ah.
“Iabot mo o sisipain kita palabas? Mamili ka, pútangina ka!” Naiirita kong bulyaw rito. Tuloy, napatingin sa akin ang mga pasahero. Pati si manong driver, napatingin rin sa amin gamit ang salamin.
“Ayan naman pala ‘eh, kung hindi tayo sisigaw at magagalit, walang papansin!” Reklamo ko sa sarili at kinuha pa ang palad ng katabi ko at nilagay nang pabagsak ang kinse pesos. “Iabot mo na!”
Dali-dali namang inabot ng lalaki ang pamasahe. Natakot yata dahil sa taray mukha ko.
Nang makababa ako ng jeep, naririnig ko pa ang mga bulungan ng mga tao sa likod ko. Hindi ko na pinansin iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Kailangan ko nang makarating sa restaurant bago pa ako mahuli.
"Grabe 'yung babae, parang tigre kung makasigaw," bulong ng isang ale sa likod ko.
"Siguro may pinagdadaanan lang," sabi ng isa pa.
"Wala namang masama kung huminahon lang siya ng konti," sabi ng isa pang pasahero.
Huminga ako nang malalim, pinipilit na huwag magpaapekto sa mga naririnig. Hindi ko naman talaga gustong maging bastos, pero minsan, nakakairita rin talaga ang mga taong walang konsiderasyon.
Tumunog ang phone ko, agad ko naman itong kinuha habang naglalakad nang mabilis na halos takbo na rin para lang hindi ako malate sa trabaho.
“Oh?” Bungad ko.
“Hoy ante, hindi porke't maganda ka, nagpapahuli ka na. Saan ka na, babaita?” Sambit ni Janny sa kabilang linya.
“On the way na ako!” Tugon ko naman at pabaling baling ang tingin sa kada gilid ko upang makadaan sa pedestrian lane.
“On the way? Or on the way pa para maligo?” Sarkastiko niyang sagot.
“Bahala ka diyan. Mabangga ako, mumultuhin kita!” Hindi na siya makasagot dahil pinatayan ko na ng tawag.
Sinilid mo ang phone sa bag nang makita ko na ang restaurant. Ang init ng panahon kahit umaga pa dahil siguro, alas nuebe na. Na late pa ako sa pagtulog kagabi dahil nag aaral pa ako sa paparating na exam.
Tiningnan ko ang Restaurant kung saan ako nagtatrabaho at as usual, halos mga mamahaling sasakyan ang nakaparada sa labas dahil nga puro mayayaman lang ang makaka afford ng mga pagkain rito. Pati left over mahal eh.
Nagsimula akong magtrabaho rito tatlong buwan na. Unang buwan pa yata ng summer ay nandito na ako. Gusto ko na ngang umiyak dahil third year na ako. Ito yata ang mahirap para sa akin dahil puno palagi ang schedule ko. Trabaho sa umaga, nag aaral naman sa hapon hanggang gabi.
Pumasok ako sa bandang likod ng restaurant kung saan makikita ang entrance ng mga empleyedo. Hindi kami pwedeng pumasok sa main area kapag galing kami sa labas dahil makakasagabal rin kami sa mga customer na papasok.
Hinubad ko ang maliit na bag at pinasok sa locker sa loob ng kwartro ng mga babae. Dalawang kwarto ang nandirito maliban sa pintuan ng kusina. Pagkatapos kong mailagay ang mga gamit ko ay dumiretso ako sa kusina para i-check ang mga on-duties ngayong araw.
Napadako ang aking tingin sa mga nagkukumpulang mga kasama ko sa trabaho na parang may chini- check sa phone ng isang kasama namin. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanila at sinilip pa kung ano ang ginagawa nila at bakit busy kaka scroll sa phone.
"Hoy! Ano 'yan?" Wala pa yatang minuto ang lumipas ay nasa kani-kanilang pwesto na sila. Tawang-tawa ako sa mga itsura nila ngayon. Sinamaan nila ako ng tingin na mas lalo ko lang tinawanan.
"Grabe ka! Nagulat ako doon baka mamatay pa ako ng maaga sa ‘yong bata ka!" Napapasinghap na sabi ni Kuya Kaspher. Hawak niya ang kanyang dibdib na parang aatakihin na ng puso.
“Nakakatawa, 'no?” Sarcasm ang narinig ko kay Ate Lily. Si Ate Lily ang unang naging malapit sa akin dito, at may tatlong taon na agwat sa edad namin. Siya ang nagturo sa akin noong unang araw ko, and she's kind too.
Despite being kind and cheerful, I don't understand why the father of her child left her and looked for someone else. What the hell? Bakit yata normal nalang ang ganap na ganito?
Pinunasan ko muna ang mga luha sa mga mata dahil sa pagtawa bago sila hinarap. "Ano ba kasing ginagawa niyo? May issue na naman bang lumaganap sa buong bansa? Nakimarites ulit kayo 'no?"
Si Janny naman ang sumagot na parehas ko lang ring estudyante pero ibang school siya nag aaral. Magka edad lang rin kami kaya naging close rin kami.
"Kasi Isa, May nagviral kasing apps ngayon kaya na curious kami at sinubukang i- download." Pinakita niya pa ang logo ng dating apps sa mukha ko. "Marami raw kasing mga gwapo roon at ang iba naman instant Iphone!"
Ngumiwi ako sabay tulak ng cellphone palayo sa mukha ko at umatras. "Hindi bagay sa akin 'yan," biro kong sagot, "Maganda ako pero hindi ko gagamitin ang mukha ko para umakit ng sugar daddy." Diretso ako sa locker para kunin ang aking uniporme.
"Hindi mo trip mag-boyfriend hunt?" Ngumiwi lang ako sa kaniya at naglakad papuntang banyo habang siya ay sunod ng sunod sa akin."O, 'wag masyadong malunod sa textbooks, kaibigan. Hindi lang sa pagsusulit umiikot ang buhay; dapat happy-happy rin, alam mo 'yun?"
Pumasok ako sa kalapit na banyo at sinuot ang aking uniporme. Si Janny naman ay sumunod sa akin pero nasa labas lamang siya.
"I don't need boys, Janny. Madi-distract lang ang utak ko. At saka, maganda ako. Sila mismo ang lumalapit sa akin." Mayabang kong tugon.
"Wow! Ang yabang nito. O 'edi ikaw na maganda!" Kahit hindi ko siya nakita ay alam kong tumataas na kilay nito.
“May ipagyayabang naman,” tumalikod ako at chineck ang aking likod kung gusot ba ang uniporme. “Maganda na at matalino pa. Tsk, tsk. Ang swerte lang ng lalaking magiging asawa ko.” Nangingisi kong dagdag habang nakatingin sa salamin.
"Ang hangin, Isabella!" Tumawa ako nang binato niya ako ng basahan galing sa labas at umilag ako rito. "Please, i-close mo nalang ang mouth. Masyado ng mabaho!" Dagdag niya pa.
Kinuha ko ang basahan at lumabas na. Nakapamewang si Janny habang naghihintay sa akin sa labas. "Pahiram nga ng phone mo,"
Nakakunot ang aking noo dahil roon. “Bakit? Anong kalokohan na naman gagawin mo?” Pagdududang tanong ko sa kanya.
Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay. "Akin na lang kasi, may i-che-check lang ako. Total, break time ko naman. Mamaya ko na lang isasauli pagkatapos ng shift mo."
Hindi na lang ako nakipag-away at ibinigay ko sa kanya ang aking phone, na mabilis niyang kinuha. "Nagmamadali ka ba?" tanong ko sa kanya, But she didn't even answer me and just turned away abruptly. I shrugged and proceeded straight to the main area.
Nasa entrance ako ng restaurant at ginagawa ang usual na position ko sa trabaho bago ako mag serve sa mga customers mamaya.
"Good day, Ma'am and Sir. Welcome to 'Noble Palette Brasserie.' This way, please." Matipid akong ngumiti sa mga taong papasok.
“Bella, pinatawag ka ni Manager. Umuwi kasi ng maaga si ate Lily dahil sinugod 'yong anak niya sa hospital.” Sambit ni Ate Carol, siya ang cashier ngayon.
Here we go again. Mukhang ako trip ng manager ngayon. Kung may mga absent kasi sa amin, ako ang nag re-relieve dahil mas mabilis akong maka adapt ng trabaho kahit na iba-iba ang role namin.
Nang makarating ako ay narinig kong galit ang Manager sa kausap nito sa telepono kaya naghintay muna ako ilang sandali bago ako tuluyang kumatok sa pinto ng kaniyang opisina.
“Manager, pinapatawag niyo po daw ako?” Magalang kong tanong.
Kunot na kunot ang noo nito nang lumingon sa akin at sabay baba nito sa telepono. "Ikaw na muna gumawa ng mga trabaho ni Salmonte at kailangan mong galingan dahil marami tayong reservation ngayon. Huwag kang tatanga-tanga!"
"Sige po, manager.. Aalis na po ako." Tumunog na naman ang telepono niya kaya pinaalis na niya ako gamit ang kaniyang kamay bago sinagot ang tawag.
Kinakabahan ako dahil iba kasi ang role ni ate Lily, kailangan ng pasensiya lalo na at kadalasan sa mga mayayaman rito ay hindi ginagamit ang propesyon at basta nalang bumibitaw ng mga salita.
Hindi pa naman mahaba ang pasensiya ko. Bumuntung hininga na lamang ako bago tinahak ang daan papunta sa main area. Hindi ko na namalayan ang oras dahil puno rin ang reservation at may trabaho pa ako mamaya sa bar. Weekend kasi ngayon kaya full time ako ngayon sa Restaurant.
Ingat na ingat kong binuhat ang isang tray sa dalawang kamay ko. Hindi ko dapat 'to trabaho eh! Pero wala akong choice dahil may ginagawa ang katrabaho ko.
Habang naglalakad ako, nakatuon ang pansin ko sa mga mayayamang grupo. May isang babaeng napansin ko habang naglalakad ako papunta kung saan ko ihahatid ang mga wine. Nakatingin lang ito sa akin pero hindi ko naman mabasa ang reaksiyon ng mukha niya. Kinakabahan ako sa titig niya. Parang binabantayan niya ang bawat galaw ko mula pa kanina
“Who ordered this wine?” Tanong niya sa akin nang makarating ako sa pwesto kung nasaan siya umupo.
“Sa dulong mesa po ito, ma'am.” Sagot ko, na kinatango niya.
“I'll get one, just send a new one.”
Hindi na ako nakaangal pa nang tumayo na siya sana upang kunin ang wine na dala ko, ngunit biglang may tumulak sa aking likod. Napahawak pa ako sa lamesa pero huli na ang lahat. Hindi ko man lang magawang tingnan kung sino ang tanginang 'yon.
Natahimik ang lahat at tiningnan ang pwesto ko. Malakas na pagsinghap ng mga tao sa paligid ang naririnig ko at nadama ko ang bigat ng kanilang mga tingin sa direksiyon ko. Namumula ang aking pisngi sa hiya habang ginugol ko ang pagsusumikap na humanap ng tamang mga salita para humingi ng paumanhin.
First time in three months na nagkamali ako at mas kinakabahan ako mamaya pagkatapos nito. Manager is not a kind man na palalampasin niya lang ang nangyari. He can easily replace me kahit na magaling ako sa trabaho ko. Waiter lang ako ha, pero iba-iba section ng work namin rito.
"I'm sorry, ma'am. I didn't mean to. I-I'll just get a new one." I stammered an apology to the woman as I picked up the shards from the floor.
"Oh dear, it seems they've let anyone serve here these days," she remarked with a tone just loud enough for nearby customers to hear.
Ang komento ay tumama sa akin na parang matalim na suntok. Nagtrabaho ako ng walang humpay para makuha ang trabahong ito, at ang huling bagay na kailangan ko ay mapahiya sa harap ng lahat dahil sa isang customer. Habang patuloy akong naglilinis, sinikap kong manatiling propesyonal sa kabila ng tonong pang-aasar, ramdam ko ang masakit na hapdi ng kahihiyan sa aking dibdib.
Sanay na akong mapahiya pero kahit ay ganoon ay hindi ko pa rin maiwasan ang masaktan.
Habang patuloy kong pinupulot ang mga basag na piraso ng baso sa sahig, naririnig ko ang mga bulong at tawanan mula sa mga customer. "Oh, tingnan mo 'yan, hindi man lang marunong humawak ng tray," sabi ng isa, na sinundan ng halakhak ng kanyang mga kasama.
"Kawawa naman 'yung waiter, baka mawalan pa ng trabaho 'yan dahil sa pagkakamali," sabi naman ng isa, na may halong pang-aasar sa kanyang tono.
Napakagat-labi ako sa hiya at galit, pero pinilit kong hindi ipakita ito. "Pasensya na po, ma'am," sabi ko sa babae na nagkomento. "Hindi ko po sinasadya. Agad po akong kukuha ng bago."
Ngunit sa halip na tanggapin ang aking paumanhin, ngumiti lamang siya at tumingin ng mapanuya sa akin. "Mahirap na nga, tanga pa. Ganito ba talaga ang mga mahihirap? Stupid poor people." Insulto niya, na sinundan ng tawanan ng ibang guest.
Nadapako ang aking tingin sa lalaking katrabaho ko pero hindi man lang niya ako tinulungan at dire-diretsong pumasok sa kitchen area. Mabuti na lang at lumapit si Janny sa akin at siya na mismo ang humingi ng paumanhin sa mga taong naroroon dahil natahimik na ako dahil nilamon na ako ng kahihiyan.
"Oy, okay ka lang?" Tinapik ako sa likod ni Janny habang naghugas na ako ng mga pinggan. Ngiti lang ang tanging nasagot ko.
"Nasaan si Ms. Heyes?!"
Kinabahan ako nang marinig ang boses ng manager namin. Pati si Janny ay napatigil rin at nakatingin lang sa pintuan. Hinugasan ko muna ang aking kamay at pumuhit. Hihintayin ko nalang na lapitan ako ni Manager dahil mas maraming tao sa labas kaysa rito.
Pagkakita palang ni Manager sa akin ay tumambol ang kaba ko dahil sa nanlilisik niyang mata. Galit na galit siyang lumapit sa akin.
"M-manager, bakit niyo po ako hinahanap?"
"Anong bakit?!" Bulyaw niya sa mukha ko. Napatungo ako sa lakas ng boses niya. "Anong kahihiyan ang ginawa mo? Hindi mo ba alam na asawa ng may ari ang kaharap mo kanina?!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya." Po? Hindi ko naman po alam at saka, aksidente lang naman iyon."
"Aksidente?!" Nanggigigil niyang bulyaw ulit. Tangina, ang ingay. "Ang aksidenteng 'yon ay magpapahamak sa'yo! Masyadong perfectionist ang babaeng 'yon! Kaya huwag ka ng mangarap na papasok ka pa bukas dahil sinasabi ko sa'yo ngayon, masesante ka!"
"P-pero manager, aksidente nga lang po iyon eh. May tumulak sa akin!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Pinamewangan niya lang ako at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
"Matalino ka ba talaga?! Hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi ko?! Wala na akong maitulong sa'yo para diyan! Hintayin mo ang may ari mamaya dahil tinawagan ng asawa niya." Nakadama ako sobrang disappointment para sa sarili ko at sa kanila. Wala na yata akong magagawa.
Walang sabi-sabing lumabas ang manager habang ako ay napatungo nalang dahil sa kahihiyan at lungkot. Kinakausap ako ni Janny pero wala siyang natanggap na sagot sa akin at kada tingin ko sa orasan ay lumalapit ang pagtapos ng shift ko.
Dumiretso muna ako sa gamit ko at inihanda na dahil mukhang hindi na ako makapasok bukas. Ayoko ng mag expect.
"Isabella, pinapatawag ka ng may-ari." Bumaling ako kay Kuya Kaspher. Awa at lungkot ang nakikita ko sa mata niya. Ngumiti ako ng matipid at hindi na siya sinagot.
Nagtungo ako sa opisina ng owner at hindi pa ako nakapasok ay huminga muna ako ng malalim sa labas ng pintuan at pilit na ngiting pinasok ang opisina na nawala rin agad dahil nakita ko ang asawa ng owner na nakatingin rin pala sa akin kaso halatang may galit. Nag uusap sila ni Mr. Devis at nang makita ako ay senenyasan niya muna akong maupo bago siya magsalita.
"Isabella," simulang sabi ni Mr. Devis, na puno ng panghihinayang sa kanyang boses,"I have received complaints about your performance tonight. It seems there are doubts about your ability to meet the needs of the customers."
"I'm sorry," Nauutal kong paumanhin at napayuko. Hindi ko maatim na titigan siya sa mukha. "I understand if you're disappointed in me."
He sighed, his expression pained. "I appreciate your efforts, Isabella, but in this industry, customer satisfaction is paramount. I'm afraid we'll have to let you go."
Pigil ang emosyon kong ngumitk at tumango. Wala rin naman akong choice kung sesantehin agad ako ngayon. It's my fault in the first place.
"Okay lang po Mr. Devis. Tanggap ko na," bumaling ako sa babae at gusto ko siyang sakalin dahil sa pagngiti niya ng nakakaloko. Tumingin ulit ako Kay Mr. Devis."Aalis na po ako, thank you po sa lahat." Hindi man lang niya ako nasuklian ng ngiti dahil mukhang malungkot rin siya.
Maganda sana ang asawa niya at pati si Mr. Devis ay may kakisigan. Minsan nga ay nag uusap kami lalo na at lagi niya akong kinakamusta at alam kong ginagawa niya lang 'to dahil sa asawa niyang perfectionist. Tumayo na ako at bumaling ulit ang tingin ko sa babae at nginiwian siya. Napakuyom ang kamay ko at pinigilan lang ang sariling hablutin ang buhok niya at nilisan na lamang ang opisina dahil nawawalan lang ako ng hangin sa kanila.
NAKATUNGANGA lamang akong naglalakad sa kalsada at hindi alam kung saan papatungo. Mukha na akong tanga rito at kulang nalang ay sipain ang mga bote at pwede na akong maging baliw.
One mistake lang naman 'yon eh. Hindi ko naman sinasadya. May tanginang tumulak sa akin at nang ni reason out ko 'yan sa manager, hindi niya ako pinapakinggan. Gusto ko na talaga silang suntukin kanina pero nagtitimpi lang ako dahil ayoko ng gulo.
Hindi ko namalayan ang luhang papatulo na sa aking mga mata, kaya agad ko itong pinunasan. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa mga kasama ko roon. Umalis kasi agad ako, masyado akong disappointed.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin na sinadya ng asawa niya kanina ang nangyari kahit hindi naman talaga siya ang tumulak sa akin. Insecure siguro siya sa akin kasi mukha siyang paa.
Sumakay ako ng sasakyan papunta sa apartment. May shift pa ako sa bar mamaya, tapos sabay-sabay pa ng celebration para sa birthday ng boyfriend ng pinsan ng best friend ko. Sabi pa niya, wag ko na daw pilitin ang trabaho, pero no can do. May darating na exam, kailangan ko maglabas ng pera para sa unang test ng semestre.
Parang buhat-buhat ko ang bigat ng kalahating mundo ngayon. Hindi naman ako agad napapagod, pero sa lahat ng nangyari ngayon, parang tinambakan ako ng semento sa kalsada.
Binuksan ko ang phone ko at nag-scroll sa social media. Maraming messages galing sa mga kasamahan sa restaurant, lalo na kay Ate Lily na siguradong nagsisisi na nag-absent siya.
Hindi ko na binuksan, wala naman kahalagahan kung paulit-ulit ko pang babasahin ang drama. Oo, nadisappoint ako, pero partly kasalanan ko rin. Ayoko muna isipin ngayon at magpahinga bago pumunta sa bar mamaya.
Bago ko pa inexit ang social media ko, nakita ko pa ang isang logo ng isang sikat na event. May paparating silang event ngayong buwan at for sure, marami na namang babaeng feeling mayaman pero iyong pera nila, galing pala sa nahuthot nila sa even na 'to.
"Matchmaking event for single people, huh?" Basa ko sa description ng nag post. "Ang dami namang desperado ngayon," sabi ko sa sarili habang napapailing.