Matchmaking #1

2961 Words
Nahulog ako sa kama dahil sa kakagalaw kong matulog. Napahawak tuloy ako sa aking balakang habang iniinda ang sakit. "Pùta," mahina kong mura at pilit na tumayo, hawak pa rin ang balakang. Tinaas ko ang aking tingin at nang makita ang oras, nanlalaki ang mata ko at agad na tumakbo sa loob ng banyo. "Tangina!" Sigaw kong mura at ilang basa ng tubig lang ng katawan, natapos ko agad ang pagliligo. Hindi na ako nag isip pang kumuha ng tuwalya upang ibalot sa katawan ko, hubo't hubad akong tumakbo sa kwarto para isuot ang uniform ko. Wala namang ibang tao sa apartment ko maliban sa akin. Sure din akong walang cctv. Sure rin akong walang sisilip sa mga butas-butas sa pader dahil semento ang apartment. Minsan nga, nagpapanty lang akong natutulog eh. Ang comfortable kaya. Wala pang 20 minutes, agad akong tumakbo sa labas ng building at kumirapas ng takbo upang makasakay sa Jeep na papaandar palang. Mabuti nalang at hindi ako nahuli ng sakay. Ang hirap pa naman ng Jeep malapit sa apartment minsan. Bakit ba kasi palagi akong late? Lakad takbo ako hanggang sa dumating ako sa labas ng bar. Nakita pa ako ng bouncer na si Erick na kalahati lang yata ako dahil sa laki ng katawan. "Chill lang, Isabella. Para kang hinahabol ng aso," natatawa niyang bigkas na inikutan ko lang ng mata. "Baka mamaya, ikaw na ang hahabulin ng aso, Erick," sagot ko, sabay hingal ng malalim. Tinapik ko siya sa balikat at dumiretso na sa loob ng bar. Pagkapasok ko, sinalubong agad ako ni Mia, ang manager namin. "Isabella, you're late again," sabi niya na may halong inis sa boses. "Sorry, Mia. I overslept. It won't happen again, promise," paghingi ko ng pasensya habang sinusuot ko ang apron ko. "Make sure it doesn't. We have a lot of customers tonight," sagot niya na may kasamang buntong-hininga. "Huwag mo namang pagalitan ang maganda nating waiter, Mia." Sabat ni Carlo- ang owner ng bar. Galing siya sa opisina niya malapit lang kung saan ang kusina. Ngumiti si Carlo sa akin kaya't napangiti lang rin ako. "It's alright. Don't worry about being late. Just catch your breath and start your shift when you're ready." "Salamat, sir Carlo. Pero last na talaga 'to." Taas kamay ko pang panunumpa. Natawa nalang rin si Carlo sa ginawa ko. "These things happen. Take your time." Pahabol na sambit ni Carlo bago ito lumabas ng bar. Siguro ay may gagawin pa ito dahil kada pasok ko kasi sa Bar ay lumalabas ito at hindi na bumabalik minsan. "Lusot ka ulit, Isabella.." Mia frowned, hindi niya talaga tanggap na mabait sa akin si Carlo. Bias kasi si Carlo. Crush niya rin kasi. Si Carlo ay kapitbahay ko sa lugar kung saan kami nakatira ni Mama. Mas malaki ang agwat niya sa akin, siguro mga tatlong taon at dahil mayaman naman sila noon pa ay siya ang namahala ng Bar nang namatay ang unang may-ari na kapatid niya. Ayaw niya rin kasing ipahawak sa iba. Kinuha niya ako bilang trabahante nang nagkamustahan kami noong first year palang ako at ayun nga, gusto niya akong tulungan. Naglakad nalang ako sa counter at agad akong napansin ni Francine- ang transgender kong kaibigan rito. "Hello my amega!" Ngumiti ako kay Francine nang makita niya ako. Nagpupunas siya ng mesa at mukhang patapos na rin siya. "Server ka ngayon, girl or baka gusto mo maging bartender?" Ngumiwi ako sa sinabi niya. "Palitan mo muna kasi si Popoy roon, gusto ko siyang makasama 'eh!" Maktol niya. Tinalikuran ko lang siya dahil sa kalandian niyang taglay. "Bahala ka diyan, ako pa pinalit mo na hindi nga ako marunong mag mix-mix. Mas mabuti pang ikaw nalang, mas advantage sa'yo iyon total mas malaki pa ang katawan mo kaysa Po-" hindi ko na natapos dahil hinila niya ang buhok ko. "A-aray naman! Masakit ah." Busangot kong sabi habang siya ay tinatarayan ako. "Ay teh, ang hina lang n'on. O.a?" Hinampas ko siya ng dala kong bag at dahil abnormal siyang bakla ay ginulo niya pa buhok ko. "Ano ba! Insecure ka ba sa buhok ko at lagi mong punterya?!" "Oo!" Pabiro niyang singhal. Dinuro niya ako na parang tanga. "at habang nabubuhay ako ay hindi ako papayag na hindi ka maging julalay!" Pabiro ko siyang hinila rin ang buhok. "Shutang enems teh! hindi ka naman mabiro." Maarte niyang hinawi ang buhok niya. "Kwits na tayo, huwag kang demonya ngayon dahil badtrip ako." Inayos ko muna ang buhok ko at naglakad papasok sa kusina at doon ko nakita si Popoy na papalabas lang ng kusina. Nang makita niya ako ay ngumiti siya ng malaki at may pawave pa ng kamay. "Hi, Isabella! Ganda ah." Sinalubong niya ako. Ngumiti ako pabalik sa kaniya. "Matagal na, anong oras out mo ngayon?" "Bakit? Magda-date tayo?" "Ulol, hindi kita type." Napahawak siya sa kaniyang dibdib at pabirong inatake. "Ouch, an'sakit mo talagang magsalita. Isang daang beses mo na talaga akong tinatanggihan. Masyado ng masakit." Tumawa lamang ako sa ka o.ahan niya at tinapik siya sa braso. "Sige na at mukhang pinapatay na tayo ni bakla. Mara-rape ka na naman haha." Kinilabutan siya sa sinabi ko. "Mas tatanggipin ko pa kung ikaw ang --" sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw ang makasama ko ganun! Ano bang iniisip mo? Ikaw ah." Bawi niya. Hinampas ko lang siya at naglakad na papasok sa kusina. "Bahala ka diyan. An'dami mong satsat." Pagkatapos kong magbihis ng uniporme ay dumiretso agad ako sa labas. "Bella, table 10 ka. May dumating na customer." Tumango ako bilang sagot at kinuha ang maliit kong listahan at ballpen. Tatlong lalaki ang nakatambay roon. "Welcome to Ember and Echo bar. Ready to order?" Ngiti kong pagbati, habang inihanda ko na ang pagsusulat ng order nila. Lumingon ang isa akin at nginitian rin ako habang ang dalawa niyang kasama ay hindi man lang ako tinapunan ng tingin. "Right, malt whisky for my friend here, beers and nachos please." Sinulyapan ko ang sinabi niyang kaibigan na kanina pa nakatingin sa cellphone niya. Nang maramdaman niyang nakatingin ako ay salubong ang kilay niyang nakatingin rin sa akin. Umiwas ako ng tingin at nag take down nalang ng order. "Got it, anything else?" "No, that's it for now." Ngumiti ako ng tipid rito at tumalikod na. Kunot pa ang noo ko dahil mukhang kilala ko ang lalaki kanina. Saan ko nga ba iyon nakita? "That girl, she's beautiful." Rinig kong sambit ng kasama nila. Ako ba ang tinutukoy nila? Syempre, maganda 'eh. "Woah, type mo? Gusto mo kunin ko pangalan niya?" Boses ng kaninang lalaking kausap ko ang sumagot. "Hindi ako torpe, Hyung. Hindi tulad ng iba diya-- Aray, ba't ka nambabatok?!" Napailing nalang ako at dumiretso sa counter. "Kuya, malt whisky, beers and nachos for table 10. Ako nalang kukuha ng ice." Tumango at ngumiti si Kuya Railey. "Got it, thank you Isabella." "Girl, yung sa VIP puros papable!" Tili ni Francine pagkarating palang ng counter. Napailing nalang si Kuya dahil may bagong target na naman si bakla. "I'm not interested, Francine. Doon ka na nga, huwag mo akong istorbohin." Tumunog ang call back at dali-dali namang umalis ang bakla ng walang paalam. Nagkatinginan nalang kami ni Kuya dahil sabik na sabik ang baklang mapapalibutan ng mga lalaki ngayon. Parati naman. Pagkatapos ng aking shift sa trabaho, I decided to meet up with my best friend, Shane. Na kanina pang naghihintay sa shift kong matapos. I noticed Shane sitting at a table with a group of people I doesn't recognize. Habang lumalapit ako rito ay mabilis niya akong nakita at kumaway sa puwesto ko. "Isabella, come join us!" Tumayo ito at lumapit sa akin. Umangkla siya sa braso ko at sinabayan ako sa paglalakad. Marami yata siyang kasama sa table at nagtatawan pa. "Shane, Who are all these people? Hindi ko kilala ang iba." Tanong ko sa kanya. Hindi naman masyadong malakas yung music malapit sa kanila kaya alam kong hindi nila narinig ang sinabi ko. "Si Mike, si pinsan at ang boyfriend niya. Tapos ang iba naman ay nakasalubong ko lang kaya hinila ko nalang rito." Tinampal ko siya dahil sa sinabi niya. "Gaga, naghila ka na naman porke't gwapo." Napapangiwi kong usal. "Tangek, hindi ba naimbesto sa'yo ang joke? Kakilala ko 'yan lahat!" Huminto sila sa pagtawa at lumingon lahat sa akin."Guys, meet my beautiful bestie!" "Siya na ba si Isabella? 'yong lagi mong kinekwento sa amin?" Masayang tumango ang gaga at proud na proud pa. "Of course! Ganda 'no? Tumatanggap siya ng manliligaw ngayon, baka may single diyan?" Kinurot ko siya sa baywang. "Pero huwag nalang dahil masyado 'tong mapili. Study first daw muna." "Hahaha, may ganoon pa pala ngayon? Puwede namang pagsabayin." Sabi ng lalaking naka leather jacket. Pogi siya at may krus na earrings sa kaliwang tenga. Kumindat siya sa akin nang magtama ang tingin namin. Ngumiti lang ako at nag iwas ng tingin. "Huy, Dio. Gusto mong tusukin ko mata mo?! May pakindat kindat ka pa 'ah. Hindi ka naman type ni Isabella!" "Woah, chill babe. Selos ka naman haha." Tinapunan ng takip ng beer ni Shena si Dio na tumatawa na. "Ulol! Mukha mo!" Hinila ako ni Shena sa isang bakanteng upuan at doon niya ako pinaupo katabi lang niya. Nagpakilala sila isa-isa at gusto nga nilang uminom ako kaya lang tumanggi na ako dahil kakatapos ko lang sa trabaho. Wala rin akong ganang uminom ngayon. "So, Isabella anong kinuha mong course? Lagi ka kasing binabanggit ng best friend mo sa akin. Kulang nalang ipatarpauline ka para malaman ng lahat." Tumawa sila sa sinabi ng pinsan ni Shena na kinapula naman ng pisngi ng bestfriend ko. Masyado yata siyang proud sa akin. "Manahimik nga kayo! Proud lang ako sa bestfriend ko. Gusto ko na siyang ampunin pero ayaw niya," Bugnot nitong sagot na kinangiwi ko lang. "So ano nga, Isabella.. para naman makapag shift na rin ako sa course mo," birong saad ng kaibigan ng pinsan niya na sa pagkakaalam ko ay Michael ang pangalan. May mga kunting earrings ito sa tenga at masasabi mo talagang ma appeal rin. "I'm taking a degree in Bachelor of law at nasa third year na ako," sagot ko. Hindi ko maiwasang mapansin ang mga mata nilang namamangha sa aking sinabi. "Wow, Good course. Kung makukulong man ako, attorney ikaw yung una kong tatawagan." biro niyang saad na kinangiti ko lang. "Sige, pero kung walang tatawag mula sa'yo, baka ako mismo mag-ayos ng puwesto mo sa bilangguan," dagdag ko, na ikinatuwa ng grupo sabay tawanan. Nahagip ng paningin ko ang tatlong lalaking nakaupo sa table 10 kanina. May tama na ang isa habang ang dalawa ay chill pa rin. May kausap narin silang mga babae pero wala paring pakialam ang tahimik na lalaki kanina sa paligid niya at umiinom lang. Nagulat pa ako nang lumingon siya sa gawi ko. Napapahiyang umiwas ako ng tingin at tinuon nalang ang pansin sa mga sinasabi ng mga kasama namin. As the evening wears on, I realize how late it's getting. Nasa labas na rin kami ng bar at hinintay na maka uwi ang mga kasama ni Shena bago ako makauwi pero dahil nga napasarap yung pagkwe-kwentuhan namin ay hindi ko na namalayan ang oras. "Isabella, it's getting really late. Why don't you come over to my place tonight? It's closer, and you won't have to worry about traveling home at this hour." I hesitated, feeling grateful for the offer but also a bit unsure. Shena's condo can walk from here kaya pwede kaming maglakad papunta sa kanila. Dahil wala rin naman akong trabaho sa umaga ay gusto ko na rin sanang matulog maghapon bago ako maghanap ulit ng mapapasukan since weekend lang naman ang trabaho ko sa bar. "Are you sure? Ayokong maging distorbo sa'yo." I said to her pero binalewala lang niya iyon. "Nonsense! You're practically family. Come on, it'll be like a sleepover! At saka hindi mo naman 'to first time matulog roon 'ah. Bakit ka pa ngayon nahiya?" Napalabi ako."May kahihiyan rin naman akong naiiwan sa katawan 'no. Hintayin mo lang ako rito at magpaalam muna ako sa mga kasama ko." I say goodbye to my co-worker inside the bar and head to Shena's condo which is just a short walk away. Nangkwentuhan pa kami at nagulat siya nang malaman na nasesante ako at ayon, todo explain ako sa buong nangyari. "That b***h!" Inis niyang sikmat. "How dare she do that to you? Anong name ng babaeng iyon para maligpit ko na!" Binatukan ko siya. "Sira, huwag kang bumitaw ng salita ng ganyan baka may makarinig sa atin." Suway ko. Ngumuso lang siya at umangkla sa akin. "Eh, pero paano na 'yan? Weekend ka lang naman makakawork sa bar 'di ba? Gusto mo bang ako muna magbayad sa tuition mo?" "Baliw, ayoko nga!" Agad kong tugon. "Masyado ka ng mabait sa akin, Shena. Ayoko ng dagdagan pa ang utang ko sayo." "Luh," react niya agad sabay hawak pa sa dibdib niya. Ang drama ng babaeng 'to. "Wala kang utang sa 'kin. Halos hindi ka na makatulog kapag may utang ka!" "Hindi iyan ang point ko, huwag kang boba," sabay katok ko sa noo niya. Ngumuso siya sa ginawa ko. "Ang punto ko, ang dami mo na kasing ginawa para sa akin. Nababahala na akong tanggapin." "Boba ka diyan," sabat niya, sabay kunot ng noo. "Sige na nga, pero kapag talagang gipit ka na, nandito lang ako ha?" Tumango nalang ako at ngumiti. "Salamat, Shena. Alam ko naman na nandiyan ka palagi." Tinapik ko siya sa balikat at hinila papunta sa sofa. "Tara, nood tayo ng movie para makapag-relax." Nagkibit-balikat siya at sabay kaming umupo sa sofa, nagpatuloy sa pagkwentuhan habang naghahanap ng magandang pelikula sa Netflix. Pagkatapos ng ilang minutong pagpili, nagsettle kami sa isang romantic-comedy na paborito namin. Habang nanonood, hindi ko maiwasang isipin ang lalaking nakita ko kanina sa bar. "Shena, may nakita akong familiar na mukha kanina sa bar. Parang nakita ko na siya dati pero hindi ko maalala kung saan." "Hmm, baka isang regular customer lang? O baka naman isa sa mga college mate natin? Ang dami-dami nating mga kaklase dati na hindi ko na rin matandaan yung mga mukha." Sagot niya habang kumakain ng popcorn. "Oo nga eh, pero hindi ko talaga maalala. Bahala na. Baka naman nagkakataon lang na mukhang familiar siya." I sighed, trying to push the thought away. "Naku, baka naman crush mo lang kaya napansin mo agad?" Biro ni Shena sabay kindat. "Ulol, wala akong time para sa ganyan. Ang dami ko kayang kailangang gawin. Study muna before anything else." Sabay hampas ko sa kanya ng unan. Nagpatuloy kami sa panonood ng pelikula, nagtatawanan at nagpapalitan ng kwento. Naging magaan ang gabi at pansamantalang nakalimutan ko ang lahat ng problema ko. Sa mga oras na iyon, masaya akong kasama ang aking best friend, si Shena, na laging nandiyan para sa akin sa kabila ng lahat ng nangyayari. Pagkatapos ng ilang oras, nagsimula nang tumamlay ang aming mga mata. "Uy, Isabella, mukhang antok ka na. Matulog na tayo, tabi tayo sa kwarto." Tumango na lamang ako at pumasok sa kwarto niya. Lumundag si Shane sa tabi kung saan nakaupo ako sa higaan niya. "Remember our high school sleepovers? It's like we're reliving those days." She said while not looking at me and hugging her huge pillows. "Yeah. Andaming ganap sa buhay ko pero nandiyan ka pa rin. Salamat."I genuinely uttered and began to place myself to lie on the bed. "It's what friends do, bella. Speaking of friends, may nakilala pala 'yong dating friend natin, sa isang dating apps. Seems she is enjoying the money of her sugar daddy." Naging interesado ako sa sinabi niya. Iyong nakita ko kasing logo ng isang event ay ganoon ang paraan nila para makagain ng mga mayayamang tao. Not sure lang kung iyong ipapartner ba nila ay kabaliktaran ng status nila since hindi ko rin alam pero mostly sa nakilala kong sumali sa ganyan, na issue dahil naging kabit pala. Iyong iba naman may sariling love life pero di ko sure kung happy ba sila. Ewan ko ba kung bakit trip nila ang ganyang event. Puros matatanda naman ang napapartner dahil sa laki ng entrance fee nila diyan. Tuition ko na siguro ang price. "Huwag kang sumubok sa mga ganyan. Baka ma insecure ka na naman sa kanya," banta ko, dahil parang may gagawin na naman itong kalokohan kaya ito nagshare sa akin. Ngumiti lamang siya nang matamis sa akin. "Of course not! Anong tingin mo sa akin, mukhang pera? Excuse me? I'm rich." sagot niya, at pinaikot pa ang kaniyang mata na kinangiwi ko lang. Alam kong may iniisip na naman 'tong hindi maganda kapag ganito siya. "Alam ko namang rich ka," sagot ko, "Kaya nga ikaw ang paborito kong best friend, libre palagi." "Cheap mo naman," biro niya sabay tawa. "Pero seryoso, Bella, hindi mo kailangan mag-alala sa pera. Magkakaroon ka rin ng magandang trabaho pagkatapos ng college." "Salamat, Shena," sabi ko, damang-dama ang sincerity niya. "Pero gusto ko talagang maging independent. Ayoko ng umaasa sa iba." "Yan ang gusto ko sa'yo," sabi niya, "matapang at determinado. Kaya nga hindi ko makakalimutan yung first year natin, di ba? Grabe ang sakripisyo mo noon." "Oo nga, hindi ko nga rin alam paano ko napagdaanan lahat ng 'yun," sabi ko habang napapangiti sa alaala. "Pero nandiyan ka palagi para sa akin, kaya masaya pa rin kahit mahirap." "Always," sagot niya, sabay yakap sa akin. "Ngayon, matulog na tayo at magpahinga. Bukas na lang natin isipin ang mga problema." "Mabuti pa nga," sabi ko, sabay higa at nagtaklob ng kumot. "Good night, Shena." "Good night, Bella." Pagkapikit ng mga mata ko, hindi ko maiwasang maalala ulit ang lalaking nakita ko sa bar. Saan ko nga ba siya nakita? Bahala na nga, di ko naman siya type.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD