Napabuga ako ng hangin dahil sa kabang nararamdaman ko. Bakit ba pumayag akong maging date niya ngayon? Ano nalang sasabihin ng fans niya? Ang sikip ng suot kong gown kaya mas kinabahan rin ako rito. Gusto ko ng hubarin ito eh. Royal ball ang theme ng Anual gala at dahil partner ko ang dakilang aktor, kontrabida vibes ang awrahan ko. Fitted lined gown ang suot ko na may slit sa kaliwang hita. May marabou feathers ding nakapatong sa aking balikat at matching itim na maskara. Tiningnan ko ulit ang aking buong pustora at pinataas ko pa ang aking kilay kahit hindi naman nakikita dahil sa suot kong half mask. Grabe, mukha talaga akong kontrabida. "Are you ready?" Tanong ni Oliver habang papunta siya sa gawi ko. Nakasuot siya ng medieval suit ngayon na itim na itim. Mukha siyang villain sa

