WARNING: not suitable for young readers and sensitive minds. Read at your own risk. Kanina pa ako nakangiti habang nagkwekwentuhan kami ni Alex. Ang dami ko kasing tanong sa kaniya, lalo na sa mga kaibigan niya. Nahuhuli ko rin ang titig niya paminsan minsan sa akin kaya upang hindi ako maging uncomfortable, naghahanap ako ng topic o di kaya ay nagtatanong ako sa kaniya na sinasagot rin naman niya. Nagtanong rin ako tungkol sa tatlo pang lalaking nakasama namin. Wala kasi sila sa Hawaii. Sabi ni Alex ay kaibigan 'yon ni kuya Silver at nagkakilala lang rin sila noong naglondon sila. Sa kanilang pito, si Meir talaga ang kawawa kasi ilang beses na sinampal ng babae. Kaliwa't kanan ang babae nito kaya rin galit si Sylvie doon dahil magkapareho lang na babaero 'yong kapatid niyang si Oliver

