“Is it… is it against the rules of the event?” Kinakaban kong tanong kay Alexander.
Huminto sa paglalakad si Alexander nang nasa pathway na kami patungo sa main hall. Humarap siya sa akin nang may seryosong mukha.
“You have the right to decline it, but if he issued a payback, you don't have a choice but to fulfill your roles.” He answered.
“Payback?”
“Yes. Kapag denecline mo at gusto niyang kunin ulit ang pera, sayo manggagaling ang refund. Magiging triple ang bayad.”
I was stunned by Alexander's words. Even though I didn't know how much the man had paid, I knew it was substantial. The thought of such a large sum made my knees weak.
“M-may paraan pa bang hindi ko mababayaran ang ganyan? I mean, hindi naman ako mismo ang sumali rito. It's not my intention to join.” nag aalala kong sambit. Sinimulan ko ng ngatngatin ang kuko ko dahil sa kaba. Wala akong pera, baka ilang milyon rin ang binayad ng lalaking iyon.
Napaisip naman si Alexander nang ilang sandali. “Hmm,” he put his finger on his chin, “I think there's a way to solve it.”
Nagningning ang mga mata ko at nilapitan pa siya sabay hawak sa mga palad niya. “Talaga? Meron?”
Ngunit, agad naman akong natauhan sa ginawa ko at binitawan ang kamay ni Alexander. Tinitigan ako ni Alexander, may bahagyang ngiti sa kanyang labi. Nakita ko ang kaunting amusement sa kanyang mga mata. "Yes, meron. Pero kailangan mong makinig ng mabuti sa mga sasabihin ko."
Kumunot ang noo ko pero nangibabaw ang pag-asa. "Ano iyon? Gagawin ko ang lahat, basta hindi ko lang kailangang magbayad ng ganoon kalaki."
Naglakad si Alexander patungo sa isang bench malapit sa gilid ng pathway at umupo. Sumunod naman ako at umupo sa tabi niya, ang kaba sa dibdib ko ay hindi pa rin nawawala. Bago pa ako makaupo, aksidente kong nakita ang isang pamilyar na mukha na dumaan ilang metro sa amin.
“Si madam matapobre ‘yon ah!” wika ko at humakbang upang makita ang babae nang lubusan. “Anong ginagawa niya rito? May asawa na ‘di ba iyon? Anong trip ng mga gurang ngayon?”
Lumapit pa ako kung saan ko nakita ang babae pero nawala naman agad bigla. Hinahanap ng mata ko ito ang kaso may biglang humawak sa braso ko.
“Is there any problem? Sinong hinahanap mo?” Tanong ni Alexander. Nakasunod na pala ito sa akin at nasa gitna na kami ng crowd.
Napakamot ako ng ulo. “Ahh– kasi, may nakita lang akong kakilala,” hindi pa rin tumigil ang mata ko kakahanap. Kapag nalaman kong nakipagdate iyon sa ibang lalaki, isusumbong ko iyon kay Mr. Davis para makahiganti rin ako sa gurang na babaeng ‘yon.
“Mr. Montgomery! I search for you everywhere. Nandito ka lang pala!”
Narinig namin ang isang boses ng babae. Sabay kaming napalingon sa kanya at ayon, siya na rin mismo ang lumapit sa akin. Dumiretso ang tingin ko sa lalaking nakasunod sa kanya at di ko inaasahan na kasama niya ang former manager ko. Hindi ko aware na close sila.
"Yes, and you are?" Pormal na sagot ni Alexander sa babae.
"I'm Jessie Vlomder. Pleasure to make your acquaintance. Are you searching again for a new sugar baby?”
“S-sugar baby?!” I exclaimed without thinking. Napatakip ako sa sariling labi nang marealize kung ganoo kalakas ang boses ko. “Oh.. sige.. ituloy niyo lang diyan..” tinuro ko ang exit. “A-alis nalang siguro ako. Ge–bye!”
Pero bago pa ako makalakad, nagsalita ang babae. “I know you.”
Napapikit ako at nagdadalawang isip kung haharap ba ako ulit sa kanila o hindi. Ano naman sasabihin ko?
Sa huli, pinili ko nalang na harapin sila. Awkward akong ngumiti sabay wave ko pa ng kamay.
“Umm. Hello po.” s**t, saan ang tapang ko kanina? Bigla naman yatang nawala?
The woman dramatically gasped when she remembered me. Ang arte naman maka react! She even pointed her finger on me.
“You're the staff who got fired!” Dahil sa lakas ng boses niya, marami ang nakatingin sa amin. Napansin agad ito ng babae pero imbis na huminto, ngumisi siya sa akin. Oh, no. Alam ko na ang gagawin ng gurang na babaeng ‘to.
“I thought this event was for rich people? Why is there a lost mouse here?” pang-iinsulto niya sa akin.
Napakuyom ang kamao ko sa ilalim ng aking damit. Mabilis na sumiklab ang galit sa loob ko, ngunit pinilit kong magpigil. Hindi ko hahayaang masira ng babaeng ito ang araw ko.
Taas noo ko siyang tiningnan pabalik.“I may have been a staff once," I began, “but that doesn't mean I lack talent or intelligence.”
Ngumisi siya, pero halatang may halong pandidiri. "Oh really? And what talent might that be? Serving drinks? Cleaning tables?"
"Well, I can certainly do those things better than you can," sagot ko ng may pilit na ngiti, "but beyond that, I have skills and dreams that you could never imagine."
Umiling siya, tila ba natatawa sa sinabi ko. "Skills and dreams? Do you even know what it takes to survive in our world? You're just a poor little mouse trying to pretend to be something you're not."
Bago pa ako makapagsalita, naramdaman ko ang kamay ni Alexander sa balikat ko. "That's enough, Jessie," his voice was firm. "This event is not the place for personal vendettas. And for the record," he looked at me with a reassuring smile, "I believe she has more talent and potential than most people here."
Ngumisi si Jessie at hindi pinansin si Alexander. "Talent? Potential? This girl?" Tinuro niya ako ng kanyang hintuturo, parang pinandidirihan ako. "She doesn't have talent. She doesn't even belong here. She's just a poor, talentless, stupid girl who got lucky to be here.”
Napapikit ako, pilit na nilalabanan ang mga luha na gustong tumulo. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay sa galit at kahihiyan. Pero hindi ako maaaring magpatalo. Huminga ako ng malalim at hinarap si Jessie, sinubukang ipakita na hindi ako natitinag.
“I may not be rich, and I may have been a staff here before, but that doesn't mean you have the right to put a finger on me. You're rich, yes I admit that, but pareho lang naman tayong mamatay at kakainin ng uod sa lupa. Pareho lang tayong magiging abo at buto kaya kahit ano ka pa rito sa mundo, useless pa rin ‘yan. Tao ka pa rin at mabaho pa rin ang utot mo!”
Natahimik silang lahat sa response ko. Nanlaki ang mata ng babae. Tumaas lang ang kilay ko. Ano naman kung iba ako sumagot?
“Oh my, who is she?” Rinig kong bulong ng mga tao sa paligid, ngumisi lang ako nang malaki. “She doesn't have manners. Halatang poor!” nawala ang ngiti ko sa dumagdag ng kung sino.
Nakita ko ang iba't ibang reaksyon ng mga tao sa paligid. May mga bulong-bulongan at mga mata na nakatingin sa akin, may mga nandidiri at may iba naman na tila naaawa.
“Grabe, ang tapang naman ng babaeng ‘to. Wala siyang takot!” rinig kong sabi ng isang babae sa likod ko.
“Bastos lang siya. Dapat hindi siya pinapayagan dito,” sagot ng isa pa, halatang hindi impressed sa akin.
Pero may ilan din na mukhang sumasang-ayon sa akin. “Well, tama naman siya. Pare-pareho lang tayo sa huli. Lahat tayo ay tao lang.”
“Pero hindi naman ganun ang tamang paraan para sabihin ‘yon. Napakabastos talaga.”
Habang patuloy ang mga tao sa kanilang bulong-bulongan, hinarap ko ulit si Jessie. Ngumiti ako ng hilaw. “Ano, Jessie? May sasabihin ka pa ba? Kung wala na, aalis na ako. Mukhang wala rin naman akong mapapala dito sa pakikipagtalo sa’yo.”
Namula ang mukha ni Jessie sa galit at hiya. “You... you’ll regret this!” pasigaw niyang sinabi bago tumalikod at nagmamadaling umalis kasama ang kanyang escort.
Naramdaman ko ang pagluwag ng aking dibdib. Tumingin ako kay Alexander na ngumiti sa akin ng may paghanga. “You handled that well,” sabi niya. “But next time, try to keep your cool a bit more.”
Ngumiti rin ako sa kanya. “Thanks. I'll try.”
Habang kami ay naglalakad palayo, narinig ko pa rin ang mga bulong ng mga tao. “Ang tapang talaga niya, hindi ko kaya ‘yon.”
“Pero dapat talaga hindi na siya bumalik dito. Hindi siya bagay dito.”
Duh, wala rin naman akong pakialam sa opinion niyo. Ang iba talagang mayayaman ay masyadong feeling! Isaksak nila sa baga ang yaman nila!
Nakasunod lang ako kay Alexander at lumapit kami sa isang malaking pinto. Siya mismo ang tumulak rito at pagkabukas ng pinto ay nalula ako sa dami ng mga nakahilerang mga artworks. May mga sculptures din at syempre hindi mawawala ang mga paintings.
“Wow! Bakit nakatago lang ‘to?” Tanong ko at iniisa-isa ang pagtingin ng mga painting sa pader. May abstract, may simply pero elegante naman, meron ring hindi ko maintindihan ang kulay pero aesthetic naman tingnan. Hindi ako artist pero alam kong mga masterpieces ang mga nakalagay rito.
“Half of it was bought by Cazford from different countries and put here for display. Once in six months niya lang binuksan rito.” sagot niya. Katabi ko siya at nasa isang painting rin ang tingin.
“Cazford? May ari ba siya ng hotel?”
“Hmm, yes. It was his grandpa’s. Pinamana sa kanya noong umabot siya ng 20 years old.”
Tiningnan ko siya. “Mukhang kilala mo ang may ari ‘ah.”
Tumingin siya sa akin at ngumiti nang matipid. Nakikita ko ng kunti ang dimple niya sa bandang kaliwang pisngi. Gwapo niya. Ilang taon na kaya siya? Mukha kasing matured na siya pero hindi naman masyado talaga. Ang hot niya pa ngumiti.
“He's my best friend. Two years younger than me.” he answered, at bumalik ang tingin sa harap.
Naalala ko ang oras kaya’t mabilis kong tiningnan ang relo ko. 10 pm na! Hala, wala na akong masakyan na Jeep! Kinapa ko ang bag kong suot at tiningnan kung may pera pa ba ako.
Pagtingin ko, may senkwenta pa ako sa pitaka. Kulang ‘to kung sa taxi ako sasakay. Pero kung diretso naman ako sa condo ni Shena, enough naman siguro ito. Tawagan ko nga ang babaeng iyon para pagbuksan niya ako ng pinto mamaya.
Ibinalik ko ang pera sa bag ang kaso, nahulog ito sa sahig. Aabutin ko sana ito nang marinig ang tunog ng pagpunit ng gown ko baywang. Nanlaki ang mata ko at agad napatayo.
Takang-taka na si Alexander sa ginagawa ko. Hinawakan ko ang parte kung saan ang napunit pero hindi ko naman makita dahil nasa likod ito. Nanginginig ang mga daliri ko habang sinusubukan kong abutin ang tela, pero wala akong magawa. Pakiramdam ko ay nasa ilalim ako ng spotlight, habang ang buong mundo ay nakatingin sa akin, kahit na alam kong hindi naman.
"Napasok," bulong ko sa sarili ko, pilit na pinipigilan ang mga luha.
"Ano'ng nangyari?" tanong ni Alexander, halata ang pag-aalala sa kanyang boses. Lumapit siya sa akin at tinulungan akong tingnan ang likod ng gown ko.
"I think... napunit yung gown ko," sagot kong nahihiya. Naramdaman ko ang kanyang mga kamay na maingat na tinatanggal ang buhok ko mula sa napunit na parte.
"Let me see," sabi niya, yumuko siya para mas mabuting makita ang damage. "Oo nga, napunit nga. But don't worry, it's not that bad. We can fix this.”
"Fix this? How?" Napatingin ako sa kanya, umaasa ng solusyon. Kahit ano basta hindi lang talaga makita nila ang punit. Tama na iyong kahihiyan kanina.
Tumayo siya nang tuwid at tumingin sa paligid. Pagkatapos, hinubad niya ang tuxedo niya. Namilog ang mata ko at tinakpan ang dalawang mata gamit ang dalawang palad ko.
“H–hoy! Bakit ka naghubad diyan? Bata pa ako!” Natataranta kong usal. Narinig ko ang pagtawa niya kaya’t gumawa ako ng butas sa gitna ng mga daliri ko upang makita ang mukha niya.
Tànging puting polo nalang ang nasa katawan niya. Hulmang hulma ang batak niyang muscle. Kapag gumagalaw siya, parang lumalabas ang ugat niya sa braso.
Lumapit siya sa akin at nilagay ang tuxedo niya sa likod ko para matakpan man lang ang napunit.
“You can use this.”
Binaba ko ang kamay at nahihiyang inayos ang tuxedo niyang sinampay sa likod. Nakakahiya iyong ginawa ko tapos gusto niya lang talagang tumulong. Ang greenminded ko talaga!
“Are you.. okay with that shoes?” Tanong ni Alexander at sabay baba ng tingin sa paa ko. Tiningnan ko rin naman ito at doon ko nakitang namumula na pala ang likod ng paa ko. Ginalaw ko ito at mukhang may hapdi siya.
Hindi ko inaasahan na luluhod si Alexander sa paanan ko. Tinanggal niya ang sapatos ko at tiningnan ang paltos sa likod ng paa ko.
“It will get hurt if you walk having this,” he declared and looked up to meet my gaze. “Do you mind lifting you up?”
“Huh?” Taka kong tanong.
Hindi na niya ako hinintay pang promoseso ng tinatanong niya at bigla niya nalang akong hinawakan sa likod nang makatayo siya. Napatili na lamang ako nang binuhat niya ako bigla. Awtomatikong pumulupot ang braso ko sa leeg niya at naamoy ko ang panlalaki niyang perfume.
“Better. You're going home, right?” tanong niya. Napatango nalang ako. Napipi na yata ako ngayon.
Aaminin ko, kinikilig talaga ako. Kanina pa bumibilis ang t***k ng puso ko tapos may kung ano pa sa tiyan ko. Iyong sinasabi nilang butterfly in the stomach? Ang pogi naman kasi ng kasama ko.
Nagsimula na siyang maglakad. Nang makita kong saan siya dadaan, nataranta ako.
“T-teka lang!” Huminto si Alexander sa paglakad. “Sa main hall ba talaga tayo lalabas? Wala bang short cut rito?”
“There is. Doon tayo pero sa gilid lang naman tayo dadaan. Not in the center, so don't worry.” Tugon niya.
Hindi nalang ako promotesta. Nagpatuloy nalang kami sa paglabas ngunit may mga tao naman doon kaya’t awtomatikong napalingon sila sa amin. Hindi ko na kaya ang hiyang nararamdaman ko kaya sinubsob ko na lamang aking buong mukha sa leeg niya. Bango naman.
“Great. We're here.” He announced.
Sinilip ko ang paligid. Nasa loob na pala kami ng parking area at papunta na siya sa isang kotse.
“Dito mo nalang ako ibaba. Wala naman tao sa paligid.” Sabi ko na sinunod niya naman. “Thank you. Ang bigat ko ‘no? Kanin is life kasi.”
He chuckled. “Not at all. Ang gaan mo nga,” hinawakan niya ang braso ko at tinansiya ang size no’n. “Look. Ang payat mo oh.”
Bumusangot ako. “Sexy lang. Ganito ang mga katawan ng mga sexy no?”
Tiango na lamang niya ang kaniyang ulo na parang sumasang ayon sa sinabi ko. Tinapik ko siya sa braso.
Nag-ring ang cellphone ni Alexander at agad niya itong sinagot. Sa kabilang linya, narinig ko ang boses ng isang lalaki.
"Alex, where are you? Everyone's looking for you," sabi ng lalaki.
"Just handling something. I'll be there soon," sagot ni Alexander. Pinatay niya ang tawag at tumingin sa akin. "I have to go back inside. Are you sure you'll be okay?"
Hindi pa ako makasagot nang makita ang isang babae na papalapit sa amin. Parang isang hablot na lang ng damit nito ay mahuhubaran na. Malagkit nitong tinitigan si Alexander at parang hindi man lang niya ako nakita na katabi lang.
Lumapit ito kay Alexander at mabilis itong nakahalik sa pisngi na kinatigil ng aking pagkilos. Hindi ko naman alam na may girlfriend pala siya.
"Hi babe, I came here to see you!" Napakagat ako ng labi nang akmang maghahalikan na sila sa harap ko. Tumalikod na lang ako at dire-diretsong naglakad palabas ng parking area.
Baka awayin ako ng babaeng ‘yon. Mukhang skandalosa pa naman. Tiningnan ko ang venue ulit nang makalabas na ako ng building.
“Last na ‘to. Mukhang ayoko na talagang pumunta sa mga ganito. Tama na ang kahihiyan na nararamdaman ko kanina.” Sambit ko sa sarili at humanap ng masasakyang taxi.