Umabot ng limang oras and dalawa kaya't nagmadali akong tapusin ang paglilinis sa loob at labas ng bahay. Biglang dumagsa ang tao bandang alas-siyete ng gabi at natapos ko ang aking mga gawain ng alas-onse na. Nakita kong dumaan si ate Sadie kaya nilapitan ko ito. "Ate, nakontak mo ba si Kuya Anton? Hindi pa ba sila tapos r'on?" Baka ay papauwi na sila kaya hintayin ko nalang sila rito. "Si Anton? Bumalik na siya kanina pa. Umuwi lang saglit." "P-po? Anong oras siyang bumalik rito?" Nag isip ito at tiningnan ako. "Alas nuebe palang kanina. Babalik nga iyon rito para sunduin ako." Nabundol ako ng kaba sa narinig. Limang oras siya roon at hindi pa siya bumabalik. Hindi yata maganda ang kutob ko rito. Okay naman siguro siya dahil nandoon ang mga tauhan niya pero bakit parang kinabaha

