Matchmaking #6

2533 Words
"Besss!" Tili nito nang mabuksan ang pintuan at niyakap ako na parang antagal na kaming hindi nagkikita. Magsasalita pa sana ako nang hilahin niya agad ako papasok, kaya hinayaan ko na lang siya hanggang sa maupo kami sa sala. "Bess! Nagkita kami kagabi!" Tili niya na parang uod na binudburan ng asin. Alam ko kung sino tinutukoy niya. Matagal na niya itong crush dahil nga artista, kaso hindi ko naman iyon bet dahil babaero. "Kaso lang," ngumuso siya. "Nagkita nga kami pero ibang babae naman ina-entertain niya! Niligtas niya pa! Kainis, nag-uusap pa kami!" Ngumiwi ako. "Huwag kang masyadong affected, kinausap ka lang. Hindi naging kayo." Inikutan niya ako ng mata at isinandal ang likod sa couch habang pinagkrus ang braso. "Ang bitter mo talaga! Hindi ba pwedeng support na lang?" "Susuporta ako sayo kung green flag pinili mo. Masyado ka kasing colorblind kaya kahit napakapula na, go ka parin." Ngumuso ito. "Ehh, kasi naman! Gwapo kasi siya at mayaman pa. T'saka, crush ko lang siya okay? Wala pa sa point na nasa part na ako ng love." "Okay," Matipid kong sagot. Liningon niya ako nang may pagdududa. "Halata namang hindi ka naniniwala eh!" Ako na naman ang umikot ang mata. "Talagang hindi! Tingnan mo nga tong Condo mo!" Turo ko sa mga poster ng nag-iisang mukha sa paligid. "Puro mukha ng lalaking 'yon! Masyado ka nang obsessed sa pulang 'yon!" "Ehhhh! Hindi kaya 'yan obsessed! Fan ako, okay? Normal lang 'yung magka-crush sa idol mo. Hindi mo kasi nararanasan dahil hindi ka mahilig sa gwapo! Masyado kang stick to one sa mukhang butiki na 'yun!" Tumayo ako at pinameywangan siya. "Ginagalit mo ba ako, babae?" Mabilis siyang napa atras dahil sa nakasimangot kong mukha lalo na at ayoko talagang minemention ang lalaking yun. Nag peace sign si Shena habang nagtatago sa maliit na unan. "S- sorry naman. Ikaw kasi eh." Hindi ko na siya tiningnan at galit na umupo sa couch. Hindi pa pala alam ni Shena yung nangyari kanina sa amin ni Kalel. Ayoko pa munang sabihin yun dahil baka makita ko nalang si Shena sa loob ng dean's office dahil sa ugali niyang basagulera. Napatingin ako sa laptop niyang nakabukas at nangunot ang kilay dahil sa pamilyar na mukha na nakapaskil doon. Mabilis na sinirado ni Shena yung laptop niya dahil baka pagalitan ko na naman siya sa pagstalk ng crush niyang babaero pero hindi iyun ang nakapukaw sa aking atensiyon. "Ano 'yon?" I caught something familiar. Tumayo ako at naglakad sa direksiyon niya. "B- bes, promise! Ngayon lang 'to!" Nginiwian ko siya at tinulak sa gilid kaya natumba siya sa couch. Binuksan ko ulit ang Laptop niya at binasa ang isang article. "Kailan ka pa nagka interes sa kanila?" Tanong ni Shena nang mapansin niyang hindi na ako umiimik habang nakatingin sa laptop niya. Lumapit ito sa akin at tiningnan rin kung ano ang kanina ko pa binabasa. "Shena, Do you know this guy? I mean personally?" Turo ko sa isang lalaking hindi man lang nakangiti na naging parte ng Top Entrepreneur of the year. "Hindi masyado, pero I heard na part siya ng paglago ng isang Matchmaking service na pinuntahan mo. Pero hindi ko narinig na pumunta siya sa event na iyon. Wait? Nakilala mo ba siya? Nandoon siya sa event?" Napakagat ako ng kuko nang mabasa ang mga ibang details tungkol sa kaniya at mga achievements na nakuha niya especially the service that I never thought na akala ko participants lang siya. Napa facepalm ako dahil sa natuklasan. Hindi ko alam na ganito pala siya kahalaga at kayaman. "I met him," halos pabulong kong turan na kinagulat ni Shena. Agad niya akong pinaharap sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata. "What? Sigurado ka ba diyan? Kailan? Saan?" Sunod-sunod na tanong nito habang exaggerated niya akong niyuyugyog. Nasira yata ang braincells ko saglit. "Teka! Stop ka nga." Hininto niya naman habang gulat parin nakatitig sa akin. "Sa event at kanina. S-siya yung naghatid sa akin." Na-estatuwa siya sa narinig pero kalaunan ay tumawa na akala niya ay nagbibiro lang ako. "Bes, please lang okay? Impossible yang sinasabi mo. Nakilala si Montgomery dahil minsan lang siya naglilibot rito sa bansa. Mas prefer niyang magpupunta sa labas ng bansa. At hindi nga 'yan lumalabas ng walang bodyguards eh." Ngumuso ako. "Hindi ka pa rin ba maniniwala kung sasabihin ko sa'yo na ako ang susunod niyang nakamatch?" Napanganga siya at ilang segundo bago bumalik at sinara ng tuluyan ang kaniyang bibig. "That's not funny, Bella! Sinasabi mo bang nagkita talaga kayo sa event? Hindi 'to joke?" My forehead creased. "Mukha ba akong sinungaling? Mas madami ka ngang tinatago sa akin eh." "H-hindi kaya! Sinasabi ko naman sayo e. Like sa crushes ko, mga napupuntahan ko. Ganun! Wala kaya akong tinatago. Promise!" Maypa't taas-taas pa ng palad ito, na inikutan ko lang ng mata. I respect her decision for not telling me all her secrets because people need privacy at hindi dapat lahat ng sekreto binubunyag agad kahit matalik na kaibigan pa yan pero may mga times lang talaga na naiirita ako kay Shena dahil kasi kapag concern sa akin, tinatago niya. Like noon na may kaaway ako sa skwelahan at inimbitahan ako sa likod ng school pero ang sinabi niya ay hindi sumulpot yung mga naging kaaway ko pero natuklasan ko na lang inaway niya at na principal pa sila dahil hinila niya yung buhok ng babae hanggang daan kaya nang makita siya ng teacher, na report siya agad. I was happy that she did that to protect me pero I don't want to bring her more in my own problems. Lalo na at connected iyon sa akin. I have many enemies though, I don't know pero I experienced being bullied dahil ang rason nila, kinukuha ko raw yung mga boyfriends nila. Wala naman akong ginagawa at tahimik lang ako sa gilid. Although, una kong nakilala si Kalel kaysa kay Shena at naalala ko pa dati na maypag ka bitchy yung attitude niya at isa rin naman siya sa binubully ako noon. Hindi ako umimik at dumiretso sa dirty kitchen ng Condo niya. Naramdaman ko namang sumunod ito. "So ano na? If you were telling the truth, bakit naging sugar baby ka bigla? Ikaw mismo pumili ganun? Akala ko ba may pride ka para sa ganiyan?" Satsat nito. Binuksan ko ang refrigerator niyang halos wala ng mapapasukan dahil puno ng kung ano ano. Hindi talaga siya mauubusan ng pagkain sa refrigerator kaya kapag wala na akong makain, iniimbita niya ako sa Condo niya. Rich things "It's a three month contract," Kinuha ko ang tubig at sinalin iyun sa baso."I have to accomplish it dahil magiging triple yung mababayaran ko. Wala akong pera kaya wala akong choice at sumama nalang sa kaniya" ininom ko iyun at hindi nagtira. "If I were you, papayag rin naman ako. Tsaka, ang gwapo kaya niya!" Ang hilig niya talaga sa gwapo kaya lagi tong umiiyak e dahil halos babaero yung nagiging boyfriends niya. I mean ex. "Magiging mayaman ka pa in just like 3 months! Baka regaluhan ka ng bahay niyan!" "No, there's no way I could accept that. I'm not that materialistic. I will end that contract and nothing more to add." "Hays! Bes, i-enjoy mo nalang ang biyaya na bigay. Okay? Dapat practical na tayo ngayon 'no!" "Whatever.. Sige na at mag shoshower muna ako," huling kong saad at iniwan si Shena sa kusina. Dumiretso ako sa kwarto niya dahil nasa loob ang banyo. Hindi naman siya umaangal sa mga ginagawa ko dahil mas prefer pa nga niyang dito ako tumira e kaso hindi ako pumayag dahil ayokong dumepende sa kaniya. Andami na niyang tulong na binigay sa'kin. ***** ILANG beses na akong napabuntung hininga ngayong araw dahil sa nangyari kahapon. To think that nagkasunod sunod yung hindi inaasahan kong pangyayari, ay parang sasabog na akong ulo ko anytime. Bumuntung hininga ulit ako at tinigil ang ginagawa kong pagpupunas sa mesa. "Pang isang daang buntung hininga na yata ang nabibilang ko, Bella. Kung may problema ka, pwede mo namang sabihin sa amin." Pilit kong nginitian si Tasha na huminto pa talaga para i-check ako dala ang mga telang gagamitin mamaya. May gusto kasing magrent ng buong bar kaya busy kami ngayon sa paglilinis. Sa pagkakarinig ko ay kilalang actor raw ang mag rerent rito kaya buong gabi kaming busy. Maypag ka maarte rin daw kasi ang actor na iyon kaya ayaw na mahahaluan ng ibang tao maliban sa iniimbita nitong guest at kaibigan. "Maa'm, hindi po talaga kayo pwede rito." "Are you f*****g joking right now? This is a club right? And I'm here every weekend. What the hell is with this shitty event?" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang komusyon sa entrance. May babaeng gusto yatang pumasok kaya sinilip ko ito para i-check. "Hindi po talaga pwede ma'am dahil occupied po ngayon ang buong bar. Bukas pa po yung pasok ng mga customer." Nagpupumiglas naman yung babae at gusto talagang pumasok. "No way! What's the use of your bar if you won't accept costumers? Are you all crazy?! call your f*****g manager!" The woman's friends trying to stop her. Pinagtitinginan na rin kasi sila. "Let them in." Isang baritonong boses ang nagsalita sa gilid ko. Umangat ang tingin ko rito at nakilala ang lalaki. Marami itong tattoo sa katawan. Isang dragong tattoo pababa sa braso nito hanggang sa leeg. He has long hair on top with shaved sides and back. Matipuno ang katawan at may maliit na beard na parang once inch lang. Everyone knows this man.Paano na lang kaya kung nandito si Shena? Baka mahimatay yun sa kilig. Nandito lang naman yung crush niyang actor na mukha talagang fuckboy sa paningin ko. Tumigil sa pagpupumiglas ang babae at ngiting tinaas ang mga kilay nito nang tumagilid na ang mga bouncer sa entrance. Hindi ko naaninag masyado ang mukha ng babae pero base suot, may pagka same vibes siya ni Shena na maypaka-bitchy yung ugali at halatang spoiled brat. "Isabella, hinahanap ka ni sir Carlo." liningon ko si Tasha na ngayon ay nasa harapan ko na. "O- oo, susunod ako." Nilagay ko muna sa kusina ang basahan na ginamit ko sa paglilinis bago hinugasan ang aking kamay. I wiped my hand using dry cloth hanging in the wall. Nang makarating ako sa office ni Carlo ay may kausap naman siyang lalaki na hindi ko agad naaninag ang mukha. "Nandito na pala si Isabella." Ngiting saad ni Carlo. Liningon ako ng lalaki na kina awang ng aking bibig. Teka, paano niya nalamang nandito ako? "Hi," He said smiling at me but I opting not to smile. Instead, my attention shifted to Carlo, who now moved cautiously. "Sir Carlo, saan ka pupunta? Maybe explain what this is for?" I watched as he absentmindedly scratched the back of his neck, forcing a strained smile. "Um- ano, Isabella, nagpa-alam kasi si Mr. Montgomery sa akin," he began hesitantly. "You will be on leave for a week." A week? My mind raced with questions. Why? Where were we supposed to go for an entire week? This couldn't have come at a worse time. Did Alex know na wala akong klase the whole week? Maybe he asked someone? Pero impossible 'yon. Carlo, aware of my situation since I no longer had my job at the restaurant, he said na pwede akong magtrabaho on weekdays kapag wala akong klase. The bar only operated in the evenings, which meant my mornings were generally open for work. This unexpected leave of absence seemed to complicate things even more, leaving me with a mix of curiosity at pagiging concern sa darating na araw. Hindi ako makasagot at tila napipi sa sinabi ni Carlo. My mind swirled in thoughts at hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala si Alex kaya inangat ko ang aking tingin sa kaniya. Nanliit ako sa sarili ko nang marealize ang height difference namin. Ang tangkad niya talaga, para lamang akong kapatid niya. "I'll pick you up after your shift today, okay?" His words were gentle, his tone soft. I wanted to scold him, but his demeanor left me powerless. It was tough to blame him; anyone could see how many admirers he had. A sly grin danced on his lips, creating the sense that he was sharing a secret, just between us. His eyes twinkled with a playful glint, and it was getting harder to resist the magnetic charm he exuded. His messy dark hair framed a face that combined a rugged charm with refinement. Deep brown eyes showed warmth and mystery, and a well-defined jawline and playful smile struck a balanced strength. "O-okay." Naibaba ko ang aking tingin dahil kanina ko pa pala siya tinitigan. Nagitla ako nang inangat niya ang mukha ko gamit ang hinlalaki niya para magkasalubong ang aming mga mata. Ilang libong paruparo na yata ang nagwawala sa tiyan ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko sa lalaking 'to? Lumamlam ang mata nitong nakatingin sa akin"Are you mad?" I stern my expression. Ayokong mabasa niya ang emosyon ko at baka gamitin niya pa iyon sa akin. I pulled myself away and tried to avert my attention. "Hindi.. it's part of my responsibility as your match. You're here to fully fill the contract, right?" A mischievous grin crept across his face, starting from the subtle twitch of his lips, then gradually spreading to reveal a set of perfectly white teeth. "Hmm, yeah but maybe not?" I rolled my eyes at his answer. Ano ginagawa niya dito kung ganun? I already signed the paper at magsisimula na iyo ngayon. "Are you saying trip mo lang akong puntahan dito, ganun? Pinagloloko mo ba ako?" My lips pressed together in a thin line, revealing my annoyance to his face. I saw how he amusingly chuckled kaya sinuntok ko siya sa sikmura na kinadaing niya. Imbis na magalit siya sa ginawa ko, tumawa parin siya na parang wala lang yung suntok ko sa kaniya. Abnormal ba 'to? Nanggagalaiti ko siyang tiningnan habang nakakuyom ang aking kamao. Nang makita niya yung reaksiyon ko, huminto agad siya sa pagtawa at nagkunwaring umubo pero nasa mukha parin niya yung ngiti na gusto ko ng burahin. "Ang saya ha? Malapit na talaga at babasagin ko yang gwapo mong mukha," I playfully remarked, pero seryoso pa rin ang aking mukha habang sinasabi iyon. "I'm handsome?" He asking again, seeking reassurance. I managed a fake smile na nauwi rin sa pagngiwi. "Oo, gwapo ka. Ang gwapo mo to the point na gusto na kitang ingudngod sa pader. Sad to say, hindi ako hilig sa gwapo. Papangit ka rin kapag kulubot na mukha mo." I quipped, trying to stay composed during our playful banter. Alex's charm was apparent, but good looks didn't necessarily mean I was attracted to him. Handsome or not, a cheater remained a cheater in my eyes. Although, hindi pa ako nagkaka-boyfriend pero masyado akong maingat. "That's sad to hear, type pa naman kita. Hindi ko naman mababago ang mukha ko, ano ba gusto mo at ibabago ko?" Napaawang ang bibig ko sa naging sagot niya. Is this guy flirting with me? "Seryoso ka diyan? Huwag mo nga akong I-joke time!" Tnitigan lang niya ako at nagpailang sa akin. Bakit ba ganito siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD