Pagdududang mga tingin ang sumalubong sa akin galing sa mga kaibigan ni Kalel. Nakaupo ako sa upuan rito sa kusina nila habang suot ang Tee shirt niya. Hindi ko sila pinapansin at kumakain lang. Mga ilang minuto na silang ganiyan na parang may ginagawa kaming hindi maganda. First time bang magdala ng babae ni Kalel dito? Hindi niya ako naihatid kagabi dahil may hindi inaasahang taong naghintay sa labas ng apartment ko. Alexander was there, waiting on his car. Wala siyang kasama o kahit bodyguards man lang niya. He's the one making hundreds of missed calls to my phone. Others are from Oliver and Dad. Napansin din iyon ni Kalel kaya tinanong niya ako kung kakausapin ko ba si Alex pero mabilis akong napailing kaya dumiretso nalang kami sa bahay na tinitirhan nila. May binili silang bahay

