Sa rooftop. Tapos ng kumain si Iresh. Nakatanaw siya sa malawak na syudad mula sa kinatitirikan ng building ng LUCENAS CORPORATION COMPANY. Napakaganda ng tanawin.
Ang liliit ng mga bahay. May mga sasakyan na dumadaan sa kalsada. Maraming tao sa labas. Ngunit bawat isa ay may kuwento. Alam niya sa sarili niya na may iba sa mga taong nakikita niya na masaya, yung iba ay nahihirapan at ang iba ay may pinagdadaanan. Every window has its own story ika nga.
Nagmuni-muni siya. Iniisip niya kung talaga bang binalikan sila ng ama niya. Kahit matatag siya ay hindi pa rin niya maiwasan mangulila sa amang, ni minsan ay hindi man lang niya nasilayan.
Umaasa siyang, totoo ang mga sinasabi ni Mr. Baigon. Na hindi sila nito inabandona. Pero kahit totoo man iyon, ay hindi pa rin nito makakasama ang namayapang ama.
Sumungaw ang mga luha sa mga mata niya.
" Maganda ang tanawin nuh? Nakakarelax sa utak," sambit ng boss ni Iresh na ikinagulat ng dalaga.
Manapa ay di niya sukat akalain na magtutungo ito rito at sisirain ang moment niya.
"Sir naman, pati ba naman dito,"asik ng dalaga. Akma sanang lalayo ito ng makita na naman na nadoon din ang walong bodyguard sa likuran.
Natampal na naman niya ang kaniyang noo sa nakita. Sa ibang side tumayo si Iresh.
" Anong masama? " tanong ni Frank na sumunod sa kaniya.
" Well, kung kailan ako narito saka naman kayo andito?" maktol nitong sagot.
"Hmmmm... Anyone can go here whenever they want."
"Ewan!"
Pumunta na naman sa kabilang side ng rooftop si Iresh. Ngunit, sinundan siya ni Frank.
"Ano ba?! Free time to. Kaya let me be alone," she shout.
"Are you okay?"
"Yeah"
Bumaling si Frank sa mga bodyguard.
"Kumuha kayo ng coffee at upuan dito. Kahit tirik ang araw at least, the wind is cold.”
"Yes Sir," sabay sabay na sagot ng mga bodyguards.
Bumaba ang apat na lalaki.
" Kayo rin, magsisibabaan na kayo," sabi niya sa mga natira.
Tumango naman ang mga ito. Hudyat na sumasang ayon sila.
Nang makababa ang mga bodyguards ay hinarap niya ang dalaga.
" What happen?"
"Nothing."
"I'm not a bad guy. Sabihin mo na. Is there something bothering you?"
"Wala," nagmamatigas nitong sagot ngunit halata naman sa mukha nito ang bigat ng dinadala.
Walang anu ano'y niyakap siya ni Frank. Hindi naman nag pumiglas si Iresh. Saka doon na bumagsak ang kaniyang mga luha.
Hinagod ni Frank ang likod niya. Pinaparamdam na may karamay siya. Hindi na itinago ni Iresh ang lungkot, bagkos ay iniyak na niya ito.
In Frank arms, she feel the care she's looking for. The security, and comfort zone. Pakiramdam niya ay idinuduyan siya.
Di naglaon ay kumawala siya kay Frank.
"I'm sorry."
"Its okay."
"I'm just thinking about my father."
"What happen to him?"
"He's died."
"I'm sorry."
"Matagal na siyang patay pero namimiss ko siya," aniya. Bagaman di malinaw kung ano klaseng patay ngunit ang tinutukoy ni Iresh ay matagal na itong patay sa puso niya simula noong bata siya.
Hindi na sumagot si Frank. Wala siyang masabi. Cause even him got a traumatic experience when his mother left and got accident.
Pinaburan ni Iresh ang pananahimik ni Frank. Mas gusto niyang pakinggan lang siya. Ayaw niyang magtanong ang boss niya.
Biglang humagulhol si Iresh. Tiningan siya ni Frank saka inilabas ang panyo. Pinunasan ang luha ng dalaga habang nagsusumamo ang mga mata nitong nakatitig sa mga mata niya.
Idinikit ni Frank ang noo niya sa noo ni Iresh na di nanlaban ang dalaga.
Pagkatapos ay isang maingat na halik ang idinampi nito sa dalaga.
Nanlaki ang mga mata ni Ires ngunit hindi ito nakagalaw. Hindi naman nagtagal iyon dahil niyakap siya ulit ng binata.
Nang marinig nila ang mga paparating na guards ay kumawala sila sa isat isa.
Napangiti si Frank habang si Iresh ay naiilang sa nangyari. She couldn't imagine why she don't even react. Ginusto rin ba niya iyon?
Lumapit ang limang body guard na may dalang dalawang kape, dalawang upuan at isang lamesa. Umupo ang dalawa doon na tila nag da-date. Saka nagsi-alisan ang mga iyon.
Nang sila lang dalawa ang nadoon ay lakas loob na nagtanong si Iresh.
"Hey! Bat mo yun ginawa?"
"What?" parang wala lang na sagot ni Frank.
"Yung kanina? Alam mo na may fiancee ka!"
"Patricia? She's not my fiancee. Malapit lang siya sa pamilya namin dahil kababata ko siya. She's like my younger sister but she thinks that I'm her fiancee," paliwanag ni Frank.
"Ahhh kahit na. Di mo dapat ginawa yun," reklamo ulit ng dalaga.
"Hinawakan nalang ni Frank ang ulo ng dalaga saka yun ginulo.
" Bumabalik na naman ang katarayan mo. Naka charge ka na naman ulit. "
"Hindi ako ganung babae!"
"Wala akong sinabi. "
" Don't do that again"
"I like you." Walang kagatol gatol na sabi ni Frank.
Napatigil si Iresh sa sinabi ng amo dahil parang nabingi siya sa part na iyon.
Tinitigan niya ito. Ganun din si Frank. Nagtitigan silang dalawa. Saka na-realize ni Frank kung ano ang pinagsasabi niya. Dinapuan ito ng hiya. Biglaan lang kasi ang pagkakasabi niya.
"Just kidding," bawi niya sa sinabi nito.
Biglang nalungkot ang mukha ni Iresh. She don't know how to react since this is the first time na makaramdam siya ng ganito.
Para siyang nabobo.
"Sa sunday na ang birthday ko. H'wag kang mawawala doon baby." Walang pag aalinlangan niyang sabi kay Iresh saka tumayo at iniwan ang dalaga.
Napaka awkward pero ewan niya. Basta yun na yun. Naiwang nakatiwangwang si Iresh. Bat ata bumilis ang t***k ng puso niya. Hindi niya napaghandaan ang part na yun.
( IRESH POV )
OMG! Why did I allow him to kiss me?! Nagmukha akong cheap or should I say...., EASY TO GET! NO WAY!
Sabay kalampag sa lamesa ko. Wala na ang mga bodyguards na nakalinya kanina dito sa hallway. Buti naman at natauhan si boss. Imposible naman kasi na may kikidnap sa akin dito sa loob.
Inihilamos ko ang aking palad sa sobrang kahihiyan. Sa tuwing naiisip ko ang naganap sa rooftop, para akong binubuhusan ng ice bucket.
I dunno if he's telling the truth or should I say, binola bola lang niya ako. Ehhhhhhrrrtt....!!!
"Of course Iresh, you should consider that as lies. Wala naman dapat akong asahan doon. Youdon't care about him, self okay?!" sambit ko sa aking sarili.
"Is there anything wrong?" tanong sa akin ni kumag na di ko namalayan na nadito na siya ulit sa likuran ko. Nakakainis talaga.
"Yes Sir!"
Ngumiti ito na parang may ipinapaalala sa akin. That sexiest mistake that I haven't done for my past life.
"Ikaw Sir!" asik ko rito.
"Ako? Bakit?"
"Ikaw? Bakit!? Of course, kunti nalang, iisipin ko na kalahi mo ang mga kabute. Sumusulpot nalang bigla bigla. Kainis," walang kagatol gatol kong sabi.
"I mean it," maikli niyang sagot. Tinitigan niya ako sa mata.
"You like the kiss?" ngumiti siya ng nakakaloko na tila inaasar pa ako.
Nasa tabi ko na siya. Nakatayo.
Tumayo rin ako at hinarap siya. Lumapit pa ako ng kaunti. Nakita kong may paparating na nagtatrabaho din doon kaya nangiti ako.
"May paparating Sir." Nguso ko sa mga daraan. Saka ko siya inapakan ng pagkalakas lakas. Idiniin ko ang aking heels.
"Sisigaw ka na kalalaki mong tao?" patutyada ko pa saka nginitian siya ng nakakaluko.
Habang siya ay pigil ang hininga sa sobrang sakit. Hanggang sa nakalampas na ang dalawang babae.
Sakto walang katao-tao kaya hinawakan niya ako sa mga balikat pagkatapos ay isinandal sa pader.
Sige, gusto mo dagdagan ko pa ang halik?
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napapikit ako na nakalukot ang mukha ko.
I hear him chuckle. s**t! Pinagtatawanan niya ako!!!
"You wait for my kiss huh?"
Sa inis ko ay iniuntog ko ang tuhod ko sa kaniyang paglalalaki dahilan upang mapayuko siya at maglulundag sa sakit.
Kasabay din ng pagtuhog ko sa kanya ay ang pagkapunit ng palda ko sa likod.
Stupid ka talaga kahit kailan Iresh?! Ngayon kuwits na kami. Nakita ko siyang naglulundag pa rin siya. Mukhang napuruhan ko nga talaga siya kaya agad ko siyang dinaluhan upang alalayan.
Ipinatong ko ang kamay niya sa balikat ko upang alalayan sana siya.
Nagsalita siya na parang nahihirapan.
"Ms. Di—matibag?" nauutal niyang sabi
"Isang halik mo lang, mawawala na 'to."
Pagkarinig ko sa kaniya ay agad ko siyang tiningnan. Nakangiti na siya sa akin.
Musssseettt!!!!! Gino-good time lang pala niya ako. Di ko na siya pinatulan sa pagkakataon na iyon kasi nagkakandaletse letse lang pag nanlaban pa ako.
Di ko siya pinansin bagkus, inirapan ko lang siya.
"Wait," sabi niya pero di ko siya pinansin.
Naramdaman ko nalang na itinatabing niya ang coat niya sa beywang ko.
Shit! Nakalimutan ko, napunit pala.
"Ihahatid kita later. Para di mo na kailangan mag commute. Lalo na sa kalagayan mo. Kita pa naman ang kulay pink na pa—"
"Sige ituloy mo pa ang sasabihin mo. Ibabaon ko sa ngalangala mo itong ballpen," banta ko.
Nag hands up pa siya na tila pinapahiwatig na suko na siya.
"Basta later, wag ka ng mag motor. Ihahatid nalang kita at ewan mo ulit iyong motor mo. Walang magananasa na kunin yun sa garage since kasama kita," suhestyon niya.
I just nodded. Pumasok na siya sa office.
Naiinis ako. Sobra. Parang ang tanga tanga ko this day like, OMG!
Hindi pa nga kami pero nahalikan na niya ako. At mukhang enjoy na enjoy naman ang walang hiya.
Pero bat di ko siya magawang iwasan gayung, ginaganun niya ako. Haisssst MAG CONCENTRATE KA NGA IRESH!
( FRANK POV )
Natatawa ako na napasalampak sa upuan. Yung mukha niya kanina. Galit na galit pero nangangamatis sa hiya at kilig.
Pero kahit na ganoon, ang kyut pala niya. First time kong humalik ng taong napaka concervative. Obviously, her mother told me that he never experience relationship.
She's preserving herself for the man of her lifetime. And now, I gradually catch her tickles.
I mean it that I like her.
Hindi ko alam kong kailan nagsimula. Hindi ko alam kung paano. Maybe because she's rare. And I know, she's not a kind of woman na pa-immature.
"Ano kaya kung regaluhan ko siya? Yes, I should buy something that she can't resist."
Nangiti ako sa binabalak ko.
***
"Puta yang sekretarya ni Frank," inis na sabi ni Samantha pagkarating sa mansyon nila.
Naghubad na siya saka tumawag sa isang numero. Wala ngayon ang asawa nya. She need someone to talk to.
Nang matapos mag-usap ay muli siyang nagpalit ng damit. Sinadya niyang maging sexy ang dating kanina in a formal way pero she didn't meet Mr. Delfuega. Mahal niya pa rin ito pero sa kabagalan ng panliligaw nito ay si Mr. Uy na ang pinatulan niya.
Kaya ngayon tiba tiba siya sa kayamanan. Pero despite of all the luxury na natatamo niya ay si Frank pa rin ang nilalaman ng puso niya.
Huli na nang malaman niya na pakakasalan pala siya ni Frank. Akala niya, liligawan siya nito dahil sa mutual understanding nila. Pero, higit pa pala doon ang ini-expect niya. Nakabili na ng singsing si Frank pero saka naman naiprepare nng lahat para sa kasal ni Samantha at Mr. Uy.
Hinayang na hinayang siya. Kaya ngayon ay tinitiis niya ang pandidiri sa asawa sa tuwing may mangyayari sa kanila.
Umalis na nga ulit ang babae. Pagkarating sa destinasyon ay agad pumasok sa isang private house.
Pagkapasok pa lang ay dumeretso na ito sa isang kuwarto. Di pa man nakakapagsalita ang lalaki na nasa loob ay sinalubong na ni Samantha ang mga labi nito ng halik.
Tumugon naman si Sandro. Saka pinagsaluhan ang maiinit na halik na gawa ng babae. Pinaligaya nila ang isa't isa.
Matapos ang lahat ay nakasandal na ito sa braso ng lalaki. Bagaman, hindi niya ito mahal subalit alam din niya ang matinding pagnanasa ng lalaki sa kaniya.
Ginagamit lang niya si Sandro Delfuega na pinsan ni Frank Delfuega upang makalikom ng impormasyon tungkol kay Frank.
"Pababagsakin namin ang pinsan ko," paunang sabi ni Sandro.
"Don't worry tutulungan kita pero you need to help me first," ani Sam.
"Ano yun hon?"
"E dispatsa muna natin ang asawa ko," suhistyon ng babae.
Di naman makapaniwala si Sandro sa narinig.
"Why?"
"Para ako na ang humawak sa lahat ng ari-arian niya. Para matulungan din kita sa binabalak mo," pagpapaliwanag ni Sam.
"Good idea," wika ng lalaki saka banayad na hinalikan muli sa mga labi si Sam na di naman tinutulan ng huli.
Umupo si Sandro saka nagsalin ng red wine sa dalawang kopita na nakapatong sa side table.
Nilagok ng dalawa ang kani kanilang wine habang hinihimas ni Sandro ang braso ng babae.
TO BE CONTINUE