CHAPTER 7. THE PLAN OF LUIS

3078 Words
Nagpunta si Tyler sa bundok ng KYELEX MOUNT. Yun ang tawag nila sa bundok kahit hindi naman iyon ang pangalan. Malayo layo na rin ang nai-drive niya nang makarating siya sa makitid na daan. Walang mga kabahayan at malayo sa syudad. Lumiko siya bandang kaliwa at tinahak ang naturang daan. It takes 1hr and 15 mins bago dumating sa isang camp. Madali lang ang daananan doon kahit sabihin pang gubat iyon dahil sadyang ipinaayos bilang kampo ng tito niya. As a mafia leader ay pinaglaanan talaga niya iyon ng oras para sa madaliang transaction. Wala rin naman nagagawi doon dahil exclusive for Jetro Madrigal ang bundok na iyon. Jetro Madrigal is a former mafia leader of an Ox Group. Bumaba si Tyler sa sasakyan ng matanaw nito si Luis na nakikipag espadahan sa katunggali nito. Napangiti pa ang binata ng makita ang kalaban na puno ito ng tadtad at patuloy pa rin namang lumalaban para sa kaniyang buhay. Isa ito sa mga traydor ng grupo. Sa madaling salita, isa pala itong spy. Ngunit, sa gaya ni Luis na boung buhay ay inilaan niya sa grupo ay wala itong magiging takas sa kung sino man a mangtraydor . Dahil na rin sa eksperto na ito sa pagkilatis sa galaw ng kasamahan. In short, mabangis si Luis. Idagdag pa ang kagandahang lalaki nito, malaking katawan na halatang batak dahil sa training at ang sensiridad nito sa kinalkhang buhay. Kaya di nagkamali si Tito Jetro na maging kanang kamay niya ito. Naglupasay na ang lalaki at tila di na kayang tumayo kung kaya, di na pinatagal ni Luis ang ganap. Agad niyang pinutulan ng ulo ang lalaking matagal na sa grupo. Grupo na nagpalinlang sa matatamis na salita mula sa ibang grupo. Mapapasa kaniya daw ang kapangyarihan if mapapabagsak nila ang Ox Group. Si Daniel, mahigit ng isang dekadang sinasamba ang Ox Group. Kung di lang siya nalinlang ng Mambalasik Group ay di na sana niya sinapit ang ganitong kalunos lunos na kalagayan. Walang shocking moment. Sanay rin naman si Tyler sa mga ganitong scene kahit di siya kabilang sa grupo. “Hey, how are you Luis? Mukhang di ka na bored sa lugar na 'to ah,” tanong ng bagong dating. Tinitigan lang ni Luis si Tyler. May bahid man ng dugo ang damit ay lumapit pa rin ito sa kaniya. Amoy agad ang pinaghalong pawis at lansa ng dugo. “Ano na balita sa anak ni Boss?” Agad nitong tanong. “Well, mahihirapan tayo. Lalo na't protektado siya ng Boss niya. Na wrong move ata si Papa for kidnapping her yesternight. Nag trigger yun kay Mr. Delfuega. And now, Lexus is around here. Alam mo din naman ang pang amoy nun. The good news lang ay, they haven't found out who's behind the kidnapping,” paliwanag nito. Tumango lang si Luis saka linampasan na ang lalaki. “Hey, wala ka bang balak na anyayahan akong kumain?” reklamo ni Tyler na bagaman kilala na niya ang ugale nito pero inaasar pa rin niya ang lalaki dahil sa pagiging matigas nito. Hindi siya pinakinggan ng lalaki at binuksan ang isang pintuan ng maliit na bahay. “Ito naman, di pa rin nagbabago. Masyadong seryuso sa buhay,” sabi pa nito sabay sinundan ito sa loob. The place is like a military camp. May mga shooting area ng baril. Mga training na pang sundalo. May nag iisang bahay doon. Ngunit kapansin pansin na walang guards o katao tao rito. Well, in that case, puro CCTV ang nakapaligid kahit saang sulok ng bundok. May mga hidden gun din na isang push lang sa button ay siguradong masasapol sa kung sino man ang mangangahas na manghimasok dito. Sa loob ay pangkaraniwan lang. Ngunit may remote control iyon dahil nasa ground ang mahabang kompanya. Yes, a big company pailalim. Ganun ka classic ang kampo nila. Hindi basta basta. Nang makapasok ang binata ay pumunta siya sa maliit na kuarto. Umaalingawngaw ang buhos ng tubig. Malamang nag sho-shower si Luis. Umupo si Tyler sa kama. “Luis, lets hang out,” pag-aaya pa ni Tyler. Lumabas si Luis mula sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya mula sa beywang. “ Lets go to club. Hayaan mo naman mag enjoy. For sure, pag pipistahan ka ng mga chikababes ang katawan mo. Sayang ang body build mo,” dagdag convince pa nito. Alam kasi niya na di siya naglalalabas. “We should think more plans on how to convince, Ms. Madrigal,” seryuso nitong sabi. “ On weekends na. Saka tayo gumalaw. As of now, mag laylow muna tayo. Just like what I've said before, Lexus and the other bodyguard ay nakabantay kila Iresh. Mahirap na at baka mas matunugan pa tayo. Pakalmahin muna natin ang sitwasyon hanggang makampanti na sila,” paliwanag ulit nito. “ Why weekends?” “ Cause, its Mr. Delfuega's birthday. Big celebration yun kaya bukod sa mawawalan sila ng pangamba ay mawawala rin ang atensyon nila kay Iresh. Pupunta tayo doon to talk to her.” Napatango naman si Luis saka kinampay ang kamay. Seyuso pa rin ito at pinapalabas na ang binata. “ No, I won't go outside unless pumayag ka na magpunta tayo sa club this night,” pagmamatigas nito. Tiningnan siya ng mariin ni Luis na tila galit. Ayaw niya sa binata kahit kababata niya ito dahil sa kakulitan nito. Like him, his hunk. Handsome pero pasaway. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa kayang kontrolin ng papa niya si Tyler. He's such a certified bulakbol guy. Matinik sa chics, panay night parties ang ginagawa nito. Pero ngayon, kahit papaano ay medyo nagkakautak na. Tulad ngayon, nakapag suggest naman siya. Hinawakan ni Luis ang kaniyang tuwalya habang dahan dahang lumalapit kay Tyler. Akma sana niyang ibaba ang tuwalya nang tumayo si Tyler. "Hoy Luis! Hindi ako bading gago!!!!” saka patakbong lumabas. Pagkahulog ng tuwalya sa sahig ay seryuso pa din ang mukha nito. Naka boxers naman ito kung kaya, tinakot lang niya kanina si Tyler. Nagtungo siya sa cabinet nito na kulay black saka kinuha ang isang white shirt at maong na kupas. May kunting sinadyang punit iyon na tila pang fashion . Bumakat sa damit nito ang dibdib. Balak niyang magtungo sa parlor upang ipaayos ang buhok saka ang bigote nito. Knowing that he should look presentable sa darating ngang malaking selebrasyon. Frank's Birthday. Kailangan makuha niya ang anak ng ama amahan niyang si Mr. Jetro Madrigal. Bago ito mamatay mula sa sakit na Lung Cancer ay inihabilin nito sa kaniya ang kaligtasan ng kaniyang anak. Nagbalik siya sa nakaraan kung kailan naghihingalo ang kaniyang ama amahan. *** FLASHBACK “Luis, ipangako mo sa akin na ilalayo mo ang anak ko,” habilin ng amahin. “ Opo, Sir,” mangiyangiyak niyang sagot. “ Hindi dahil sa mamanahin niya kundi tungkol ito sa kaligtasan niya. Nalaman na ng ibang grupo ang tungkol sa anak ko. Siya ang hahawak sa boung kapangyarihan ko. Kayong dalawa. Ngunit, may sasabihin ako—”Huminga muna ng malalalim ang ginoo dahil nahihirapan na ito “ Sir, parating na ang Doktor. You still need to hold on please,” nahulog na ang mga luhang kanina pa nag babadiyang kumawala sa mga matang hindi man lang dinadaluyan ng luha simula ng magbinata ito. “ Isa sa ating kasamahan ang magtatangka sa anak ko upang makuha ang kapangyarihan. Naudlot lang ang pag hahanap ko dahil di ko na kaya. Kung kaya, sayo ko ipagkakatiwala ang lahat pati na ang kaligtasan ng mag-ina ko. May ipapatago ako sayo, at ibigay mo sa anak ko pag nagkita kayo. Bagay na matagal ko ng gustong ibigay simula ng ipinanganak siya ngunit, dahil sa kaniyang ina ay di ako makalapit,” naiyak na rin ang may kaedaran ng lalaki nang muling makita ang imahe ng anak nito sa kaniyang isipan. Tumango si Luis na hindi na pinigilan ang iyak. “Pakisabi rin, na noon pa man, ay binabantayan ko na siya at mahal na mahal ko silang mag-ina,” pagpapatuloy nito. “Pati ikaw Luis, lage mong tatandaan na mahal na mahal din kita — A-anak,” pahabol nito. Di naglaon ay di na gumagalaw ang matanda. Nanlaki ang mata ni Luis saka nag sisigaw. “Doc...!!!!” makailang tawag pa niya rito. Pinulsuhan niya ang nakaratay ngunit, wala na itong pulso. Doon na siya tuluyang napahagulhol. Ang kaisa isang taong itinuring niyang ama ay wala na. Ang taong napulot siya sa kalye ng makita siyang binubogbog ng kapwa binatilyo dahil sa inaagaw sa kaniya ang kaperasong tinapay. Siya ang nagtaboy sa mga bata at kinupkop siya. Naging maganda ang buhay niya dahil dito. Nagkaroon siya ng ama at pamilya dahil kay Sir Jetro. Pinakain, binihisan at pinatuloy sa komportableng bahay. END OF FLASHBACK *** Nagbalik sa huwesyo si Luis saka napaiyak. Hanggang ngayon ay di pa rin siya nakaka move on mula sa pagkawala ng ama amahan. Sa tuwing naiisip niya ito ay di niya mapigilan ang kaniyang mga luha. Pinunasan niya ang mga luhang nagpatakan. Hawak na nito ang litrato nila na magka akbay. Litrato nila noong graduate niya sa kolehiyo. Tumayo siya saka humarap sa vanity area. Inayos ang buhok upang magpunta sa syudad. TUTUPARIN NIYA ANG HABILIN NG AMA AMAHAN. ( IRESH POV ) Palabas na kami ng elevator. Kasama pa rin namin ang batallion ni Boss. Nang makarating na ako sa desk ay inilapag ko na ang aking mga gamit. Pupunta ako sa coffee machine para kay Sir. “Wait Ms. Dimatibag. Pakitimpla rin ang mga bodyguards natin,” sabay kindat nito sa akin. Tumaas ang kabilang kilay ko. Bahagya pang nangingiti ngiti ang mga bodyguards. Nilingon ko sila at agad naman tumingala ang iba sa taas na tila may tinitingnan. Ang ilan ay sa ibang direksyon tumingin. Iniiwasan ang pandidilat ng mga mata ko. “Teka, mag stay ba sila dito? I mean, hanggang dito ba naman? Napakarami nila. Eh maging coffee girl nalang kaya ako!” reklamo ko. “Yes, kaligatasan mo ang pinag uusapan dito,” sagot nito. Akma sana akong sasagot kaso sumibat na si sir, bigla niyang ibinagsak ang pintuan. Wala naman akong magawa. Imbis na magbunganga ay ginawa ko na lamang. Pagkatapos mabigyan ng coffee lahat ay nagtungo naman ako sa loob ng office ni Boss saka inilapag ang kape sa lamesa. "Ms. Dimatibag, kung may darating dito, wag mo ng papasukin kung hindi naman about sa work, okay?” seryuso niyang sabi. “Yes Sir,” maikli kong sagot. As I go out, napansin kong seryuso na siya sa kaniyang ginagawa which is impressive. Base sa mga naririrnig kong feedback, he's kinda worst. Dunno what's the reason pero sa nakikita ko ngayon, nagiging okay na. Napasimangot ako ng tuluyan akong makalabas. Kahit sino naman maiirita pag nakita mo ang walong lalaki na nakahilira sa hallway. Tsk tsk tsk. How can I concentrate on my work. Tumingin sa akin si Lexus ngunit isang matalim na titig lang ang ipinukol ko rito. Bahagya siyang napatikhim saka umayos ng tayo sabay tiger look with 45 degrees. Naka chest out pa 'to. HA! HA! HA! Good boy. Bumalik na ako sa trabaho ko. 10:50 am na nang dumating si Ma' am Patricia. She's wearing a light yellow long dress. She look dazzling on her OTTD. Mukhang nauntog sa sinabi ko last time noong nagpunta siya rito. Habang papalapit siya ay kunot ang noo nito. Seems she's a little bit confuse. Sino ba naman ang di maco-confuse sa dami ng bodyguards. "Hey, Ms. Secretary —" di ko na siya pinatigil. "Ms. Iresh or Dimatibag Ma'am Patricia." Sabay tingin sa kaniya. "Whatever it is. Who the hell care about your namd," nagsisimula na naman ito. "Only illiterate people who doesn't care about the virtue of manners," sagot ko. "WHAT???!!" uminit agad ng ulo nito. "Magtatanong lang ako pero—" "PERO ANO!? IKAW NGA ANG MAGTATANONG, IKAW PA ANG MAY GANANG MAMBASTOS!" Pinutol ko ulit ang pagsasalita nito. Can't blame me. She's younger than me pero di ata alam ang salitang respeto. "Nasaan ang fiancee ko?" "He's inside," sagot ko sa kalmang boses. Akma sana siyang papasok kaso di niya mabuksan ang pintuan. FLASHBACK "Lock the door okay? When its about work, call me first before I decide to let someone get inside,"utos sa akin ni Sir Frank. " Yes Sir," ngiting sabi ko. Nginitian din niya ako. Then he put the earpods on his ears. Ayaw talaga niyang magpa isturbo. So I put the key on my pocket. Pina-lock niya sa akin mismo ang pintuan. END OF FLASHBACK " Bakit hindi to mabuksan?!" baling niya sa akin. "Well, ano ba ang kailangan mo kay Sir sa oras ng trabaho?" tanong ko habang nakatutok sa computer. "I'll talk to him. ABOUT US AND ABOUT THIS GUYS...." "Then talk to him later Ma'am. When its not about work, hindi kayo pwedeng makapasok. Yun po ang bilin niya. You can wait at the the waiting area since 30 mins pa before lunch break. Mukhang wala rin itong alam sa incident yesterday kasi tinatanong nito kung bakit may mga bodyguards dito. " I'm her FIANCEE," diin nito sa huling kataga. "Fiancee s***h distraction,"sagot ko. Nagpupuyos na ito sa galit subalit alam na ata niyang di niya ako kaya. Tinalikuran ako saka nagpunta sa waiting area. Inilabas pa nito ang phone. Mukhang tatawagan ata niya si Sir. Napangisi ako sabay iling. *** "Oh c'mon honey, pick up the phone please," iretabling sabi ni Patricia. Nagriring ang phone subalit hindi iyon sinasagot ng lalaki. Pasalampak itong umupo sa sofa upang antayin nalang ito. Tinitigan niya ng masama si Iresh na abala sa ginagawa. So far, naiinis lang ito dahil sa ugale niya. Hindi naman ito insecure sa itsura nito kaya kampante siya na di siya magugustuhan ni Frank. NOT LIKE HIS PREVIOUS b***h SECRETARY— SAMANTHA. Speaking of Samantha... " Wait, is that she is? " mahina niyang sabi. Sinundan niya ito ng tingin na papalapit kay Iresh. Naningkit ang mata nito sa inis. Medyo malayo siya sa puwesto pero bahagya niyang maririnig kung ano man ang pag-uusapan nila. Lumapit si Samantha sa secretary with her black super duper fit dress na manipis pa. " Ewwwww..." Pandidilat pa ni Patricia. Ipinatong ni Samantha ang dalang brown paper bag na parang pagkain ang laman sa lamesa ni Iresh. " Good morning Ms. — Dimatibag ba yun?", bati ni Samantha na tila nakalimutan si Iresh. "Yes Mrs. Uy," sagot ni Iresh. Napangiti si Patricia sa sagot ni Iresh. Nakatalikod si Samantha banda kay Patricia kung kaya hindi niya nakikita ang babae na kanina pa siya pinandidilatan. Napawi ang plastic na ngiti ni Samantha dahil sa pagtawag niya rito ng Mrs. " Why there are lots of bodyguards here?" pag-iiba niya sa usapan upang humupa ang tensyon na namumuo sa pagitan nila. "Hindi ko alam kay Sir," "Tell your boss na gusto ko siyang kausapin," utos ni Sam kay Iresh. "For what Madame?" "Uhhh samin na 'yun," sagot nito na tila naiinis. "Well, kailangan mo munang sabihin dahil wala siyang gustong papasukin sa office niya. He's too busy," paliwanag ni Iresh. "May ibibigay ako sa kaniya," kulit pa nito. Di na nagsalita si Iresh at tinawagan ang Boss sa telepono. Naiinis naman si Patricia dahil nung siya ay di niya tinawagan si Frank and now? What she's doing? "Hellow Sir?" "Yes Ms. Dimatibag?" sagot ng nasa kabilang linya. "Someone will talk to you. Its Mrs. Uy. May ibibigay daw siya sayo," paliwanag ni Iresh. "Its up to you if papapasukin mo." "Ok," maikling sagot niya saka ibinaba ang telepono. "He said, he's too busy. Work time ngayon kaya trabaho inaatupag niya. Kung gusto mo, antayin mo nalang siya 'till lunch time. ” Napangisi si Patricia sa sinabi ni Iresh kay Samantha. " What? Ok fine," inis nalang niyang sabi. " Maghihitay ka nalang sa waiting area. Nandoon din naman si Ma'am Patricia ," sabi ni Iresh kay Sam. Agad naman napatingin ang babae sa gawi doon sa waiting area. Nakita niyang nakangisi si Patricia. Naisip na ni Samantha na kanina pa ito nakatingin sa kaniya. " No need. I got to go. Mukhang wala nga siyang pinapapasok. Even her FINACEE," pang-iinsulto nito sabay ngisi kay Patricia. Mahina ang pagkakasabi ni Samantha kaya di narinig ni Patricia. She rooled her eyes nang magtama ang kanilang mga mata. Tila ba may silent war sa pagitan nila. Ganoon din si Patricia. "Pakibigay nalang 'to kay Sir Frank mo Paki sabi na akoang nagluto rin niyan" pointing at the brown paper bag. "Ok no problem," maikling sagot ni Iresh. Samantha walk away. Nanghihinayan dahil hindi niya man lang' to nakausap. Nang makalayo na ang babae ay agad naman lumapit si Patricia. "Ano sabi niya sayo?" tanong nito. "Like you, gusto rin makausap si Sir Frank," "For what daw?" "Pinapabigay ang linuto nito," direktang sagot sa bawat tanong. " Hmf, matindi ang isang iyon. May asawa na nga, nanglalandi pa sa iba. After niyang paasaahin si Honey, ngayon babalik balik ang gago," nasambit nalang ni Patricia . Napatingin si Iresh kay Patricia dahil sa narinig ngunit agad niyang ipinagsawalang bahala iyon. " Aantayin ko nalang si hon sa bahay niya. Aalis na ako, " paalam niya kay Iresh." "Ok Ma'am,"maikli niyang sabi. Kita ang inis nito sa mukha. Hindi alam ni Iresh if dahil sa hindi nakausap si Sir Frank or baka dahil kay Samantha. Umalis nga ito tulad ng sabi niya. Sakto naman na kakalabas lang ni Sir Frank. " Lunch time na? " bungad ni Frank kay Iresh. "Yes. By the way, umalis na si Ma'am Patricia and Ma'am Samantha. Mag hihintay nalang daw si Ma'am Patricia sa bahay niyo. Si ma'am Samantha naman ay may ipinabibigay." Iniabot ni Iresh sa lalaki ang paper bag. Tinitigan lang ito ni Frank at di sana kukunin. Napahinga siya ng malalim, Nawala na kasi ang pagkagusto niya sa babae. She's doing it again the way she did when she still working here. Inabot naman niya ito saka binigay sa mga bodyguards. "Lets eat." Anyaya nito sa dalaga. "I have my lunch here. Nagbaon ako," tanggi ng dalaga. Wala naman nang nagawa si sir Frank. Ayaw niyang pilitin ito dahil baka magmukha siyang agresibo. Ewan ba niya kung bakit ang saya niyang makita ang dalaga at sa tuwina'y gusto rin nito makasama. Inutusan niya ang mga bodyguards na magsikain na rin. Habang papalayo si Sir Frank ay nilingon pa nito si Iresh. " THANK YOU." sabi nito sa paraang di naririnig ni Iresh. TO BE COTINUE ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD