CHAPTER 6. IRESH SMILE GENUINELY

2114 Words
Habang nasa biyahe ang dalawa, ay minabuti ni Frank na wag munang tanungin si Iresh patungkol sa nangyari kanina habang hindi pa sila dumarating sa ospital. "Ahhh Sir, iliko niyo nalang ho d'yan," pakiusap ng dalaga. "Why? Hindi d'yan ang direksyon ng ospital," pagtatakang sabi ni Frank. "Iuwi niyo nalang ho ako. Mas makakabuti yun." "But you still in a state of shock kaya we need to go at the hospital," pagkukumbinsi pa nito. "No, I need to go home . Mas mag-aalala ang nanay ko pag nalaman niya ang nangyari. Kung pwede sana, ilihim natin ang tungkol sa nangayri." Wala nang nagawa si Frank kung hindi sundin ang dalaga. "Pag-uusapan natin bukas kung ano ba talaga ang nangyari sayo," wika ni Frank. Tumango tango nalang si Iresh bilang pag sang-ayon. Nagtungo na sila kung saan nakatira si Iresh. Naawa siya sa babae nang makita ang sitwasyon sa lugar nila. Parang pang squater area ang dating nito o baka nga, squater area talaga 'to. Tumigil ang sasakyan sa isang maliit na bahay. Bungalo style na pwede na sa maliit na pamilya. Kulay pink ang pader. Bagaman, maliit pero malinis namam. Sa labas ng bahay ay may aleng naglalaba. Gabundok ang damit na kaniyang nilalabhan. Tumingin sa direksyon ng sasakyan ang ale. Bumaba si Frank sa sasakyan upang pagbuksan si Iresh. Tumayo naman ang ale nang makita ang anak na lulan ng sasakyan. "Aba anak, may dadalhin ka palang bisita eh 'bat di ka nagsabi kaagad?" sabi ng ale na lumapit kina Iresh. "Ma, si Sir Frank Delfuega po, ang boss ko. Sir, ito naman ang ina ko si Nay Rosa." pagpapakilala ng dalaga sa isa't isa. Nagmano si Frank kay Aleng Rosa na ina ni Iresh. "Magandang gabe ho," bati ni Frank. "Magandang gabe din. Aba e napakamagalang naman ng boss mo Iresh. Halika na kayo sa loob," pag anyaya ng ale sa dalawa. Pagkapasok, ay agad pinaupo ang bisita. Malinis ang loob ng libutin ng tingin ni Frank ang kabahayan. Malinis at napakagaan ang ambiance nito. Yung tipong, sa kaaliwalasan nito ay gagaan ang loob mo kahit sobrang stress mo. Huminga ng malalim si Frank at sumandal sa sofa. "D'yan muna kayo at kukuha ako ng juice,"paalam ni Aling Rosa. Nangiti naman ang dalawa bilang tugon. ( FRANK POV ) Magaan ang loob ko while andito ako sa tahanan nila Ms. Dimatibag. Her mother is so caring that I couldn't avoid not to envy with her mom. I lost my mom when he runaway with the other man. Maswerte si Iresh. Bumalik na si Aling Rose saka iniabot sa amin ang isang basong juice. Natural na kahel ang ginawa niya at masarap ito. Napawi ang tuyo kong lalamunan. "Oh anak, ikaw na muna ang bahala sa boss mo at ako'y maghahanda na ng hapunan para sa inyo." "Wag na ho, aalis naman ako kaagad," tutol ko dahil makakaabala lang ako. "Ano ba naman kayo, malas pag di napakain ang bisita ng gabe," katuwiran pa nito. Wala na kaming nagawa kung hindi hayaan nalang ito. "Pasensya ka na sa nanay ko," paumanhin ni Iresh. " Your lucky that you still have your mom," ika ko. Ngumiti nalang siya sa akin. First time ko siyang makita na nginitian niya ako. Sa trabaho, halos araw-araw may gyera sa pagitan namin. Her smiles is so sweet. Looking at her soft side makes me feel unusual. Oo, unusual kasi may iba sa kaniya. Siguro, dahil nakilala ko siya bilang mataray na Dimatibag. Umaamo din pala pag nakikidnap. "By the way, pasensya ka na sa abala," sabi niya na ikina kunot naman ng noo ko. "For what?" "Bukas na natin pag-usapan," sagot niya. Gusto ko uling tanungin ito kaso dumating na ang mama niya. "Anak, halina kayo at ng makakain na kayo." "Sige ho," sagot ko. Masarap ang pagkain na inihain ni Aleng Rosa. Tinolang manok daw iyon at pinainit lang niya. Napaisip ako na ganito pala ang buhay ni Iresh. So simple but peaceful. Yung pag-uwi mo, ma rerelax ang boung kalamnan mo. “Thank you,” sabi niya sa akin nang ihatid niya ako sa labas. “ No worries and I'm sorry.” “ Ha? Why? ” pagtataka niyang tanong sa akin. “ I'm sorry kung kamuntikan ka nang mapahamak ng dahil sa akin,” sagot ko na ikinangiti niya. Her smile is so sweet that I couldn't avoid to stare her kissable lips. “ Wala ka bang balak umuwi?” “Goodbye. See you tomorrow. Susunduin na lang kita bukas,” I smiled at her sabay wink. “ No need. May motor naman ako,” balik taray na naman niya sa akin. “ Motor—” sabi niya na tila may inaalala. “Naiwan ko pala motor ko s**t,” Tampal niya sa kaniyang noo. “ So ... I'll fetch you tomorrow okay? You have no choice at baka mapahamak ka pa,” I chuckled habang lumalabas na naman sa mga mukha nito ang pagkainis. Mukhang normal na ang lahat dahil bumabalik na naman ang katarayan niya. “Okay, " maikli niyang sabi. Umuwi ako sa sarili kong bahay. Tinawagan ko kaagad ang inatasan kong nag imbestiga sa nangyari kay Iresh. Alam ko at may kutob ako na hindi basta basta mga kidnapper yun. Nag ring ang phone ng kabilang linya. Di naglaon ay sinagot din nito ang tawag ko. “ Hellow Mr. Delfuega." “ Hellow, ano na ang nangyare sa imbetigasyon mo Mr. Castro.” “Sir, mga typical na kidnapper lang ho iyon base sa imbetigasyon. Di ho kasi sila fully armed tulad ng sabi niyo , walang bala ang baril. Saka noong ma co-corner na sila ay, doon lamang hinulog si Iresh mula sa Van saka pinaharurot ang sinasakyan upang makatakas. Pero patuloy pa rin namin tinutugis ang gumawa nun Sir,” Mahabang paliwang ng isang Chief of Police na si Mr. Castro. Ibinaba ko na ang phone ko pagkarinig sa statement ni Castro. Bagaman nababagabag pa rin ako subalit, isa yun sa pinagkakatiwalaan kong tao kaya iwinaksi ko nalang sa isipin ko ang pagdududa. Bukas ay magpapadala nalang ako ng bodyguard. *** Sa kabilang banda, balisa ang pulis na si Mr. Castro habang kausap ang isa pang lalaki sa telepono. “Hinding hindi pwedeng malaman ni Frank ang tungkol kay Iresh, maliwanag?” wika ng nasa kabilang linya. “Opo Boss,” sagot ng Chief of Police na si Mr. Catro. Ibinaba na ng nasa kabilang linya ang telepono. Napahinga nalang ng malim ang police. “ Nakakainis pag kinakapitan ka ng makapangyarihan. Sir Frank Delfuego at Sir Tyler Baigon,” nasambit nalang niya sa kaniyang office. Napakamot pa ito sa ulo sa inis. Siya ang pulis pero utos utusan lang siya ng mga makapangyarihang negosyante. ( TYLER POV ) Ibinaba ko ang blackshade ko ng matanaw ang tatlong sasakyan na nagpark sa tapat ng bahay ng pinsan ko. Tukoy ko kay Iresh Dimatibag. Sumilay ang ngiti sa isang sulok ng aking labi ngunit agad din napawi nang bumaba sa sasakyan ang tig aapat na kalalakihan na naka uniform ng black american at may nakasabit pang earphone sa isa nilang tenga. For contact radio ata yun. At sa unahang sasakyan ay si Mr. Delfuega. Napangiti ako ng sarkastiko. Masyado atang naalarma ang isang 'to simula ng makidnap si Iresh. Seems that I need to go at di na pwedeng sundan ang pinsan ko. Mas delikado at baka makahalata pa si Delfuega. Lalo na't alerto ito. Pinaandar ko na ang aking sports car. I need to go at the camp to see Luis. Speaking of Luis who eventually the right hand of my late tito. Siya ang kasalukuyang nag mamanage bilang mafia leader habang wala pa si Iresh. Temporary take over lang iyon. Si Iresh who don't f*****g care about the emperial of his father. Dunno if we're just wasting our time giving a lot of effort just to convince her to acknowledge the heritage from tito. I turn on the car and drive away from this place ( IRESH POV ) “ Anak, bahay ba natin ang binubusinahan?” tanong ni Aleng Rosa. “Teka lang, silipin ko lang ho sa labas,” pagtataka kong sabi. Pagsilip ko sa bintana ay dinig ko rin ang mga beki na nakatambay sa maliit na tindahan ni Aleng Coney. “Grabe ang gwapo naman nila. Ang lalaki pa ng mga dibdib,” kilig na kilig ang mga baklang nakatambay. Napapayuko naman ang walong kalalakihan sa likod ni Sir Frank. Wait! Sir Frank?! “Tinotoo talaga niya na susunduin ako? At may dala pa talagang mga body guard?!” naibulalas ko nalang. “ Anak, yung boss mo. Sinusundo ka?” sabi ni mama na nasa likuran ko na pala. “Umamin ka nga sa akin anak, may relasyon ba kayong dalawa? Ang dami pa talagang body guard ha.” Bahagya pang hinampas ng mama ko ang balikat ko. “ Ma naman, ewan ko diyan,” inis kong sabi. “Uyyyy mga poge, gusto niyo ng agahan? Wampipti lang,” kagat-labi pang sabi ng lider liderang si Anton. Este Anotonia pala. May kakapalan ang make up at morena ang balat. Natatawa nalang ako ng magsalubong ang kilay ng Boss ko na halatang nayayamot. “ Ano ka ba anak! Wala ka bang balak patuluyin siya?” muli pang hampas ni mama. “ Ma naman, kanina pa kayo namumuro huh. Bibig po ginagalaw hindi kamay,” inis kong sabi. “ Iresssshhhh Ireshhhh... May bisita ka,” tawag ng pamilyar na boses mula sa labas. Ang matalik kong kaibigang si Georgia. Georgia, my bestfriend. She's working as a Guest Relationship Officer o mas kilala sa tawag na (GRO) sa isang kilalang bar. Been a week when her devoted customer took her for a vacation at Boracay na ikinatuwa ng gaga. She's beautiful but her humorous attitude ang nag uumapaw sa katauhan niya. She's real. Makapal mag make up at kulang sa tela kung manamit. Typical na GRO. Despite of her job, I still treat her as my sister. Actually siya lang ang malapit kong kaibigan. “HOY! Ang lalim lalim na naman ng iniisip mo,” panggugulat sa akin ni Georgia na hindi ko namalayan na nakalapit na sa akin dahil sa pagbabalik tanaw ko. “Gia!!! Ahhhhh buti dumating ka,” tili ko pa ng mag sink in sa utak ko na narito na talaga siya sa harapan ko. Nag akapan kami habang palundag lundag. “Ahemm,” tumikhim si Sir Frank. “Almost 7 na Ms. Dimatibag,” sabi niya sa akin.. “Pinapasok ko na siya dahil hindi niyo pinagbuksan e pinapapak na sila ng tingin ng mga bekigirls doon,” ika ni Georgia. “Sorry Sir,” nasabi ko nalang. Ipinakilala ko kay boss ang kaibigan ko. Nang magkakilala na ang dalawa ay binitbit ko na agad ang aking bag. Nang makalabas kami sa bahay ay nakatingin sa amin ang mga kapitbahay. Haiiisss mga marites talaga. “Teka, bat masyadong maraming bodyguard? ” tanong ko. “Di na puwedeng maulit ang nangyari kahapon,” sabi niya sabay pinaandar ang makina. Naiilang ako sa totoo lang pero wrong timing eh. Nung makarating kami sa company ay nakatingin sa amin ang ibang empleyado. Ikaw ba naman na may kasunod na walong bodyguards. “Boss, mauna nalang ho kayo,” pakiusap ko. Pero hinawakan niya ang braso ko na hindi man lang umiimik. Mamaya, pag kami lang, kahit boss ko pa 'to sesermunan ko talaga siya. Mas matindi pa pala' to sa nanay ko. Si nanay, kakausapin ko siya mamayang gabe tungkol kay Papa. Bigla akong nakaramdam ng kakulangan sa aking pagkatao dahil sa iba pang nalaman galing kay Mr. Baigon. “Are you okay?” biglang puna ni Sir Frank. Tinabig ko ang kamay niya na nakahawak sa akin. Walang katao tao sa elevetor kung kayat kami na nagsisiksikan doon. Para kaming bulto ng makikipag riot. “Ano 'to? Overprotective?” pag-iiba ko. “Responsibilidad kita kaya, pag may mangyari sayo —” napatigil siya. “Ano?” “Basta, sumunod ka nalang. Ako ang boss mo,” sabi pa nito. Nakakainis talaga. Nakita ko sa repleksyon ng elevator ang mga bodyguard na bahagya pang nangingiti. Pinipigilan lang. “May nakakatawa ba Lexus?” sabi ni Frank sa isang bodyguard. Napuna rin pala niya ang pagpipigil ng ngiti ng mga bodyguard. “Ahhh Sir, ahmmm wala naman po, para po kasi kayong mag jowa,” nag-aalangang sagot pa nung tinawag na Lexus. Mukhang ka close niya ang isang to. “ Manahimik ka na,” nairitang sabi ni Sir Frank. Inirapan ko naman sila. Pero, iba ata tong mga nakuhang bodyguard ni boss. Nagsisikuhan pa sila. Tila natutuwa sa eksenang nasasaksihan nila sa amin ni Sir Frank TO BE CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD