bc

Sana'y Di Nalang (tagalog )

book_age12+
5
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
arrogant
goodgirl
drama
comedy
sweet
mxb
lighthearted
gorgeous
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

SOFT and Familiar music rang as she stood of the closed gigantic door. Kinakabahan na siya kahit hindi pa niya nakikita ang loob ng simbahan. She knew what was coming, and every minute, She doubted if her decision was right. Was this fair and just? She knew the answer was no. but she couldn't do anything about it. She was trapped.

As she felt the light hand touching her elbow, she looked down at her father on his wheelchair, still weak but a bright smile was still painted on half of his face. Alam niyang masaya ito para sa kanya. Masaya ang kanyang ama dahil iniisip nitong natagpuan na niya ang kanyang kaligayahan. Ngunit hindi siya sigurado.

Alam niyang hindi pa niyang iyon masasagot sa ngayon. Dahil sa pinasok niyang g**o ay maraming uncertainties na gumugulo sa kanya.

"kinakabahan ka ba, anak?"

She bite her lips as the faced her father. Once she did, she had the argue to make things right. To tell him what she had done, to tell him the truth. But as she gazed at his father's blissful eyes, she was lost. Surely, no daugther should take away the happiness of one's father?

Ano ba itong napasukan ko? Hindi ko kakayanin kung aatakihin ka ulit sa puso,

Papa. I'm so sorry... but I did this to pay...

Bumuntong-hininga siya. "T-tayo na, Pa."

He beamed and the nurse behind his wheelchair gently pushed the wheel. As if on cue, the big oak door opened. The people in the church looked at her direction, searching and looking at the bride-to-be. One by one the people in front of her walked, but she didn't really see them stand back, she only saw them giving way to her new world of uncertainties.

Napalunok siya nang makita ang mga bisita. Ngunit karamihan sa mga naroon ay hindi niya kilala, dahilan para lalo siyang kabahan. Ngunit sa gitna ng kanyang kaba ay may naramdaman siyang kakaib. Tila may magnetong humihila sa kanyang mga mata upang tumingin sa harap niya.

She gasped as she saw her groom. Yes her groom ang kaninang nakakatakot na musika ng "Here comes the Bride" ay tila nanging isang mahika . Ngayon, habang marahan siyang naglalakad sa pulang carpet na nalalatagan ng pink na petals ng rosas ay natagpuan niya ang sariling ngumingiti. Hindi siya sigurado kung dahil sa ganda ng kanyang kasal o dahil sa guwapong lalaking nasa harap niya.

It felt like years before she reached where he was before he reached for her hand. And yet she didn't mind the long walk, it was as if she was content with just looking at his handsome face.

He lifted the side of his mouth ang she prevented herself from gasping.

The panic came.

Ano ba itong napasukan niya? Makakalabas pa kaya siyang walang kulang sa kanya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
Napangiwi si crystal nang marinig ang tilian ng mga kasamahan sa trabaho. Dahil wala pang customer ay malayang nakakapagtsismisan ang mga staff sa maliit na department store na kanyang pinapasukan. Sa isang palapag ng lumang department store ay sampu silang staff kabilang na ang cashiers. Isa siya sa tumatayong saleslady roon. Dahil first year college lang ang inabot niya ay nahirapan siyang maghanap ng trabaho. Sa katunayan ay suwerte nang maituturing na natanggap siya sa mini department store na iyon.Hindi man kalakihan ay sapat naman ang kinikita niya para sa amang imbalido at sa kapatid na nag-aaral. Nang araw na mamatay ang kanilang ina sa isang aksidente siyam na taon na ang nakakaraan ay inatake sa puso ang kanilang ama dahilan para maimbalido at hindi na makapagtrabaho. Noong una ay kinakaya pa ni crystal na mag-working student ngunit nahihinto rin siya sa kakulangan ng pambayad sa matrikula. Beinto-otso na siya nang tumuntong ng unang taon sa kolehiyo sa kursong Business Management. Ngunit hindi pa man natatapos ang unang semestre ay kinailangan na niyang huminto sa pag-aaral at piliing pag-aralin na lang ang kapatid at tustusan ang pagpapagamot ng ama. kahit na limang taon ang agwat ng edad nila ng nakakabatang kapatid ay tanggap ni crystal na mas matalino ito sa kanya, at aminado siyang mas mapapadali ang lahat kung pag-aaralin na muna niya ito. Tumutol man ang ama at si jerry ay hindi niya pinakinggan ang mga ito. Mas minabuti niyang sundin ang sa tingin niya ay tama. Responsibildad na niya ang pamilya dahil siya ang pinakamatandang maaring kumayod para sa ama at kapatid. Limang taon na rin ang nakalilipas mula nang akuin ni crystal ang responsibilidad na iyon. Graduating na ang sholar nitang kapatid ngayong taon sa kursong hotel and Restaurant management. Mabuti na lang at kahit na hirap na hirap siya sa buhay ay may nakilala siyang mapagsasabihan ng layunin niya sa buhay. Mabuti na lang at natagpuan niya ang kasintahang si angelo, na kahit magkaibang-magkaiba ang estado nila sa buhay ay nagawa pa rin nilang magmahalan. Steady at stable ang relasyon nila ng kasintahan. Hindi naman kataka-raka iyon, lalo na at tatlong taon na sila Kahit na nga hindi gaanong kilala ni crystal ang mundo ni angelo ay ayos lang sa kanya. Masaya na siyang may mundo itong ibinabahagi sa kanya. Isa pa ay hindi pa siya handang makisama sa marangyang buhay nito. Naputol ang pagbabalik-tanaw ni crystal nang muling tumili ang mga kasamahan. Napukaw ang kuryosidad niya at lumapit sa umpukan na naroon. "Ano'ng meron?" Nilingon siya ni lira-ang naging matalik niyang kaibigan sa loob ng limang taon. Pariho silang hindi nakatapos ng pag-aaral at parehong mataas ang pangarap sa buhay. "Ang guguwapo ng mga lalaki, mayayamanpa pa. Gusto mong makisilip?" Ngumiti lang si crystal. Nang magtama ang mga mata nila ni lira ay kapwa sila nagkaintindihan. Ngunit dahil napansin niyang napabaling sa kanya ang mga kasamahan ay nagpaliwanag siya pagkatapos umiling. "Hindi ko na kailangan niyan. Mayroon na "kong angelo. Hindi man siguro ksingyaman ni angelo ang mga naririyan, okay lang At least, si angelo, abot ko, 'yang mga naririyan may sariling circle. Imposibleng maabot," Nagsipag-angalan ang kanyang mga kasamahan. Kapwa tuloy sila natawa ni lira. "Nega ka talaga, friend," sabi ni lira saka ibinigay kay crystal ang masazine. "Makitingin ka na rin kasi. Malay mo , madaanan mo ang isa sa kanila, ikuha mo ako ng autograph,okay? Lalo na sa lalaking ito," Napansin na lang ni crystal habang napailing-iling Ngunit dahil kilala na siya ang kaibigan ay sinakyan na lang niya ang trip nito. Lumawak ang ngisi niya nang makita ang tinuturo ni lira. "Roostico chorostecki . Parang Russian ang pangalan. Guwapo, malinis, at..." Sadyang ibinitin niya ang sinasabi bago iniangat ang paningin sa kaibigan na hinihintay ang susunod niyang sasabihin "Mukhang bading." Ngunit siyempre, hindi totoong mukhang bading ang nasa larawan. Biro lang niya iyon dahil gusto niyang makita ang reaksiyon ng kaibigan. Napahalakhak siya nang mabura ang ngiti sa mga labi ni lira at mapalitan ng simangot. "Por que may love life ka lang. Ito, tingnan mo para magulo naman ang love life mo. Isa siya sa pinakamayaman ngayon sa bansa, heir ng Myler's Empire na orihinal na nakabase sa Canada. Siya rin ang may hawak ng main office na nakatayo na ngayon dito sa Pilipinas, at alam kong type mo ang mga ganoong hitsura." Natatawa pa ring sinundan ng tingin ni crystal ang itinuro ni lira. Ganoon na lang ang kayang pagnganga sa nabungaran. It was just a picture, yet, it uad its appeal As if the picture was not just a picture, but a projection of the man himeslf. The gorgeous man staring-no, glaring-at her was her ideal man. Before she met angelo. Napahiya siya sa sarili nang maalala ang kasintahan. Napailing-iling na lang siya. "I'II always be loyal to my boyfriend." And she knew she kept the words in her heart. NAPAHAGULHUL na sa bisig ng kaibigan si crystal nang dumating si lira. Sanakalipas na dalawang oras ay noon lang sumabog ang kanyang damdamin. "Ano'ng nangyari? Nakatanggap aq ng mensahe sa'yo naririto sa ospital ang pamilya mo. Shh.... hindi ka nag-iisa, naririto ako," "Kararating ko lang sa bahay, Lira. 'T-tapos... ang dilim ng bahay, alam ko na agad na may kakaiba. alam mo naman si Papa, hindi ba? 'D-di siya matutulog hangga't wala ako sa bahay. T-tapos s-sinabi ng kapitbahay namin na kanina pa ako kino-contact ni Papa. Naiwan ko ang cell phone ko, L-Lira! Ang t-tanga ko. Tatlong oras... 'yon ang nabasa ko... inatake na raw si Papa. Nang makita ko 'yon, g-gusto kong matutong magmura. Ano ba itong pagsubok na ito? Bakit ngayon pa? Bakit hindi na nagsawang magbigay ng pagsubok ang D-Diyos? 'T-tapos, si jerry ang kapatid ko... kailangan pang maisalang sa kung ano-anong test H-hindi ko alam kung dapat ba among magpasalamat sa lasing na driver na bumangga kay jerry. Dinala niya nga si jerry sa ospital pero i-iniwan din niya. Hindi siya n-nag-iwan ng pambayad. Alam mong mahirap lang kami, Lira. San ko kukunin ang pang-downpayment? kulang na kulang ang ipon ko. Alam mo ba ang pakiramdam ko? Hindi ko gustong mawala sila sa 'kin, Lira. Ayoko...h-hindi ko kaya.? Nakagat ni crystal ang ibabang labi para pigilan ang sariling mas lumakas ang paghagulhul. Nagpadala na siya ng mensahe sa katipan ngunit wala siyang nakuhang sagot mula rito. Ngunit wala siyang balak sabihin iyon sa kaibigan. Alam niyang kailanman ay hindi nito nakasundo ang kanyang kasintahan. "Hindi ko puwedeng iwan ang pamilya ko hangga't hindi ako siguradong ayos lang sila." "Pero ayos na ba ang pambayad mo sa kanila? Hindi sila tatakbo sa ospital, at sigurado akong ginagawa ng, mga doctor ang lahat ng makakaya nila. Pero hindi nila magawa ang lahat ng kapag hindi ka nakabayad. Alam nating pareho kung gaano kalupit ang mundo kung pera ang pag-uusapan. Kailangan mo ng pera ." "Pero... "Kung ayaw mong tawagan si angelo, kahit puntahan mo na lang siya." Napatitig si crystal sa mga mata ng matalik na kaibigan. Mababanaag ang matinding pag-aalala na masasalamin sa mga mata ni Lira. Bumuntong-hininga si crystal. "P-puntahan ko siya. P-pero walang m-magbabantay kina papa... "Ako na bahala. Pagkatapos ay magpasama ka na rin kay angelo para kumuha kayo ng mga gamit.Ako ang bahalang magsabi sa supervisor natin na hindi tayo makakapasok. Siguradong maiintindihan naman nila. Wendnesday naman bukas at mild lang ang dami ngmga customer." "S-salamat Lira." Niyakap siya nang mahigpit ni Lira. " kaibigan kita crystal." And she was so happy Lira was on of her few friends NAHIHILO man si crystal ay dumeretso pa rin siya sa kanyang destinasyon. Mabuti na lang at may mga sasakyan pa. Mahirap kasing puntahan ang kasintahan niya, lalo na at wala siyang sasakyan. Hindi naman niya iyon napapansin dati dahil parati siyang hatid-sundo ng kasintahan. Humungot ng hininga si crystal nang makababa sa tapat ng exclusive subdivision na tinitirgan ni angelo. Parang gusto niyang panghinaan ng loob nang masusi siyang pinagmasdan ng mga guwardiya. Ang tingin ng mga ito ay sapat na upang masabing hindi siya basta-basta papapasukin. Sino nga ba naman ang hahayaan siyang basta na lang pumasok? Sigurado si crystal na nakakatakot na ang hitsura niya dahil sa kakaiyak. Ni hindi na nga niya matandaan kung anong oras siya huling nagsuklay. Walang bahod ng ano mang kolorete ang kanyang mukha, upang kahit paano ay magmukha siyang kagalang-galang "M-manong, N-nandiyan po si ... ai angelo kabigting?" "Naku, sorry , Ma'am. Wala na po rito si Sir. Kanina pa pong hapon lumabas si Sir angelo. Hindi pa po siya bumabalik at minsan na lang din pi siyang umuwi dito." Agad na nanlumo si Ava. Nakita niya ang katotohanan sa mga mata ng guwardiya. Umatras siya. "S-sige t-tatawawagan ko na lang siya. S-salamat." THE TALL, dark, and handsome man entered the noisy room, oblivious ro the admiring looks he got. And as he did enter, ge immediately felt the need to cringe. He hated noise and uncaring people. Hell, he just hated people. But that didn't stop him from meeting some. There were still a few people who had successfully maintained his respect. At ang mga iyon ang kanyang kakatagpuin ngayon. "Hey, right on time, as usual, dred . How's the Operation: Finding Wife' plan?" Nilingon ni dred ang tumapik sa kanyang balikat. His silent dark brown eyes found his friend's bright green eyes. "And you're unusually early, Lion. I didn't even think you could make it," he formally declared as he tapped his friend back. Ngumisi si Lion. "Nakakasawang magpakasasa sa fans ko." Arrogant as ever." Tinalikuran ito ni dred at hinanap ng mga mata ang iba pang kaibigan. Namataan niya ang isa sa mga ito, si mhine . Nagtama ang kanilang mga mata, kapwa nagpakawala ng pormal na ngiti sa isat-isa "Geez, and you're stiff as ever," Hindi man nakikita ni Dred ang mukha ni Lion ay nasisiguro niyang nakangisi ito. Ganoon si lion, hindi yata mapakali kapag hindi nakangiti. He ignored him and greeted mhine. "Yo, nasaan ang iba?" Gustong mapaungol ni Dred nang umiling si Mhine. Ngunit hindi niya ginawa, he kept his dignity. Umupo siya kasunod ni Lion. He knew they looked out of place in that noisy venue; they all had an air of authority, so to speak. "Busy. so, how's the search? any prospect?" "Yeah, man. Hindi birong maghanap ng asawa. if you would only heed my advice, then I'm telling you not to marry." "Hell, right. I don't want to marry ..." Kapwa natahimik sina lion t mhine sa kanyang sinabi. Bumuntong-hinginga si Dred. Mabuti na lang at may kaibigan siyang katulad ng mga ito. Naiintindihan siya kahit na nga hindi siya palasalita . "If only my mom..." "She only has half a year to live, Dred ," Mhine stated matter-of-fact, his chinky eyes observing him closely. Nagtagis ang mga bagang ni Dred. Alam nilang lahat na gusto lang ng kanyang ina na bumalik siya sa dati. But he didn't want that. Ayaw na niyang maging mahina. Isang lalaking nagawang paikutin sa palad. Isang lalaking naging tanga dahil sa pangarap. Why the hell did his mother want him back like that? Kahit sabihin ng kanyang ina na hindi lahat ng babae ay sasaktan at paglalaruan siya, na hindi lahat ng babaeng pakakasalan niya ay lolokohin siya. Ngunit sa kabila niyon ay hindi na niya kayang maniwala. He had experienced enough pain to last him a lifetime. Ngunit ano ba ang laban niya sa death wish ng kanyang ina? Kahit ayaw niya ang gusto nitong mangyari ay hindi niya kayang bigyan pa ito ng disappointment. Dahil wala siyang balak masaktan uli kaya siya nakabuo ng plano-sa tulong na rin ng kanyang mga kaibigan-na mag-hanap ng babaeng pa-payag sa marriage of convenience. Of course kasama roon ang annulment. Lion tried lightening the mood. "Good thing may-roon nang marriage of convenience. So, meron na bang pumapayag?" Muling bumalik ang ngisi nito. Pakiramdam tuloy niya ay iniisip ni Lion na isang laro ang kanyang problema. "I need rock to talk about the prenup," tukoy ni Dred sa isa pa nilang kaibigan. "I want it written so I can show it up to my prospect, Mitch. Damn, if only I had a choice." kapwa may simpatya sa mga mata ng kaibigan nang lingunin si Dred. Lion turned to the waiter and gave an order, "Bottle of whiskey, calamares, and sisig," Nang umalis na ang waiter ay hinarap siya nito. "Let's forget our problem niyon ay ngumisi ito. Napaungol si Dred nang titigan siya ni Mhine na tila hinihintay ang kanyang reaksiyon. Forget the damn dignity! For Christ's sake, they've been your friends for almost half your life. "I won't get too drunk. I need to drive," he said firmly. But he too knew that he needed this drink.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook