bc

Immortal Destroyer: Upheaval [Volume 2]

book_age4+
107
FOLLOW
1K
READ
dark
independent
no-couple
mystery
demon
male lead
magical world
war
like
intro-logo
Blurb

"Paano mo naman nasabing matutulungan nila ako? Pag ako binibiro mo ng ganyan Binibini ay baka umasa lang ako sa wala. Maraming buhay ang mawawala kung sakaling mangyari ang hindi namin inaasahang pangyayaring kinatatakutan namin mangyari." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang tila pinapaalalahanan ang magandang babaeng nasa harapan.

"O siya, oo na. Wag na tayong magpaligoy-ligoy pa dito. Gusto ko pa namang makipag-usap tayo ng matagal dito pero mukahng nagmamadali ka ata pero naiintindihan ko naman ang kasalukuyan mong sitwasyon na hindi kaaya-aya para dumaldal ako." Sambit ng magandang babaeng habang nakangiti pa ito

Tila napanguso naman ang batang lalaking si Li Xiaolong at muling nagwika.

"Hindi pa ba pagdadaldal yung ginawa mo kanina. Napansin ko ngang napakatagal nating mag-usap Binibini pero sabihin mo na yung naiisip mong solusyon at sa susunod na tayo magdaldal ng magdaldal. Pakiramdam ko kasi ay nauubusan na ako ng oras sa ngayon at anytime ay baka sumiglab ang gulong babagsak sa buong lugar ng Green Valley." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang tila ba hindi magiging madali ang lahat para sa kaniya lalo na at hindi Basta-basta lamang na g**o ito. Mabuti sana kung sa ibang lugar sa Sky Flame Kingdom pero sila ang naunang pinupuntirya ng nasabinf kahariang kinabibilangan nila. Masakit man isipin at tila mukhang halatang desperado siyang makaligtas ang Green Valley ay masasabi niyang okay na rin ito.

"Okay, sinabi mo yan ah. Deal na natin iyan tsaka siguradong magugustuhan mo ang aking surpresa sa iyo." Sambit ng magandang babaeng nakangiting nakatingin sa direksyon ng batang lalaking si Li Xiaolong.

"Hmmm... Ano naman iyon?!" Sambit ng batnag lalaking si Li Xiaolong habang makikitang tila naningkit ang mata nito sa sinabing ito ng magandang babaeng nasa harapan niya. Masasabi niyang tila mayroon itong maitim na binabalak?!"

Tila napasimangot naman bigla ang magandang babaeng matamang nakatingin sa batang lalaking si Li Xiaolong.

"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan batang Xiaolong as if naman na isa akong masamang tao este masamang nilalang na isang munting kaluluwang nakareside sa lugar na ito." Sambit ng magandang babaeng walang pangalan habang tila hindi pa rin matanggal ang pagkasimangot sa pagmumukha nito.

"Weh, sigurado ka ba sa sinasabi mo? So, ano nga ba ang sinasabi mong surpresa o kung anumang naisip mong solusyon sa problema kong ito?!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang tila hindi ito kumbinsido sa sinasabi ng magandang babaeng nasa hindi kalayuan mula sa kaniyang kinaroroonan. It's no doubt na mahirap ang gagawin niyang ito.

"Oo nga, ang kulit mong bubwit ka. Ang naisip kong surpesa o solusyon o kung ano pang katawagan ang maisip mo ay ang pag-absorb ng Soul Fragments ng Remnant Soul dito. It is wonderful idea right?!" Nakangiting asong sambit ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Tila ba mayroon itong naiisip na kalokohan.

Mistulang napangiwi naman ang batang lalaking si Li Xiaolong. Hindi na siya magugulat sa sasabihing ito ng magandang babaeng nasa harapan niya. Yung tipong kung hindi lang bawal pumatay ng magandang babaeng nasa harapan niya na walang pangalan na ito ay matagal niya ng ginawa. Napakawalang hiya kasi nito at alam niyang mahilig magpahirap ang magandang babaeng ito. There's no way na maaawa ito sa kaniya at ibibigay na lamang ang gusto niya. Paano niya nasabi? Just rewinding their first conversation kani-kanina lamang ay halos mag-alburuto na sa inis ang babaeng ito sa kaniya.

Bored naman siyang tiningnan ng batang lalaking si Li Xiaolong habang mabilis din itong nagwika.

"Remnant Soul? Mukha bang makakaya kong gawin iyon?! Di ko nga alam kung paano ko makakamit ang Soul Fragments na naglalaman ng ilan sa mga alaala nito." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang tila ba hindi siya makapaniwala sa sinasabing ito ng magandang babaeng nasa hindi kalayuan mula sa kaniyang kinaroroonan.

Imbes na malungkot ang ekspresyon ng dailagang nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong ay tila ba mas lumawak pa ang ngiting nakapaskil sa nagpupulahang mga labi nito.

"Mas maganda nga iyon eh. Matutunan mo lamang ang pag-absorb ng soul fragments kapag naranasan mo na talaga ito ng actual. Isa pa ay nakabase naman ang iyong paghigop sa enerhiya ng nasabing remnant soul na ito kung gaano kalakas ang will mo." Sambit ng magandang babae habang nakangiti pa ito. Tila ba nasisiyahan siya sa ekspresyong ipinapakita ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong.

Tila hindi naman maipinta ang pagmumukha ng batang lalaking si Li Xiaolong nang marinig niya ang mga katagang binitawan sa kaniya ng magandang babaeng nasa harapan niya.

"Wala na bang ibang solusyon magandang Binibini? Yung mas safe naman at reliable? Pwede bang bigyan mo nalang ako ng alternative na solusyon?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong na tila ba nag-aalangan ang tono ng boses nito. Masasabing tila...

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Tila napasimangot naman ang batang lalaking si Li Xiaolong sa sinabing ito ng magandang babaeng nasa harapan niya. Pero nang maisip niya at maabsorb ang lahat ng impormasyong sinabi nito ay nagmi-make sense naman ito lalo na at tila mayroon mga bagay siyang nakaligtaan. Una, sino lang ba ang Xiantian Realm Expert sa Green Valley, Siya lamang at ang natitirang mga buhay pa na Clan Chiefs sa karatig-angkan nila ang maaaring maging pag-asa ng angkan ng Green Valley ngunit wala pa rin silang binatbat sa mismong kaharian ng Sky Flame Kingdom o sa mga galamay ng mga itong namumugaran sa iba't-ibang parte ng lugar na sakop ng nasabing kaharian. "Oo na Binibini, aaminin kong medyo overconfident ako sa lakas ko pero I know na hindi ko kaya ang nakatagong napakalakas na pwersang meron ang kaharian ng Sky Flame Kingdom pero naniniwala akong balang araw ay makakaya ko silang tapatan at wasakin kung saka-sakali pero naisip ko lang ay kailangan kong maging matatag dahil alam kong malabo pa sa malabo na makakaya namin ang nasabing kaharian ng Sky Flame Kingdom kung sakaling mangyari ang kinatatakutan ko o namin. Aaminin kong mali ang pag-underestimate ko sa mga ito lalo na at akala ko lamang ay pinakamataas na ang Xiantian Realm o Blood Warrior Realm na lebel ng Cultivation sa apat na kaharian o sa lungsod ng Dou City pero hindi mo naman masisisi sa akin o sa amin yung kung mahina kami dahil palagi na lamang kaming nasa ilalim, walang hustisya o kakayahang umunlad ng sarili lamang namin ng walang hadlang." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong. Alam niyang may punto naman ang sinasabi ng magandang babaeng nasa harapan lamang niya ngunit tila may dating sa kaniya na parang tingin niya ay napakaliit niya o nila. Ito lang kasi ang unang nagsabi sa kaniya ng masakit na salita este pangalawa pala. Alam niyang masakit magsalita ang nagsasalitang quoll na si Fai pero mas brutal at vulgar pala magsalita ang magandang babaeng nasa harapan niya na siyang nakakaramdam siya ng panliliit sa kaniyang sarili. It is really a huge blow para sa kaniya lalo na at wala naman talaga siya o silang makakapitan. "So kasalanan ko? Kasalanan pala namin? Dapat na sisihin niyo ang mga sarili niyo at ireflect ko saan kayo nagkulang o ikaw. To be exact with, sisihin niyo ang mga ancestors niyo hindi yung parang kasalanan ko pa. Hindi pa nga yan mas masakit bata na sasabihin ko sa'yo nor I will change my attitude towards you. Masakit man ako magsalita just so you to learn. Hindi ito ang lugar na bagay para sa mga mahihinang nilalang bata. Kung talagang sumusuko ka na at hindi mo matanggap yung sasabihin ko sa'yo, ngayon pa lang ay wag kang magcultivate o maging martial artists. Hayaan mo nalang na mamatay ang mga mahal mo sa buhay o ang mga inosenteng buhay ng mga nilalang na sa angkan niyo o sa Green Valley. In fact, I can't help you physically, parang kasalanan ko pa kong may mamamatay sa inyo o mawawasak ang ngal ugar sa Green Valley na sinasabi mo. Hindi mo ako kalaban batang Xiaolong kaya wag mo kong madamay-damay sa kapangahasan ng sinasabi mong Sky Flame Kingdom!" Seryosong sambit ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Makikitaan sa tono ng pananalita nito ang labis na pagkainis sa sinabi Ng batang lalaking si Li Xiaolong. Tila nanlaki naman ang pares na mata ng batang lalaking si Li Xiaolong at napayuko na lamang ito all throughout sa sinasabi ng magandang babaeng nasa harapan niya. "Pasensya na magandang Binibini, hindi ko sadya ang sinasabi ko lalo na at na-misinterpret mo ang mga sinalita ko. Aaminin kong medyo lumapas ako pero ayoko lang masira ang buong Green Valley at ayokong tumigil sa pagiging Martial Artists. Tinahak ko ang daan ng Cultivation hindi lamang para sa sarili kundi para na rin sa mga nilalang na mahalaga sa akin." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong na nasa mahinang boses ito. Mapapansin na nagsisisi ito sa kaniyang sinabi. "Hmmmp! Iba kasi ang dating ng sinabi mo. I know na hindi angkop sa edad mo ang problemang dapat na sana ya hindi mo poproblemahin kaso lamang ay apektado na ang lahat. Kung pagpaslang o pagpigil sa kalaban ang nais mo batang Xiaolong ay hindi kita matutulungan diyan dahil kahit sarili ko ay hindi ko matulungan pero naaalala mo ba ang sinabi ko sa'yo kung ano ang pinakapangunahing katangian ang nais taglayin ng isang nilalang sa mundong ito para patuloy na mag-exist?!" Malumanay na sambit ng magandang babaeng nasa harapan lamang ng batang lalaking si Li Xiaolong ilang dipa lamang ang layo nito mula sa kaniya. May sama man siya ng loob o inis ay ayaw niyang ipairal ito lalo na at nasa kritikal na sitwasyon ang batang lalaking si Li Xiaolong. "Oo naman po magandang Binibini. Ang abilidad na makaligtas o Survivability." Masiglang saad ng Batang lalaking si Li Xiaolong habang nakatingin sa magandang dalagang nasa harapan niya. Tila na-compose niya ang kaniyang sarili. Kahit ramdam niyang di pa sila bati nito ay alam niyang may mabuting hangarin at puso ang magandang babaeng nasa harapan niya na nais siyang tulungan nito. "Tama, mabuti at nakikinig ka sa akin ng mabuti. Akala ko ay pinalabas mo lang ito sa magkabilang tenga mo." Sambit ng magandang babae habang nakangiti ito na parang nag-aasar. Namula naman sa hiya ang batang lalaking si Li Xiaolong sa narinig njyang iwinika ng magandang babaeng nasa harapan niya. "Hindi po. Pero matanong ko lang po magandang Binibini, paano ko naman maa-apply ito eh alam niyo namang wala akong alam sa Survivability na sinasabi niyo. Pwedeng paki-explain further?!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikita ang labis na pagtataka lalo na sa Survivability na sinasabi nito. Kahit saang anggulo tingnan ay Annihilation ang nakikita niyang mga solusyon katulad na lamang sa isang angkan na nais niyang tulungan sila ng pamilya niya, napakaselfish isipin iyon lalo pa at malaki ang binayad niya rito no need to elaborate lalo na pagdating sa transactions. Bawal ding makialam ang mga ito sa mismong sigalot sa pagitan ng kaharian ng Sky Flame Kingdom at ng maliit na angkan ng Li Clan dahil siguradong malilintikan sila sa Wind Fury Kingdom. Isa ng malaking pabor nag hiningi niya rito at isang beses lang maaaring silang tulungan. Desperado na kung Desperado isipin ng iba sa kaniya o napaka-selfish niya pero sino ba siya para hindi maisip ang sariling kaligtasan ng kaniyang sariling pamilya. "Okay, wala ng paligoy-ligoy pa bata, mayroon bang pwersang maaaring pumantay o kumalaban sa kaharian ng Sky Flame Kingdom? Yung tipong hindi sila maaaring magapi ng maski ilang taon lamang? Think of possibility na kaya nilang pantayan ang awtoridad ng pangahas na kaharian ng Sky Flame Kingdom." Seryosong saad ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong habang nasa porma ito ng patanong. Napaisip naman ng malalim ang batang lalaking si Li Xiaolong sa sinabi ng magandang babaeng nasa harapan niya. Sino ba ang kayang tapatan ang Sky Flame Kingdom pagdating sa kapangyarihan o awtoridad?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.1K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.8K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
27.0K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook