"Hahaha... Hindi ko aakalaing ang Guild Master ng branch ng Feathers Guild na ito ay tila ba maraming alam patungkol sa sigalot ng Kaharian ng Sky Flame Kingdom at ng Li Clan. Tunay ngang nakakagalang talaga ang pinakainiingatan nitong reputasyon sa loob ng kahariang ito." Sambit naman ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitaan ng pagkasarkastiko ang tono ng pananalita nito. Yung tipong ang inis niya ay tila ba nilagay niya sa mga salitang lumabas sa kaniyang bibig. Tila ba gusto nitong ipagtanggol ang kaniya o kanilang sariling karapatan. Hindi sukat aakalain ng batang lalaking si Li Xiaolong na ang Guild Master na si Chen Hui na ito ay makikitaan ng pagkadisgusto sa kanilang maliit na angkan ng mga Li. Yung tipong akala niya ay walang kinakampihan at hindi nangingialam ang Fea

