Nagising na lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang pwesto pa rin kung saan ay nakaupo pa rin siya. Masasabi niyang medyo may kalaliman na ng gabi ngunit tila ba pakiramdam niya ay napakatagal niyang nawala sa kasalukuyang lugar na siyang ginagalawan niya. "Hooh! Hindi ko aakalaing makakapunta ako sa pambihirang lugar na iyon. Ngunit parang kakaiba ata amg oras na ginugol ko sa loob kumpara dito hmmm..." Sambit lamang ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang. Kung di siya nagkakamali ayon sa kaniyang tantiya ay mahigit isang oras lamang siyang nawala sa reyalidad ngunit tila ba mahaba pa ang panahong nagugol niya sa loob ng nasabing pambihirang lugar. Agad niyang naalala ang nasabing scroll na naglalaman ng Concealing Technique ngunit hindi niy

