Dinilaan ng nakaitim na maskarang isang Purple Blood Realm Expert ang gilid ng bibig nito matapos nitong ubusing kainin ang dambuhalang halimaw. Unti-unti na rin kasing bumabalik ang anyong tao nito at bumabalik na din ang tila bluish nitong balat sa pagiging balat ng normal na tao. Espesyal ang pangangatawan nito at laaht ng mga nakain nito ay hindi nagrereflect sa pisikal nitong pangangatawan. Isang special eating process ng demonic cultivation path ang ginawa niya kung saan ay kada kain niya ay tila natutunaw at napupunta sa buong katawan niya ang mga sustansya at lalong-lalo na ang blood essence ng nasabing halimaw. Isa ito sa natutunan niyang pamamaraan kung bakit nakamit niya ang ganitong klaseng kataas na lebel ng Cultivation. Nakakuha kasi siya ng isang pambihirang demonic book n

