MSN #1

2085 Words
"Anong nangyare sa labi mo bakit may sugat?"tanong ni Ethan saakin. Nakatambay kami ng kapatid nyang si Lola sa Park ng bigla syang dumating. "Clumsy sorry"ayun nalang ang sinabe ko at inilihis ang tingin sakaniya. Gustuhin ko mang sabihin na natanggap ko ito mula sa sapak ng magaling na si Karlo. "Is there something you want to share with me?"tanong nito napangiti naman ako sakanya at tumawa. "Tingin mo hindi ko kayang mag isa problema ko? Dude you're so weak I can handle myself"halos manggalaiti naman ito sa pangmamaliit ko sakanya kaya akmang lalapit ito. Siguradong pipisilin nanaman nito ang namamaga kong pisngi. Kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa ko. "Aba't!"I look at him weirdly kaya naghabulan na kaming dalawa. "Sige kuya pag ikaw nafall kay Cie, kasalanan mo ah"natatawang sabi ni Lola. Saka napatigil ang kapatid at napahawak sa noo. "Why would I like a tomboy tskk!!"sigaw pa niya. "Hindi ako tomboy" "Tomboy ka, Tignan mo nga kung pumorma ka parang lalake!"trust me ethan gusto kong maging tipikal na babae. Pero ako na ang umiiwas, kailangan maging kasura sura ang mukha ko sa lalakeng iyon. At hindi porke maluluwang at madlas nakatali ang buhok ko ay tomboy na ako. "Believe what you want to believe ethan"Panggogoyo ko pa. He looks at me for a second pero inilihis din nito ang tingin. "Hayy nako, Mabuti pa't umuwi na tayo maggagabi na din!"aniya natawa nalang ako sa sinabi nito. Napatitig ako sa orasan kong basag basag na. 5:30 pm.. Isang oras pa bago makarating si Mama sa bahay. "Oo nga Cie, Nagugutom na rin ako e---" "Una na kayo may pupuntahan pa ako"pagdadahilan ko. Ayoko lang talagang umuwi pa. Dahil ang tangin aabutan ko lang sa bahay na 'yon ay ang lalakeng 'yon. "Sino wala ka naman ng ibang kaibigang i---"siniko sya ni Lola. Pero nginitian ko lang sila. Inilapit ko ang mukha ko kay Ethan. "Kahit bestfriend kita hindi mo pa din ako masyadong kilala"kaibigan ko silang magkapatid pareho. At sila lang ang tanging napagkakatiwalaan ko. Ayoko ng madamay pa sila sa mga problema ko. Napabuntong hininga sya at inimwestra ang kamay saakin. Nakikipaghandshake sya iyong saming dalawa lang. Natatawa namang ginawa namin iyon. "Umuwi ka kaagad ha?"aniya pa. Ngumiti naman ako at kumindat sakanilang dalawa. "Sigurado ka ba gusto mo bang makikai---"hindi na natapos ni Lola ang sasabihin nya dahil agad na nagningning ang mga mata ko. "Change of Plans, tara kain! alam nyo talaga kahinaan ko!"Inakbayan ko silang magkapatid at dirediretso kaming nagtungo sa bahay nila. Being with them makes me feel im complete at walang problema. Ilang kanto din ang layo nila saakin. Pero ayos na 'yon. Hindi na kailangang mapalapit pa sila sa nakakasulasok na bahay na 'yon. Never ko silang dinala sa bahay namim kahit matagal na kaming magkakaibigan. "Hija, Lalo ka yatang pumapayat"puna saakin ng Mama nila. Habang kain ako ng kain ng Ramen na ginawa nito. Inaagawam ko pa nga si Ethan eh. Actually hindi na ako nakakaain ng maayos sa bahay dahil paggabi ay diretso tulog nalabg ako. "Hoy, maghunos dili ka nga!"sigaw saakin nito"Malakas kumain yan Ma, Kahit sobrang payat nyan!"tinapalan ko ang bibig nya at ngumiti sa mama nila. "Athletic ho kasi ako e"pagrarason ko at ngumiti kay Tita Precy. Ang tumayong parang tunay na Ina saakin sa loob ng mahabang panahon. "Yabang lampa naman"inirapan ko si ethan. Si lola naman seryosong nakikipaglaban sa pagkain nya. "Malapit na birthday mo hija, Ilang taon ka na nga?"tanong pa nito. Ilang linggo nalabg ay kaarawan ko na. "16 ho"sagot ko pa habang inaagawan si ethan. "Akin yan!"banat pa nito pero kumain pa ako lalo. "Magpakabusog ka lang dyan, Cie"Seeing them having fun kahit na wala na rin ang Papa nila. Naging masaya naman sila eh. Maybe kung hindi lang din ako pumayag noon. Ganito din kami nila Rance. I bid my goodbye to them, Alas otso na at sigurado akong nandoon na si mama. Ligtas na ako para sa gabing ito. Nakakain na rin ako at hindi ko na makikita pa sa hapagkainan ang lalakeng 'yon. Mabuti nalang talaga at nandyan sila Ethan at Lola. Atleast may kaibigan akong matatabukhan. Si Ethan ay College na sa ngayon. Kami naman ni Lola ay Graduating students na sa High school. Without them I wont survive this annoying world. Dahan dahan akong pumasok sa pintuan. Mabuti nalang at hindi nila nilock ang pinto. Sinarado ko ang pinto at sinigurado kong walang ingay sa paghakbang ko. Nakikita ko na ang hagdan. Sa ibaba ang kwarto ni Mama at Karlo kaya kapag nakaakyat na ako ay sigurado na ang kaligtasan ko. Malapit na ako sa unang baitang ng hagdan ng makaramdam ako ng kamay mula sa balikat ko at ng lingunin ko ito. Nakakahumindig na itsura ni Karlo na may dala dalang uniporme ang nakatingin saakin. Amoy alak sya. Pero anong magagawa ko. Kahit anonge estado nya ay laging sakit lang ang nararamdaman ko. "Bakit ngayon ka lang?"tanong nito. I tried to calm myself. Ayaw nyang nakikitaan ka ng takot. "Galing ako sa mga kaklase ko"Ofcourse Ayokong gamitin sila Ethan. Ayokong madamay sila. "Talaga ba?"tanong pa nya at ngumisi. "O-Oo----"nakatanggap ako ng malutong na sampal kasabay noon ang pagdampi ng mga kamay nya sa labi ko. Nasaan na si mama? Bakit wala pa sya?! Nasa kwarto ba sya? Nilakasan ko ang boses ko. "Tito Karlo, H-hindi ka pa ba Inaanto---" "Wala pa ang Mama mo, Overtime siya"tumatawang sabi nito. Tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa. Nanindig ang balahibo ko. Pero kailangan kong mawalan ng emosyon dahil sa ganoong paraan. Mas mabilis ang nagiging pananakit nya saakin. He likes it when im crying hearing me in pain. Kaya ito ako natutong magpakamanhid. "Ah"Overtime , kung meron man akong ayaw marinig na salita ay yan na marahil 'yon. "Ilan taon kana nga ?"tanong nito sa nakakatakot na tinig. "15"sagot ko ng direkta. Hindi ko dapat ipahalata ang panginginig ng boses ko. "15, 16 ka na sa susunod hindi ba?"tanong nya at inamoy ako sa may leeg. Nanginginig na ako sa takot. But I remain silent."Mukhang nahinog kana din!"natatawang sabi nya at inabot saakin ang uniporme."Suotin mo yan sa birthday mo! Papasayahin moko!"At pagkasabe nya noon ay natatawang umalis sya sa harapan ko. Nanghihina ang mga binti ko. Pero binilisan ko pa din ang pag akyat. Baka magbago pa ang isip nya at saktan akong muli. Anong balak nya saakin? Napalock ako mg pintuan maraming lock ang kwarto ko. May time na kumakatok sya pero hindi ko ito binubuksan. Tanging tawag lang ni Mama ang nakakapagpabukas saakin. I tried escaping this house before, pero tinakot nya akong papatayin nya si Mama. Napahiga ako sa kama ko at napaiyak. Sinusubukan kong wag makalikha ng kung anong ingay. Anong balak nya saakin?! Natatakot ako , Pero may choice pa ba akong lumaban? I look at the uniform. Mukha itong uniform ng mga babaeng gunagawa ng kahalayan sa mga video. Napatitig ako sa Diary ko at doon napasulat. Kung isang araw ay mawawala man ako. Nandito lahat ang dahilan. Malalaman nila lahat ng pinagdaanan ko sa kamay ni Karlo. Matapos noon ay nagtungo na ako sa higaan ko. Hindi pa man ako nakakapagpalit ng damit ng maramdaman ko ang mabilis na pagkatok sa pintuan ko. "Patience, mahal ko buksan mo 'to"si Karlo iyon at dinadagundong nya na ang pintuan. "Wag mokong hintayin na sirain ang pinto!"bumilis ng bumulis ang pagdagundong ng pintuan. Natatakot ako sa bawat kalabog nito. Nakakatakot ang tinig nya na sumisigaw mula sa labas. *Ding dong* Tumunog ang doorbell kasabay ng pagtigil nya. Nanginginig man ay binuksan ko na ang pintuan dahil narinig ko na ang yabag nya papababa. Siguradong si Mama na 'yon. Huminga ako ng malalim. May kausap sya mula sa labas. "Hello po, Im Cole your new neighb----"nanlaki ang mata ko dahil may hawak na kutsilyo si Karlo sa likuran nya at masamang nakatitig sa lalakeng nagpakilala. "Waaaaaaag!!!"sigaw ko dahilan upang mapukaw ang atensyon nilang dalawa. Nanginginig ako, nakita ko ang pagngisi ni Karlo at akmang isasara nya na ang pinto ng pigilan ito ni Cole. "Wair, do you know this guy?"tnong ng lalake at tinuro si Karlo. Ayokong madamay sya dahil nakikita ko na ang pagngisi nito. Hindi ako makahinga. Sobrang sikip na ng dibdib ko. "O--" "Oh may bisita tayo?"bati ni Mama nawala ang bigat ng kalooban ko at nakahinga ako ng maluwag dahil sa pagkakita kong pagdating nya. Nagmamadaling lumapit ako dito at niyakap sya. I know she knows but she pretend she doesnt. "Why? May pasalubong si mama sayo anak"bati pa nito saakin. Naptitig naman sya sa lalake mula sa labas. "Sino ka?"tanong nito. "Ah, hehe. Bagong kapitbahay , Here have some pie"abot pa nya kinuha naman ito ni Mama"Akala ko ho kaso hindi kakilala ang lalakeng iyan"tinuro nya si tito karlo na binibigyan ako ng makahulugang tingin. "Ahh, asawa ko sya"ngiting sabi ni Mama."Thankyou pala sa pie and welcome sa lugar namin!"ngumiti naman ang lalake. "Thankyou po btw, your daughter looks like she's scared kaya kinabahan din ako. Its nice meeting you all ako pala si Cole."pagpapakilala nyang ulit. "Im Eleanor, at sya ang anak kong si patience at si Karlo asawa ko"tumango ai Cole at nginitian ako. Napalingon ako kay Karlo na naitago na ang kutsilyo. "Gabi na matutulog na kami"He said at sinarado na ang pinto. Sobrang kaba ko kanina. Mabuti nalang at dumating na si Mama. "Here donuts, im sure gusto moto"napatango nalang ako. Nginisian ako ni Karlo ng yumakap sakanya si Mama. "Ma, matutulog na po pala ako"Pagpapaalam ko tumango naman si Mama. "Okay but tomorrow gigising tayo maaga okay?"sabay kasi kaming umalis ng bahay. Hindi ako bumabalik dito hanggat wala sya. Pagkadating sa kwarto ko ay napaupo akong muli sa kama ko. Napatingin ako mula sa ibaba at may magagarbong kotse na nasa tapat namin. Mayaman ba si Cole? I've reached my phone. Basag basag na din ito. Dahil ilang beses binalibag ni Tito Karlo. Mabuti nalang ay gumagana pa pero hindi nya alam. Patay na ang ilaw ko. Dahil ayoko ng magkaroon pa ng kung anong pupukaw ng atensyon nito. As I look at the window ay natanaw ko mula sa kabila ang isang lalakeng may sinulat sa papel. Teka si Cole yun ah. ' Okay ka lang ba talaga?' Napatulala ako sa Papel na 'yon. Hindi ako nakaimik. Gusto kong maiyak its like nakakita ako ng pag asa. But no way , hindi ko dapat idamay ang iba. I need to deal with this with my own. Pinatay ko ang ilaw mg phone ko at sinimulang humiga at matulog sa kama ko. Another day, another pain. Kinaumagahan ay maaga kaming nakaalis ni Mama. Sabay din kaming nakapasok ni Lola. Hinatid kami ni ethan gamit ng motor nya. Habang nagdidiscuss ang teacher namin ang presidente ng classroom namin. The friendly and so genius Ryan smiles at me at shinaran ako ng libro. Bulungan at tarayan ang napansin ko. Napabuntong hininga nalanga ko, wala naman na akong pake sakanilang lahat. "Hindi ako gumagamit ng libro"I said he just look at me. This guy is cute sabi ni Lola madalas nya daw makita itong nakatingin saakin. Iilang chismis din na gusto ako nito pero... Wala akong interes. Hindi totoong hindi ako gumagamit ng libro instead nagfufurther study lang ako sa library dahil sa wala akong pambili ng libro. "P-pero bakit ang talino mo?"tanong pa nya natawa naman ako ng pagak. "Isa lang ang dahilan dahil kailangan kong makasurvive"Ofcourse I need to survive, scholar lang ako kaya nakakapag aral ako. I dont want any interactions with others. Kasi tuwing ganoon ay puro sakit lang ang dulot nito saakin. Friendship are only there to gain something from you. At kapag ubos kana wala na rin sila. Ethan and Lola is an exemption I love them they're not my friends they're my family. Natapos ang buong klase, pansin kong di mapakali si Ryan. Hindi naman ako umimik pa at iniwan sya sa pwesto ko lagi kasi akong nasa likuran. Nag unat unat pa ako. Nakakabored ang subject mg Mathematics. Palabas na sana ako ng pintuan ng classroom. Hindi iniinda ang mga mukhang nakakairita at ang mga bulungan na 'Malandi' daw ako. Mg biglang... "Ms Patience Alcantara! Gusto kita!"he said in high tone. Parang nagpantig naman ang tainga ko. Nanlalakeng matang nilingon ko si Ryan. He cant even look at me straight in the eye at halata na din ang sobrang pula nyang mukha. Sa kabila ng mga pasa at sugat sa katawan at mukha ko... Attractive pala ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD