
COMPLETED ✔️
Simple at tahimik na buhay na naging magulo dahil sa pag-iibigan.
Ang pag-ibig ay parang lindol, darating sa panahong hindi natin inaasahan at mag-iiwan sa atin ng matinding pinsala—maaaring masira ang ating buong pagkatao dahil dito.
Ang pag-ibig ay parang bahag-hari, na pagkatapos ng ulan (mga paghihirap na pinagdaraanan) ay darating at magbibigay ng kakaibang damdaming makapaglalagay ng ngiti sa ating mga labi.
Si Landellane Pacala, ang babaeng simple lang, responsable at mabait. Kulot at may morenang balat.
Si Armaddios Caballero, ang lalaking makaluma at makabago. Mabait, responsible at may paninindigan. Tapat at maaasahan.
Dalawang taong nagkakilala, naging magkaibigan at nakaramdam ng pagmamahal para sa isa’t isa. Magkaibang tao noong nagkaugnay dahil sa pag-ibig.
Bakit nga ba sila nagkakilala?
Estranghero ba talaga sila sa isa’t isa nang una nilang makita ang isa’t isa? O nakaramdam din sila ng lukso ng dugo nang magtama ang kanilang mga mata?

