Chapter 79 Kumawala si Lia mula sa pagkakayakap ni Gino at bumaba paalis ng stage. "Saan ka pupunta?" natatarantang tanong ng binata at hinagip ang braso ng dalaga. Mapapahiya pa yata siya sa harap ng Imperial Clan kapag iniwan siya ng prinsesa ng mga ito sa ere! Tumingin ito sa kanya saka napalingap sa paligid. "Ah, eh..." hindi ito makapagsalita na parang may bagay na pinag-iisipang gawin. "Lia..." nasambit na lang niya habang hinihintay kung iiwanan ba talaga siya nito sa ere? "Kwan, tama na ang sayaw pakainin mo naman kami." alanganin ang ngiting sabi nito. Nakahinga siya nang maluwag at napangiti. Akala niya ipapahiya na siya nito. "Sure baby..." "Bakit mo ba ginawa ‘to? Isinama mo pa ang angkan ko?" "I just wannna know na hindi lang mga magulang mo ang approved sa panliliga

