Chapter 78 "Sir! Sir Gino!" napapitlag ang binata nang tapikin siya ng isa sa mga lalakeng staff kaya nabalik ang utak niya sa kasalukuyan. "H-Ha?" parang nawala sa sariling tanong niya. "Okay lang ba kayo Sir? Parang ang lalim po ng iniisip natin, ah?" nakangiting anito. "Malalim talaga seventeen years ago ba naman." bulong niya. "Po?" clueless na tanong nito. "Anyway ano ‘yon?" pang-iiba niya sa usapan. "Ah, itatanong ko lang po kung ano’ng gusto niyong set up ng stage?" Tumango siya saka ibinigay ang details. Ilang saglit pa ayos na ang lahat. Isa-isa ng nagsisidatingan ang mga bisita. Pati na ang mga magulang ni Lia. "Make sure na hindi ito proposal, ha?" ani Danilo sa kanya. "No Tito. You have my word pagkagraduate po niya. Gusto ko lang magkaayos kami at ipaalam sa kanya na

