Chapter 100 "What’s so funny ha?" halatang iritadang tanong ni Ariella kaya tumigil na siya sa pagtawa. "Ariella, hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko. Matutuwa ba ko sa’yo dahil nag-effort ka pang puntahan ako dito or matatawa na lang dahil diyan sa mga kagagahang pinagsasabi mo? Ano kayang itinurok mo sa utak mo at ganyan ka kabangag? Lakas mo ring magjoke. We all know na ako ang mahal ni Gino. See this? It's our engagement ring," aniya pa at ipinakita ang singsing sa daliri niya. "Eh, kung sabihin ko sa'yong fake ‘yan at itong sa'kin ang totoo?" sagot nito at may ipinakita ring singsing na nasa daliri nito. Kaparehas ng sa kanya! "Nagpropose siya sa'kin sa Singapore noong unang araw namin do’n. Narealize niya kasing ako talaga ang mahal niya." nakangising sabi nito. "S-Singapore?"

