Chapter 99 Nagising si Lia sa tama ng sinag ng araw sa mukha niya na pumapasok sa malaking bintana ng silid. Kukusot-kusot pa siya sa mata saka napaupo sa kama. Hinagip niya ang bunny slippers niya saka tumayo. Napatingin siya sa silid na kinaroroonan. Napahampas pa siya sa noo nang maalalang wala nga pala siya sa sariling silid kundi na kay Gino. Naiiling na tinungo niya ang isang pintuan. Tama siya, iyon ang banyo nito. Naghilamos siya at nagmumog. "Lia?" napatigil siya ng marinig ang boses ni Gino kaya lumabas na siya ng banyo. "Hi." nakangiti niyang bati dito. Awtomatikong naging eratiko ang t***k ng puso niya. Nakacorporate attire na ito at halatang bagong paligo na. Ang gwapo talaga nito. "Good morning. How's your sleep?" malambing na tanong nito. "O-Okay naman. Ikaw? Masama

