Chapter 63 "Lia, sigurado ka bang ayaw mong samahan kita sa loob?" paniniyak ni Francis sa kanya matapos nitong ihinto ang sasakyan tapat ng gate ng bahay ni Gino. "Oo. Sige na, mauna ka na. Problema ko naman ‘to, hindi mo kailangang madamay. Salamat sa paghatid." paalam niya at akmang bababa na siya ng sasakyan nito nang hawakan nito ang braso niya. "Basta kapag may kailangan ka, tawagan mo kaagad ako." "Opo sige na. Babye. Salamat." kaway niya pa saka bumaba. Saka lang ito umalis matapos ang ilang saglit na pagtitig sa kanya. Tinanaw niya pa ang sasakyan nito paalis bago siya muling humarap sa gate ng bahay ni Gino. Napabuntong-hininga pa siya bago nagdoorbell. Kaagad siyang pinagbuksan ni Mang Ben ng gate. "Ma'am Lia kagabi pa po kayo hinahanap ni Sir Gino. Nandiyan po siya sa sa

