Chapter 62 Parang minamartilyo sa sakit ang ulo ni Lia nang magmulat siya ng mga mata. Napalinga-linga siya nang mapansing hindi pamilyar sa kanya ang lugar na kinaroroonan niya, maging ang kamang kinahihigaan niya. Kulay dark blue ang cover sheet pati kumot. King size pa iyon. Idagdag pa ang interior design ng mga pader plain white at blue rin. Tipong panlalake. Teka nasaan ba siya? Nalintikan na! Hindi naman ito ang kwarto niya! Napabangon siya kahit ang nananakit ang ulo. Napakapa siya sa sarili ng mapansin ang malaking damit na nakasuot sa kanya! Kinilabutan siya. Tinanggal niya ang kumot at medyo nakahinga siya ng maluwag nang makitang suot pa rin niya ang pantalon. Napaisip siya kung sino ang talipandas na nagpalit sa kanya? Paano kung may nanamantala sa kanya? Tarantang napatayo

